Manager G's Point Of View
Okay na ang lahat. Pumayag na ang apat na girls, pero si Jazzelle pag iisipan pa daw niya.
Ewan ko, mukhang hanggang ngayon ay hindi padin siya nakaka recover sa pagkawala ni Joaquin.
At ngayon nga, pauwi na ako galing sa meeting namin ng mga mayayamang tao na tutulong sa akin para hindi malugi ang company tinayo nang aking anak. At nakahanap na din ako ng mga magiging sponsors nang Gimme Girls.
Habang nag mamaneho ako at saktong malapit na sa gate nang aking bahay ay may natanaw akong isang babaeng iika-ika mag lakad at tila papunta din sa gate ng aming bahay. Agad ko namang pinaandar ang aking kotse at bumama sa harap mismo nang gate ng bahay ko at hinarap siya.
'' Ahhh miss, sino po sila at anong kailangan?" - Mahinahon kong taong since mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan.
'' Ah i-ikaw po si Manager G diba? Ang manager ng Gimme 5 . Hmmm ako po si Venice Mina, gusto ko lang po sanang makausap si Jazzelle kahit saglit lang po. Importanteng importante lang po talaga. Please, nakikiusap po ako sa inyo.'' -Nagulat na lamang ako sa pag mamakaawa niya.
'' Ehh ano ba yung sasabihin mo sa kanya? Ako na lang ang bahalang mag sabi. Kasi wala siya diyan sa bahay, andun siya sa bahay nila.''
''Ah ganun po ba. Sige po, gusto ko lang po ipasabi sa kanya na may gustong ipabigay sa kanya si Joaquin.''
'' Ano kamo? Si joaquin? Pa-paaanong-''
'' Isa po ako sa matalik na kaibigan ni Joaquin, di pa po siya sikat noon e magkakilala na kami. Kaya po malaki talaga ang tiwala niya sa akin. Bago po siya mamatay nang araw na iyon, meron po siyang pinahabilin sa akin. Ito pong susi na ito. Ang susi na pong ito ay ang siyang makapag bubukas nang Jewelry box na ipinabibigay din ni Joaquin kay Jazzelle.''
Iniabot niya sa akin ang isang susi at agad ko naman itong kinuha. At akmang aalis na sana siya nang bigla ko siyang tawagin.
'' Bakit po?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bigla na lamang akong naiyak. Bigla ko kasing na miss nanaman si Joaquin.
'' Gusto ko lang sanang malaman, naging masaya ba si Joaquin sa mga oras na alam niyang malapit na siyang mawala? Alam kong alam mo ang sagot sa tanong kong to dahil ikaw ang huli niyang nakasama bago siya mawala. Please, sabihin mo ang totoo.''
Bigla siyang natahimik, kasabay ng pilit na ngiti sabay sagot nang...
'' Opo, masaya siya. Masayang-masaya. Alam ko, dahil kitang-kita ko sa mga mata niya. Naalala ko pa noong bata kami, wala siyang ibang pinangako sa akin at sa sarili niya kundi ang 'Magiging sikat din ako balang araw, at pag nangyari yun..Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo' Kaya alam ko, noong araw na nag paalam na siya sa akin ay lubos lubos ang kasiyahan niya dahil natupad na ang matagal niyang pinapangarap. Hindi man ito tumagal atleast nangyari daw ang inakala niyang imposible. At dahil daw yun sayo, dahil sayo Manager G. Labis labis ang pasasalamat niya sayo manager.''
Sa mga salitang narinig ko mula sa kanya ay mas lalong lumala ang nararamdaman kong hapdi sa dibdib ko. Lalo akong naiyak dahil miss na miss ko na si Joaquin- ang taong walang kasing bait.
>To be continued ;))
BINABASA MO ANG
Gimme 5 ( COMPLETED )
Fanfikce★ REMINDERS ★ ☞ THIS IS A FANFICTION ONLY! ☞ I know that there will be some TYPOGRAPHICAL ERRORS or GRAMMAR MISTAKES in this story but PLEASE!! DON'T JUDGE. PLEASE JUST UNDERSTAND. EVERYONE MAKES MISTAKES. :/ ☞ I will NOT CHANGE/EDIT what I wrote in...