DISI-SIETE✞

555K 18.7K 5.8K
                                    

DISI-SIETE✞

[ START ]


ROGER's POV

Damn it! Bakit hindi ko ma-contact si Isko? Usapan namin ay susunod siya ng madaling araw dito sa probinsya nila Clarisse. Tamad talaga ang isang ito. Sinabi ko lang na masmabilis ang biyahe sa madaling araw eh – hindi sumabay sa'min kagabi.

Anyway, heto na nga kami ni Ka Pineng patungo dun sa dating bahay nila Clarisse at Roli. Si Ka Pineng ang driver. Pero bago iyon, pansamantala muna kaming tumuloy sa isang hotel kaninang madaling araw para magpalipas ng umaga. Usapan namin ni Isko na dun niya kami pupuntahan. Kaso nga heto at tanghali na, wala pa rin siyang paramdam.

Kagabi ko pa napansin itong malaking bagahe ni Ka Pineng. Ano kaya ang laman niyon? Nagkibit-balikat na lang ako.

"Sino pa ang nakakaalam ng lugar na ito?" Tanong ni Ka Pineng habang nagmamaneho siya.

"Si Mrs. Ocampo bukod sa'kin." Panay pa rin ang dial ko sa aking cellphone.

"Matagal na bang kaibigan ni Clarisse si Mrs. Ocampo?" Tanong niya ulit.

"Siguro. Pero ang alam ko – matagal nang naging kasintahan ni Roli itong si Mrs. Ocampo."

Tila siya nasamid at nai-preno ang sasakyan. "Ibig mong sabihin... dating magkasintahan si Mrs. Ocampo at Roli?"

"Yup! Akala ko nga noon ay sila na ang magkakatuluyan kaso – dumating bigla si Laurie." Hinugot ko yung larawan na ibinigay sa akin ni Isko bago kami naghiwalay kagabi.

"Si Laurie yung napangasawa ni Roli..."

"Eh, nasaan na itong si Laurie?" huminto ang sasakyan namin.

"Never been found until now. At duda akong si Roli ang pumaslang sa mag-ina niya." Bumaba ako ng sasakyan.

"Mag-ina? You mean, may anak pa sila." Bumaba na rin siya.

"Hinala ko rin na si Roli ang pumatay kay Ara."

"Tingin ko hindi." Umiling siya.

Nangunot ang noo ko. "Paano mo naman nasabi?"

"Sabi sa'kin ni Isko, posible raw babae ang killer. Based in his investigation, mula sa mga sugat na natamo ni Ara–"

"Pwede bang wag na nating pag-usapan 'yan?" Hindi ko na siya pinatapos. Ayokong pag-usapan kung paano pinatay ang anak ko.

Napasinghap na lang siya. "Okay. Isang tanong na lang."

Hindi ako umumik.

"Naging defense attorney ka ni Roli, 'di ba? Napansin mo bang kaliwete siya magsulat?"

"Kanan." Mabilis kong tugon.

"So hindi nga siya. Ayon pa kay Isko, kaliwete daw ang killer at – ayoko na magkwento. Baka sakalin mo na ako." Tinapik niya ako sa balikat. Napatingin siya sa picture na hawak ko. "Ano yan?"

Napatingin din ako dun. "Picture ito ni Clarisse nung labing-siyam na taong gulang pa lang siya." Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang picture na ito.

"Sino yung kasama niya sa picture?"

"Hindi ko rin alam," Napabuga ako ng hangin. "Nakita lang daw ito ni Isko sa ilalim ng kama namin sa kwarto."

"Well, I'm expecting na marami tayong makikitang ganyan dito sa lumang bahay ni Clarisse Villaverde..." Luminga siya sa paligid.

"Teka! Bakit nga pala tayo nandito? Medyo malayo pa ang bahay ni Clarisse dito." Sabay tingin ko sa aking wristwatch. Ala-una na pala ng hapon.

"May hihintayin lang tayo sandali."

Minuto nga lang at may sumulpot na dalawang lalaki.

"Heto na sila." Sinalubong ito agad ni Ka Pineng. "They're my crew..."

"Ha?" Ano ba yan nagsama pa itong matandang ito ng back up.

"Guys this is Roger," bumaling siya sa akin. "Roger, ito si Cary." Itinuro niya yung lalaking blonde at kulot. Maliit lang ito. "Ito naman si Fin..." Tinapik niya sa balikat ang isang lalaking malaki ang pangangatawan. Naka-eye glasses ito at may makapal na bigote.

"Hi, Roger... nice to meet you." Bati sa'kin ni Fin.

Kinabig ko si Ka Pineng. "What the hell are they doing here? Don't tell me isasama mo sila?"

"Listen to me Roger. We need them. Kasama ko na sila for more than ten years sa mga ganitong activity." Bulong niya sa akin.

"What do you mean activity?"

"Paranormal activity." Nilingon niya ang dalawa. "Mas matalas ang pakiramdam ng dalawang 'yan kaysa sakin."

Napailing na lang ako. "Okay. Pero kargo mo ang dalawang yan ha..."

"Of course!"

Tapos ay sumakay na nga kami ng sasakyan papunta kina Clarisse. Itong si Fin, kalalaking tao eh madaldal. Samantalang si Cary naman ay tahimik lang. Wala itong ibang ginawa kundi tingnan ako. Naiilang tuloy ako.

Minuto lang at narito na kami sa lumang bahay. Namangha ang lahat sa aming nakita. Yup! Malaki ang bahay na ito at – mukhang haunted house. Matagal na kasing itinirik ito dito. Panahon pa yata ng mga kastila. Malayo ito sa ibang kabahayan at napapalibutan ng kagubatan. Hindi ko na nga lang matandaan kung ilan ang kwarto nito sa loob. Lima yata o apat? Basta ang alam ko lang, mayroon itong dalawang kusina, anim na maliit na at isang malaking banyo at tatlong sala.

Pagkatapos ay pumasok na kami. Pagbukas ko pa lang ng pinto sa maindoor ay sinalubong na kami ng masangsang na amoy. Nakakapagtaka lang na parang ayaw pumasok nina Cary at Fin.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon