✞DISI SAIS✞
Ano yun?
Patak ba 'yun ng tubig?
Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata. Itong ulo ko, masakit. Sinubukan kong tumayo – pero hindi ko kaya. Masakit ang aking mga paa.
Madilim. Wala akong makita. Pero may naririnig akong patak ng tubig. Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito? 'Tapos napaigtad ako sa aking naalala. Shit! Ano kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Si –
Si –
Si Janice! Kumusta kaya siya?
Pinilit kong alalahanin ang lahat. Sa hospital, oo! Ako ang bantay niya pero iniwanan ko siya. Ang sabi ko sa kanya ay bibili lang ako ng pagkain namin pero hindi yun ang totoo.
Hindi yun ang totoo! Napahagulgol ako.
Sa lamay pa lang kasi ni Ara, nakita ko na siya. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang –
Walang PAA!!!
Tapos yung mukha niya blangko – wala akong makita!
Hanggang sa dinala nga namin siya ni Mrs. Ocampo sa hospital. Kaso ganun pa rin. Iyong mukha niya – blangko pa rin.
Sa lamay pa lang ni Ara pinakatitigan ko na siya. Baka kasi namimilik mata lang ako. Pero ganun pa rin, eh. Tulad ni Ara non, ganoon din!
Iyon ang totoo kaya dinahilan kong lalabas ako. 'Di ko na kasi kayang makita siya. Kinikilabutan kasi ako! 'Tapos inalala ko pa. Paano ba ako napunta dito? Ang naaalala ko, dun ako dumeretso sa parking lot kahit walang tao. 'Tapos hayun!
Hayun naalala ko!
May pumalo sa ulo ko!
Pinalo ako ng martilyo!
Nilinga ko ang paligid. Nagsimula na akong kabahan. Naluluha ako pero pilit kong pinipigilan. Alam kong nasa paligid lang siya. Papatayin niya ako! Papatayin niya kami! Lahat kami – papatayin niya!
Maya-maya nga ay bumukas ang pintuan. Naroon ang liwanag na sumalubong sa akin na aking ikinasilaw. Heto siya – tumambad sa aking harapan. May hila-hila siyang –
LALAKI!!!
Hila-hila niya sa isang paa ang isang lalaking tila walang malay-tao. Nakikita ko kahit nasisilaw pa rin ako.
Lumapit siya sa akin nang bahagya. Naka-cowboy hat siya at sa kaliwang kamay niya ay may hawak siyang martilyo. Napatingin ako dun sa taong hinihila niya. Dito na ako napaiyak lalo. Kilala ko ang hinihila niya.
Kusang yumugyog ang aking balikat. May halong takot ang aking pag-iyak.
Ang babaeng ito – pinatay niya ang lalaking ito. Pinatay niya itong si – ISKO!!!
Then sumungaw siya sa akin. "Ikaw na ang sunod..."
Jesus! Dito ko na siya nakilala. Bakit? Bakit siya? Bakit siya pa? Imposible!
"Handa ka na ba?" Bumwelo siya sa kaliwa. Sa hawak niyang martilyo, bumwelo siya.
Gising! Gising! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Kailangan kong umilag o lumaban man lamang. Tapos sinubukan kong gumapang.
Gumapang.
Gumapang.
Ano itong malagkit sa sahig?
Dugo?
Dugo nga!!!
Tatayo ako at tatakbo! Pero hindi ako makatayo. Nilingon ko ang mga binti ko.
Nilingon ko.
Nilingon.
Nili –
Suko na ako.
Putangina!
Wala na pala akong mga –
PAA!!!
P.S.– Madrigal Celeste's POV.
Her body was never found.
Please pray for her.
Oh by the way.
You can call her –
Madge.
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata