BENTE TRES ✞

494K 16.7K 5.3K
                                    

BENTE TRES

ROGER's POV


Dugdug!- Dugdug!- Dugdug!

Iyong dibdib ko, ang lakas ng kabog.

Dugdug!- Dugdug!- Dugdug!


Tapos sa ibaba, may narinig kaming lagabog.


Kahit di ko sila makita dahil sa madilim na paligid, alam kong nakikiramdam lang din sila. Dahil alam kong alam na rin nila kung sino ang killer. Nai-kwento na sa amin ni Inang ang lahat ng tanong ko na hindi ko noon masagot. Sapat na iyon para mapatay ko SIYA nang wala akong takot.

Putangina niya! Minahal niya ba ko talaga? O ginamit niya lang ako para mabuo si Ara? Para sa Ara na 'yon? Kaya pala siya pumuputol ng PAA – ay dahil para sa kapatid NIYA.


Papatayin ko SIYA!



Ako mismo ang papatay sa KANYA! At ito palang nagpapakita sa amin ay si Ara – si Ara na kapatid niya. At hindi ang anak kong si Ara.

Papatayin ko SIYA. Papatayin ko sila ni Roli – papatayin ko sila!

Iyong putok niya sa noo – pagpapanggap lang pala. Ginamit niya pa ang pangalan ni Mrs. Ocampo para ligawin kami at makasama namin SIYA.

'Tapos ginagamit niya pa ang cowboy hat ni Mrs. Ocampo para hindi namin maisip na ang killer ay – SIYA.

Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, gusto ko ako mismo ang papatay sa'yo, NANA.

Ipaghihiganti ko ang anak nating si Ara!

Namalayan ko na lang na napaluhod na pala ako. Napahagulgol. Kinapitan agad ako ni Arthur. "Mr. Santos... tatagan mo ang loob mo..."

"Papatayin ko siya, Arthur... papatayin ko siya..." Mahina lang pero madiin ang pagbigkas ko.

Tahimik lang ang lahat at halatang nakikisimpatya. Hindi ko man sila makita dahil madilim, alam kong natatakot din sila. Kahit nga ako'y nangangatog at nakakaramdam pa rin ng takot – sila pa kaya na hindi pa nakaka-engkwentro si Nana.

Inalalayan ako ni Arthur tumayo. "Roger, nasaan si Clarisse ngayon?"

"Nandun siya sa first floor. Sa emergency room." Si Rico na ang sumagot.

"Okay. Pupunta ako. Dito lang kayo." Utos ni Arthur sa amin.

"Arthur..." Bulong ko. "...meron ka bang ibang sandata dito bukod dyan sa hand gun mo?"

"Meron kaming palakol dito." Mabilis niyang tugon.

"Nasaan?" Tanong ko ulit.

"Nasa – first floor, eh."

"Shit!" Nasapo ko ang aking noo.

"Bakit?" Napalunok muna si Arthur, dinig ko.

"Hawak na ni Nana 'yon ngayon." Tapos hinugot ko ang CP ko sa bulsa. Fvck! Lowbat ako. Bumaling ako may Marvin. "Marvin, peram phone mo." Kaso nung nilabas nito iyon ay halos kumukurap na rin ito. "Arthur, wala ka bang flashlight man lang?"

Kinuha ni Arthur ang cellphone niya at ginamit iyon para magliwanag. Ganun din ang ginawa ni Rico at ng dalawa pang nurses na kasama namin. Bahagyang nagliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na ito.

Maya-maya pa'y nag-dial na si Arthur at tumawag ng back-up.

Bumaling ako sa kanilang lahat. "Uubusin niya tayo. Papatayin niya tayong lahat."

"Attorney, babae lang siya. Puro lalaki tayo dito." Ani Marvin sa gilid ko.

"Pero wala tayong mga mata na kasing talas ng sa kanya sa dilim."

Kumasa ng baril si Arthur. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang killer na ito ang umubos sa mga kasama ko sa dating bahay ng mga Villaverde. Nakita ko kung paano siya kumilos sa dilim."

"Noong bata pa ako..." Biglang sumingit si Inang. "...mas takot ako sa baliw kaysa sa multo. Kasi ang ang baliw, hindi lang nakakatakot. Kaya pang pumatay ng tao."

Nagkatinginan kaming lahat. Kita sa mukha ng mga ito ang takot. "Okay. Ganito ang plano." Si Arthur. "Mr. Santos, samahan mo akong bumaba doon." Inabutan niya ako ng lighter. "Iyong iba, maiwan dito."

"Sasama ako." Ani Marvin sa likuran ko.

Tinanguan lang ito ni Arthur.

"Mag-iingat kayo, mga hijo. Isang hayop ang kalaban nyo at hindi lang basta tao." Pahabol ni Inang. "Ibang-iba na siya... Mas sumahol pa... Akala ko ay tuluyan na siyang nagbago... Nagbago nga siya pero sa mas ikasasama pala."

Hindi ko na ito nilingon. Basta naglakad na lang ako palabas.

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Heto na naman yung kabog ng dibdib ko.

"May tatlong daan pababa rito. Iyong una itong bababaan natin. Pangalawa iyong sa gitna. Pangatlo iyong sa dulo." Paliwanag ni Arthur.

"Anong ibig mong sabihin, maghihiwa-hiwalay tayo?" May takot sa tinig ni Marvin.

Tumingin sa akin si Arthur na para bang humihingi ng suhestyon. "Sa tingin ko, mas malakas tayo kung magkakasama tayong tatlo."

Tumango na lang siya. At heto na nga kami – marahang bumababa ng hagdanan.

Mula sa third floor.

Pababa.

Second floor.

Pababa.

First floor.

Ano yun?

May naririnig ako.

May naririnig akong –



Ungol!!!

Nagkatinginan kaming lahat.

Pagkatapos ay marahan kaming humakbang.

Marahang humakbang patungo sa kwarto ni Nana.

Marahan lang.

Iyong ungol, palakas nang palakas.

Lalo tuloy akong kinakabahan.

Inilawan ni Arthur yung daan.

Habang humahakbang.

Humahakbang nang marahan.

Tapos – hayun yung pinto.

Marahan naming tinungo ito.

Bukas yung pinto.

Sinilip namin ito.

Madilim.

Inilawan ni Arthur ito.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon