Kabanata 11 ( Ikalawang Yugto )

878 46 0
                                    

Brace Arquiza Point Of View

'' Oh Britnney anak , gabi na ah . Hindi kapa ba matutulog . ? ''

Nakita to kasi siyang nakaupo sa upuan na nakaharap sa bintana dito sa aming kwarto .

" Inaantay ko pa po si Mommy e . Nami-miss ko na po siya . ''

Hay! Asan na nga ba si Noreen . Kawawa naman tong bata . Gabing-gabi na , hindi pa makatulog kasi inaantay pa siya .

Ewan ko ba , parang nitong mga nakaraang araw . Parang iba na talaga siya . Ibang-iba na si Noreen , parang hindi na siya yung Noreen na nakilala ko dati .

Parang iba siya .

Tapos itong batang ito , si Britnney . ... Parang wala man lang akong naramdamang lukso nang dugo nung makita ko siya . Tingin ko nga , hindi ko siya anak e ..

Ayyy ! Ewan . Kung anu-ano na pinag-iiisip ko .

Nevermind .

'' Kuya Brace , iuwi mo na po ako sa amin . Sige na po . Ayaw ko na po dito . Nami-miss ko na po ang Mommy at Daddy ko e .''

Ano ba pinag sasasabi nitong batang to ?

'' Anong kuya ? Daddy moko Britnney . Tyaka saan ka uuwi ? ehhh andito naman kami nang Mommy mo ah .''

Kinukutuban na ako ah ...

Lumingon muna siya sa paligid , tinignan kung may ibang tao . Grabe ah . Parang Spy ah.

'' Sasabihin ko na po sa inyo ang totoo , basta po mangako kayo na ihahatid mo na po ako sa bahay namin . At wag na wag mo po akong isusumbong kay Ma'am Jessica''

Bigla na lang namutla si Britnney , kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya .

At sino namang Ma'am Jessica ?

'' Oo pangako . Iuuwi kita sa inyo at hindi kita isusumbong sa Ma'am Jessica mo . Basta sabihin mo lang sa akin ang nalalaman mo . ''

'' Hindi niyo po talaga ako anak . Hindi po kayo ang Daddy ko . Si Mommy at Daddy ko po kasi ay binantaan na papatayin daw sila ni Ma'am Calliah pag hindi daw ako pumayag na sumama sa kanila . Kaya po napilitan akong sumama sa kanila . At ito nga po , pinag panggap nila akong si Steff . Si Steff po kasi talaga ang anak niyo at hindi po ako . At si Ma'am Jessica po , siya po yung nag papanggap na asawa mo po . Siya po yung inaakala niyo pong si Ate Noreen . Yan po yung totoo . Sorry po kuya kung niloko kita . ''

Kaya pala ? Kaya pala parang iba yung mga kinikilos ni Noreen . Dahil hindi naman pala talaga siya si Noreen .

'' Alam mo ba kung asan si Noreen ? Yung totoo kong asawa at yung anak namin na si Steff ? ''

" Hindi po ehhh . Paiba-iba po kasi nang kuta si Ma'am Calliah . Pasensya na po talaga kuya . ''

Si Calliah nanaman ? Kelan ba siya titigil . Hindi ba siya napapagod .

'' Kuya Brace , iuwi mo na po ako please . ''

'' Sige tara na . ''

Inimpake nanamin yung gamit niya , at kahit gabing-gabi na ay inihatid ko na siya sa bahay nila .

Itutuloy .....

Gimme 5 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon