Joaquin Lucas Reyes Point Of View
Nandito ako ngayon sa Hospital ..
2 Days mahigit na din ako dito . Oo, na confine ako .
At sa loob nang dalawang araw na yun , sobrang dami na agad nang mga nangyari .
Hanggang ngayon nga , hindi pa din ako makapaniwala .
Sobrang nakakagulat .
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.
Mahirap man tanggapin , pero kelangan namin tanggapin .
Masakit man para sa amin ni Jazzelle , pero wala parin kaming magawa kundi ang mag pray nalang kay God .
Meron akong Brain Cancer na asa Stage 4 na .
Ang sabi nang doktor na tumingin sa akin , dahil daw yun sa pag kakauntog ko na sobrang lakas nang impact at dahil na rin sa stress .
Tama naman yung doktor , naalala ko kasi nung nakaraang taon , naliligo ako noon at nadulas ako sa CR . Sobrang lakas na pag kakatama nang ulo sa lababo nang banyo .
Hindi ko na pinaalam kahit kanino pa yung nangyaring yun dahil ang buong akala ko , simpleng pagkakauntog lang yun .
Pero mali pala , hindi ko man lang naisip na maaari palang maging cause yun nang pagkawala ko .
Kagabi , hindi ako nakatulog nang maayos dahil naririnig kong umiiyak si Jazzelle habang binabantayan ako . Hingi siya nang hingi nang sorry sa akin , ngunit hindi ko malaman kung bakit . Siguro dahil hindi man lang siya makagawa nang paraan para mailigtas ako .
At ang sabi nang doktor , hindi niya masasabi kung hanggang kelan pa ako mag eexist sa mundong ibabaw .
Maaaring , bukas , mamaya O kahit ngayon ay bigla na lang akong kunin ni Lord .
Kahapon nung umaga , nag punta si Manager G dito , kinausap niya ako . Medyo naging ma-drama pa nga kaming dalawa ee . Hahaha! Nag iyakan pa kami .
Sabi niya , mahal na mahal niya ako . Parang isang tunay na anak niya na daw kasi kaming lahat kung ituring . Nga naman , sa tagal ba naman namin nag sama-sama . Naiiyak nanaman tuloy ako . No bato!
Tapos sabi din ni Manager G , i kalma ko lang daw ang sarili ko . Wag ko daw masyado iisip kung ano man ang mangyayari sa akin . Kasi pag inisip ko yun , mas lalo pa daw akong mai-stress at baka mapadali pa ang pag alis ko .
Kagabi naman , nag punta dito silang lahat para kamustahin ako , si John , Nash , Grae , Girlie , Vianney , Znia , Manager G at syempre ang pinaka mamahal kong si Jazzelle.
Hindi nakapunta si Brace at Noreen dahil asa Europe na sila . Nag madali nga silang bumalik doon dahil sa work ni Norreen . Naiintindihan ko naman yun , tyaka kahit wala naman sila . Nag skype naman kami kani-kanina lang .
Si Jessica naman , mamayang hapon pupunta siya dito . Bibisitahin niya rin daw ako . Medyo na late siya kasi asa Korea na siya , nag pumilit lang siya ulit na payagan bumalik dito sa Pilipinas .
At ngayon , ito mag isa ako ngayon sa Hospital .
Wala akong kasama , meron kasi silang nilalakad eee .. Kaya ko naman din mag-isa pero iba parin pag may kasama .
Bigla naman akong naiyak nanaman .
Naiisip ko lang kasi , kawawa naman yung magiging anak namin ni Jazzelle .
Lalaki siyang walang makikilalang ama .
Kung kaya ko lang sana makipaglaban sa sakit ko na ito para lang mabuhay nang mas matagal ay ginawa ko na .
Dahil wala akong magawa , kinuha ko yung bigay sa 'Special Notebook' na bigay sa akin ni Vianney kagabi . Tawa pa nga kami nang tawa kasi sabi niya , kung may balak daw akong ihabilin , dito ko na lang daw itala .
Kumuha ako nang ballpen at nag simula na akong mag sulat sa Notebook .
Sinusulat ko palang ang word na 'To my Dearest Jazzelle' bigla na agad nag unahan sa pag labas ang mga luha ko .
Hindi ko kaya ! Hindi pa talaga ako handa para iwan siya, iwan Sila .
Pero kelangan ko maging matatag . Pinunasan ko nang kamay ko ang mga luhang lumalabas sa mata ko .
Huminga ako nang malalim at pinilit kong pigilan ang pag iyak .
Nag simula na ulit akong mag sulat .
Mga ilang oras din akong nag sulat .
Paulit-ulit kasi ako , puro kasi mali ee .
Hanggang sa lumipas ang mahigit isang oras , natapos ko na din .
Pinunit ko mula sa notebook yung pahinang pinag sulatan ko .
Tinupi ko nang maayos , at tinawagan ko si Venice Mina-siya ay isa sa mga naging super Fan ko noon pa man . Naging Admin din siya nang mga Fanpages,accounts at kung ano-ano pa . Kaya naman malaki ang tiwala ko sa kanya .
Pag kasagot niya nang tawag ko , sinabi ko agad na pumunta siya dito . Sinabi ko syempre kung asan ako , at nagpabili din ako sa kanya nang isang Magandang Jewelry Box na de-susi .
After 30 minutes dimating na siya , andami niya pa ngang tanong e. Pero dahil mabait ako , sinagot ko naman lahat nang katanungan niya . Syempre, nag iyakan din kami . Hay! Kainis naman , lagi na lang iyakan .
Tapos namin mag drama , ihinabilin ko na sa kanya yung sulat .
Ang sabi ko , yung jewelry box , ibibigay niya kay Jazzelle sa araw kung kelan nailibing na ako , at ung susi ibibigay niya sa araw nang anibersaryo nang aking pagkamatay .
Syempre , pinag-promise ko pa siya .
After noon , umuwi na siya . Nag yakapan pa kami bago siya umalis , muntik nanaman nga kami mag iyakan eee .
Pag alis niya , bigla na lang sumakit yung ulo ko . Hindi lang masakit . As in sobra talaga .
Hanggang sa namilipit na ako sa sobrang sakit , pero pinilit ko parin ikalma ang sarili ko .
Humiga ako nang maayos , tumitig lang ako sa kisame nang ward ko .
Hanggang sa unti-unti na akong napapikit , at sa muling pag dilat ko-nakita ko si Mama at si Papa . Nakaputi silang pareho at tumatakbo papalapit sa akin habang parehong naiyak .
Pag dating nila sa harap ko ay agad nila akong niyakap . Ang sabi nila , isasama na daw nila ako para hindi na ako masaktan pa .
Hindi ko nagawang humindi sa alok nila , kaya naman sumama na ako .
Naglakad lang kami , sobrang ganda nga nang paligid . Ang liwanag sobra . Tapos puro kulay puti ang makikita mo .
Hanggang sa bigla kaming tumigil sa pag lalakad , napatingin ako sa harap namin .
At doon ko nakita ang napakalaking gate . May dalawang bantay na lalaki sa gate , pareho silang naka-puti at may mga pakpak .
At Otomatikong nag bukas ung gate , at pag pasok namin sa loob-doon ko lamang nalaman sa sarili ko na . Asa langit na pala ako ..
----------
AN: Sorry kung ang drama nang chapter na ito . Hindi kasi talaga dapat ito ang ia-update ko today , e kasi naman biglang may kung anong pumasok sa utak kong maliit na nag udyok sa akin na palitan ko daw ung update ko . Kaya ayan naging ma- drama....
BINABASA MO ANG
Gimme 5 ( COMPLETED )
Fanfiction★ REMINDERS ★ ☞ THIS IS A FANFICTION ONLY! ☞ I know that there will be some TYPOGRAPHICAL ERRORS or GRAMMAR MISTAKES in this story but PLEASE!! DON'T JUDGE. PLEASE JUST UNDERSTAND. EVERYONE MAKES MISTAKES. :/ ☞ I will NOT CHANGE/EDIT what I wrote in...