BENTE-UNO✞

549K 17.6K 15.9K
                                    


Kwento ni Inang (Si Inang, iyong lola na pinuntahan namin... years ago...)



YEAR 1980

CLARISSE VILLAVERDE a.k.a Nana ni Ara



"Ara, bakit mo ako pinatawag?" Tanong ni Clarisse sa kanyang kakambal na si Ara.

Tumingin ito sa kanya bagama't nanatili sa pagkakaupo. "Umupo ka sa tabi ko at magpakuha tayo ng litrato." Nakangiti ito sa kanya. Napakaamo ng mukha nito at napakaganda.

Napakalayo sa itsura niya. Kahit kambal kasi sila ay ipinanganak silang hindi magkamukha. Sila iyong fraternal twin o yung tinatawag na non-identical twin.

Umupo naman siya sa tabi nito. Sa harapan nila, naroon si Mang Gustin na tagakuha ng litrato. "Oh mga hija, ngiti sa kamera, ah..." Nakatutok ito sa Lustre-Pak, modelo ng Bremson na isang wooden camera noong araw.

Pinilit naman niyang ngumiti habang nakatanaw kay Inang, isa sa mga katulong nila— na itinuturing na rin niyang isang ina. Namatay kasi ang kanilang tunay na Ina noong ipinanganak sila ni Ara. Hindi naman kasi ganoon ka-epetikbo noon ang teknolohiya para magtagumpay na makapagsilang ng kambal na sanggol.

Sa likuran ni Mang Gustin, naroon ang kanilang ama na si Emilio. Masaya nitong pinagmamasdan si Ara.

"Ibang pwesto naman," utos muli ni Mang Gustin. "Tumayo naman kayo."

Natawa siya nang pagak sa sinabi ng matanda. Nakalimutan yata nito na lumpo ang kakambal niyang si Ara. Mayroon itong Metabolic defect na Tay-sachs disease. Birth defect ito ni Ara na hindi na magagamot ayon sa mga doktor. Milagro nga na hindi siya ang tinamaan ng inborn disability na ito sa kabila ng pagigi nilang magkakambal.

Tila naman nasaktan si Ara sa sinabi ni Mang Gustin kaya't sumimangot ang mala-anghel nitong mukha.

Napaangat ng mukha si Mang Gustin. "Ay oo nga pala, hindi ka nga pala nakakalakad ano? Nakalimutan –" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil bigla na lang tumarak sa ulo nito ang isang –


– palakol!


Biak ang bungo nito at wala na itong buhay ng matumba ito sa pagkakatayo.

Hinugot ng kanilang ama ang palakol na nakabaon sa ulo ni Mang Gustin na parang wala lang. Ito pala ang sumibak sa ulo ng kawawang matanda. Para lang itong namalakol ng kahoy na panggatong.

Parang normal na lang na gawain nito ang pumatay ng tao. "Ayoko sa lahat, nilalait ang anak kong si Ara..."

Nagbago ang mukha ni Ara na kanina lang ay nakasimangot. Sumungaw ang nakakatakot nitong ngiti sa mga labi. "Salamat, Papa..." Bigla itong bumaling sa kanya. Tiningnan siya nito nang masama. Pagkatapos non ay bumaling uli ito sa ama nilang si Emilio. "Papa, pinagtawanan ako kanina ni Clarisse. Ayaw ko siyang makita! Ipatapon mo uli siya sa kagubatan!"


Namutla siya. Sa tuwi kasing galit sa kanya ang kakambal na si Ara ay ipinapatapon siya ng kanyang ama sa madilim na kagubatan. Minsan nga ay naranasan na niyang tumira ron ng anim na buwan. Wala siyang ibang pagkain dun kundi ang mga hayop na maaaring kainin. Wala siyang ibang sinisilungan doon kundi ang madilim na kweba. Wala siyang ibang kayakap kapag malamig kundi ang mga ugat ng puno.


Sa ganitong pagkakataon, malamang ay isang buwan siya iiwanan doon. Depende sa galit ng kanyang kakambal na si Ara. Kapag kasi namimi-miss siya nito, ipinapakuha rin siya nito doon para may makalaro ito.

Dahil sanay na siyang manirahan sa malawak nilang kagubatan, naging matalas ang kanyang paningin lalo na sa dilim. Lumakas ang kanyang pakiramdam at nasanay na siyang pumatay – ng mga hayop.

Sila ang pinakamayamang angkan ng mga Villaverde noon sa kanilang lugar. Hindi lang sila mayaman, makapangyarihan din ang kanyang ama dahil sa mga ilegal na transaksyon. Kaya kahit ilang tao pa ang patayin nito ay magagawa nito. Walang batas na sinusunod si Emilio. Naging libangan na nga nito ang pagpatay ng tao. Sa liblib nilang probinsiya ay hindi masyadong uso ang batas —lalo na noong panahon nila.

Bumaling ang ama nilang si Emilio kay Inang. "Yaya, pakilinis ang nagkalat na dugo sa sahig."

Si Inang naman ay tumawag pa ng ilang mga katulong para makatulong sa paglilinis ng bangkay ni Mang Gustin. Para kay Inang, normal na lang nitong gawain ang ganun. Alam naman nitong mga baliw ang pamilyang pinagsisilbihan nito. Lalo na si Ara. Lahat kasi ng hilingin nito sa ama, ibinibigay naman ng ama. Kahit pa humiling ito ng buhay ng iba.



Napaigtad si Clarisse nang hilahin siya ng kanyang ama para ipatapon na naman sa madilim na kagubatan. Kahit pumalag siya, wala siyang magagawa. Malaking tao si Emilio at ang pangangatawan nito na kaya siyang ihambalos kung gugustuhin nito. Napaluha na lang siya habang nakatanaw kay Inang. Wala naman magawa ang ginang kundi ang pabaunan siya ng malungkot na tingin.

Samantalang lumawak naman ang ngiti ni Ara habang pinagmamasdan ang pagluha niya. Habang kinakaladkad siya ng kanyang ama palabas ng malaking bahay nila. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit hindi niya magawang magalit sa kakambal. Mahal niya kasi ito at para sa kanya, normal lang na magkaganito si Ara dahil sa kapansanan nito.


I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon