Special Chapter # 6

603 42 0
                                    

Joaquin Lucas Reyes Point Of View

'' WAHHHHHHH!!! HONEYYYYYY!!!! ANG GANDA NAMAN DITO ..''

'' Hahahaha!!! Oo , pero wag ka masyado maingay , baka masita tayo hahaha..''

Andito kami ngayon sa rooftop nang building ni Manager G... Isa ito sa mga company na ipatayo niya .

Ibang-iba na si Manager G ano , big time na .

Sobrang taas nang kinaroroonan namin ngayon . Hahaha . Medyo nakakalula nga ee.

'' Hmmm Honey , punta tayo nang mall . Mamasyal naman tayo , pwede ? ''

Nilinggon ko si Jazzelle , ang ganda talaga niya . Hahaha , hinahangin pa ang buhok niya .

'' Hmmmm , bakit may gusto kabang bilhin ? ''

" Wala naman , gusto ko lang mag laboy kasama ang Honey ko . '' -

Hay! Ang landi talaga . Hahaha , para namang may aagaw sa akin .

'' Okay sige , ee saan mo bang Mall gusto pumunta ? ''

'' Kahit saan . Tara na ''

Hinila niya bigla yung kamay ko , pumasok kami sa Elevator tapos pinindot niya ung botton .

Maya-maya , nakarating na kami sa parking lot .

Hinanap namin yung car ko tapos takbo nanaman papunta sa loob nang kotse ko .

'' Honey , ako naman ang mag da-drive for you''

Pa-cute niyang sabi , para siguro payagan ko siya . Pero , dahil cute talaga siya , pumayag na din ako na siya ang mag drive .

'After 20 minutes nakarating na kami agad sa MOA .. Hindi naman masyadong traffic . Buti nalang .

'Ipinark muna namin yung kotse ko , tyaka kami nag punta sa Sea side .

'' WOOHHH!!! Sobrang hangin dito . Ang sarap sa pakiramda . '' - Sabi sa akin ni Jazzelle .

Ewan ko , pero parang biglang sumama ang pakiramdam ko . Parang may mali .

Pakiramdam ko may kung anong hindi magandang mangyayari .

Napahawak ako sa ulo .

'' Honey , ayos ka lang ba ? '' Nag aalalang tanong sa akin ni Jazzelle . Sumagot ako nang 'oo' sa kanya at pilit na ngumiti .

'' Sigurado ka ba ? Parang namumutla ka ata . Ano ba kasing problema ? . Baka may sakit ka ahhh . Sabihin mo sa akin . ''

'' Ano kaba , wala akong sakit . Pagod lang to .. ''

At sa ikalawang pag kakataon , ngumiti ulit ako sa kanya na halata namang pilit lang .

Ewan ko ba , hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin .

Napansin ko na ito noong isang araw , bigla na lang din akong nahilo noong naliligo ako .

Hindi ko naman magawang mag pa-check up dahil wala din akong oras .

'' Maybe , kelangan na natin umuwi para makapag pahinga kana Honey . '' - Malungkot na sabi ni Jazzelle habang todo alalay siya sa akin .

'' No , Honey ... Kaya ko naman--- ''

Hindi ko na natapos ung sasabihin ko , dahil biglang may kung anong sakit akong naramdaman sa ulo ko.

Hindi lang basta sakit . Sobrang sakit .

Napahawak ako sa ulo ko ,

Bigla naman akong nakaramdam na parang maiinit na likido na lumalabas sa ilong ko.

Napahawak agad ako sa butas ng ilong ko at pinunasan ko ang maiinit na likido .

At nagulat kaming dalawa ni Jazzelle sa nakita namin .

Dugo, dumudugo ang ilong ko .

Maya-maya bigla na lang akong nahilo .

At nawalan na ako nang malay .

'' Joaquinnn!!! Joaquin gumising ka. ''

Narinig kong sigaw ni Jazzelle , hindi ko ma masyadong marinig ang iba niyang sinabi dahil tuluyan na akong nawalan nang malay .

---------

AN: Anyari kay Joaquin ? Hahaha , secret ;))) Hehehe , salamat nga pala sa pag babasa nito ;) Comment lang kayo kung may nais kayong sabihin ;)))) ...

Gimme 5 ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon