BENTE-DOS✞

462K 16.3K 2.7K
                                    

CONTINUATION



Inilayo ni Inang si Clarisse at Roli patungong Manila. Doon nito sila pinag-aral. Pinilit sila nitong limutin ang mga nangyari sa kanilang probinsiya. Hanggang sa limang taon nga ang lumipas at nasa kolehiyo na si Clarisse. Bigla na lang ding naglaho si Inang ng mga panahong iyon kaya sila na lang ni Roli ang namuhay sa iisang bubong. Mabuti na lang at may pera sila na iniwan sa kanila ni Inang.


-UNIVERSITY-


"NANA!" Napasimangot si Clarisse nang bumungad sa harapan niya si Roger. Ka-schoolmate niya ang binata sa pinapasukan niyang paaralan at kasalukuyan itong nag-aaral ng Law.

Nasa ilalim siya ng isang puno at nagpapahinga matapos ang pangalawang klase niya. "Bakit mo ba ako tinatawag sa pangalang iyan?" Inirapan niya ang lalaki.

"Wala lang. Para kasing ang ganda mo sa pangalang iyon." Simaptiko ang ngiti nito. "Di ba Clarisse ang tawag sa'yo ng ibang kaibigan mo?"

"Kapag narinig iyan ni Maria, magseselos yun." Si Maria ang best friend niya. Ang Maria ring ito ay si Mrs. Ocampo na tinutukoy niya.

Lumukot ang mukha ni Roger. "Wala na kami."

Namilog ang mga mata niya.

"Meron na siyang bagong boyfriend," tumingin ito sa kanya. "Ang kapatid mo." Ang tinutukoy nito ay si Roli.

Parang kinurot ang puso niya sa narinig. Napahalukipkip siya at humarap sa binata. "Akala ko ba gusto ng best friend mong si Eric Ocampo si Maria?" Ang Eric na tinutukoy niya ay ang mapapangasawa ni Mrs. Ocampo.

"Malay mo, sila pa rin sa huli. Hindi naman susukuan ni Eric si Maria, eh."

Naroon pa rin ang sakit sa puso niya sa isiping best friend niya ang napupusuan ni Roli. Isinumpa niya kasi na walang ibang mamahalin si Roli kundi siya. Nanumpa rin naman ito sa kanya. Dahil sa namumuong galit, lumapit siya kay Roger at walang pasubaling siniil niya ito ng halik. Hindi naman nakapalag ang binata sa ginawa niya.

"Oooow!" Nakangisi ito at nabigla sa ginawa niya.

"Liligawan mo ba ako?" Tanong niya rito habang nakayapos pa rin sa mga leeg nito.

"Oo sana."

"Meron lang akong hiling, Roger. Sana tuparin mo."

[ A novel by Jamille Fumah ]

"Kahit ano pa 'yan, tutuparin ko." Yumakap na rin ito sa kanya.

"Gusto ko, kapag nagkaanak tayo ng babae, Ara ang ipangalan natin."

Napabitiw si Roger sa kanya. "Hindi pa nga 'tayo', anak agad!"

"O sige 'tayo' na. Pero tuparin mo ang hiling ko."

Sunud-sunod naman ang tango ni Roger. Yumakap ulit ito sa kanya. "Meron din akong hiling. At gusto ko, tuparin mo rin..."

Tumango lang siya.

"Simula ngayon, ang gusto kong pangalan mo –



NANA..."




END of flash back


JAMILLEFUMAH

@JFstories

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon