Kabanata 5 ( Ikalawang Yugto )

940 41 1
                                    

John Bermundo Point Of View .

Nag lakad na agad ako pababa para nga pagbuksan kung sino man yung tao sa baba .

Pag bukas ko ng pinto , bumungad sa akin ang napakaraming reporter na nasa harap ng Gate ng bahay ni Manager . Kaya naman sinara ko agad yung pinto .

Pumunta naman ako agad doon sa isa pang pinto , yung pinto sa likod kung san kami-kami lang ang nakakaalam .

Pagbukas ko nang pinto , bumungad sa akin si Jazzelle .

'' John , tulungan moko please . ''

Nakakaawa ang itsura niya , ang dumi dumi niya at nanghihina na talaga .

Pero hanggang ngayon suot niya parin yung pangkasal niya , pero ang dumi na nito . Puro dugo , putik at sobrang baho na nang amoy .

'' a-anong nangyari sayo ? . Tara sa loob . ''

Kinuha ko naman yung kanang kamay niya at iniakbay ko ito sa balikat ko para maalalayan siya .

'' GUYS ! TULONG NAMAN DIYAN ! "

Sumigaw na ako , tinawag ko na sila dahil nga tuluyan nang nawalan ng malay si Jazzelle .

'' Ohhhhh ! Anong nangyari dito ? '' - Tanong sa akin ni Managaer G .

'' Oo nga , anong nangyari sa kapatid ko .? " -Tanong din ni Grae .

Teka bakit ako ? Wala rin naman akong alam sa nangyari kay  Jazzelle eh . Basta pagbukas ko ng  pinto ee , mahinang-mahina na siya .

'' Hindi ko rin po alam  Manager kung anong nangyari sa kanya e . Basta pag bukas ko nang pinto nakita ko na siyang nanghihina at nanghihingi ng tulong sa akin . "-  Pagpapaliwanag ko .

'' Oy Jazzelle , gising . Oy ,.... " - Sabi ni Znia , with matching tapik-tapik pa sa mukha ni Jazzelle .

'' Iakyat na lang muna natin siya sa taas at nang mabihisan at magamot '' - At kelan pa naging Dr. tong si Vianney .

Binuhat na nila si  Jazzelle papunta sa Room niya para nga daw magamot , dahil ang init-init ni Jazzelle e . Ang taas ng lagnat .

Nung paakyat na sana ako , bigla namang hinigit ni Girlie yung braso ko kaya naman nilingon ko siya .

" Ow bakit . ? '' - Tanong ko sa kanya . Kakaiba nanaman kasi yung itsura ng mukha niya  .

Parang may hindi nanaman siya nagugustuhan sa paligid niya .

'' Hmmm , wala kabang napapansin ? ''-  Ayan na naman siya ! Hay ! Umaatake nanaman ang pagka-imbistegador niya .

'' San naman ? ''

'' Si Noreen , hindi mo ba siya nakita kanina ? Parang iba siya ..... Parang hindi siya si Noreen na nakilala ko . Ibang-iba siya , noong nakita niyang walang malay si Jazzelle , parang  bali wala lang sa kanya . Parang nakita ko pa  siya na para...... ''

Hindi ko na siya pinatapos pa at mag salita na ako .

'' Tama na Girlie , masyado ka nang nagiging mapanghinala sa tao . Malay mo naman , guni-guni mo lang yan . Kaya tara na sa taas , baka kasi pati sila mag hinala na sa atin . Mahirap na .''

Hinawakan ko na siya sa kamay niya at hinila na paakyat , at bigla ko na lang siyang narinig na bumulong ..

'' Sana nga,... Sana nga mali ako . Sana nga , guni-guni ko lang to .... Sana talaga . ''

Itutuloy .......

Gimme 5 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon