DISI-NUEVE✞
[ START ]
ROGER's POV
Pakiramdam ko, ang oras ay huminto. Ito na siguro ang pinakamatagal na segundo ng buhay ko. Kasabay ng pagpatak ng pawis ko ang pagtulo ng luha ko. Napahagulgol ako.
Putangina! Mamamatay na ako! Ito kasing killer – nasa likod ko.
Nablangko ang isip ko, nanginginig ang aking katawan.
Papatayin niya ako ng walang kalaban-laban.
Pero hindi! Lalaban ako! Babae lang siya at lalaki ako. Buong lakas akong pumihit. Iyong garapong hawak ko, pinaghahampas ko.
Ngunit wala akong tinatamaan. May napupukol ako pero hangin lang.
Madilim – wala naman yung killer sa aking likuran.
Napakalalim ng aking paghinga.
Tangina! Akala ko mamamatay na ako!
"Roger!" Sigaw ni Ka Pineng mula sa sasakyan. Pero hindi naman yun umaandar.Nakakapagtaka. Tapos napalingon pa rin ako sa paligid. Madilim. Nasaan yung killer? Awtomatikong gumalaw ang aking paa paatras. Natalisod pa ako at napaupo pero pinilit kong tumayo. Nangangatog pa rin ako.
Halos pagapang kong tinakbo ang sasakyan na tinulak ko. Nasa loob non si Ka Pineng. Nasa passenger's seat siya.
"Ikaw na ang magmaneho!" Sigaw niya.
Wala ako sa sarili. Pilit ko pa ngang kinakapa ang mukha ko kung buhay pa ba ako. Pagkatapos ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar yun. Umaandar naman ah. Bakit kanina ayaw? Napaharap na naman ako sa rearview mirror.
Napalunok ako.
Sa likod na sasakyan!
Iyong killer – nasa likod at nakatanaw samin at may hawak na martilyo.
Hindi na ako nag-isip pa. Pinaharurot ko ang sasakyan papalayo. Ni hindi ko nga alam kung saan na kami nakarating. Basta nagmaneho lang ako hanggang sa makalayo.
Samantalang si Ka Pineng ay walang kaimik-imik sa tabi ko. Pero panay ang tingin niya sa akin. Iyong pag-iyak ko kasi, naroon pa rin. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na buhay ako. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng muntik ng mamatay.
Pagkatapos nga non ay dumeretso na kami sa pinakamalapit na police station dun. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ko pa yung mga tanong ng mga pulis sa akin eh. Lutang kasi ang isip ko at tulala parin ako. Wala pa rin ako sa sarili pero nakapagbigay ako ng salaysay.
Ang dami kasing tanong sa isip ko. Bakit hindi niya ako pinatay? Bakit hinayaan niya akong mabuhay?
Maya-maya ay rumesponde na ang mga kapulisan patungo sa lugar na iyon. Gusto ko sanang sumama pa pero parang hindi ko na kayang bumalik sa bahay na yun. Pakiramdam ko tuloy, mababaliw ako. Dalawang tao ang namatay sa harapan ko. Ilang multo ba ang nakita ko?
Nakatulog pala ako sa sasakyan. Narito pa rin kami sa estasyon ng pulis. Bumungad sa akin si Ka Pineng. "Roger, okay ka na ba?"
Tumango lang ako. Maliwanag na pala. Kinuha ko ang CP ko. Finally! May signal na ako. Kinontak ko agad si Isko ngunit hindi pa rin ito sumasagot.
"Shit!" Naibato ko yung cellphone ko. Bakit ba kasi hindi na nagparamdam itong si Isko? Isang gabi rin namin siyang hinintay sa hotel na pinag-usapan namin bago kami lumarga sa dating bahay ni Clarisse na asawa ko. Pero hindi ito dumating at nagpakita. Siguro kung kasama lang namin siya, baka napatay namin yung killer. Kahit papaano kasi ay marunong sa hand combat si Isko at alam nito mamaril.
Napabaling ako sa backseat ng sasakyan. Nakakita ako ron ang isang redwine. Katabi non ay naroon ang coat ni Ka Pineng. "Saan galing 'yan?"
Tiningnan din yun ni Ka Pineng. "Nakita ko yan sa bodega kanina nung nandun pa tayo kaya kinuha ko."
Kinuha ko iyon. "Fonseca 1983. Rare ang wine na ito, ah..."
"Vintage Port sa Portugal. Marami nyan dun sa bahay na iyon. Pero karamihan ay basyo na lang." Nakangiti sa akin si Ka Pineng.
Nangunot ang noo ko. "Bakit mo kinuha ito?"
Inginuso niya yung coat niya sa backseat. "Kunin mo yun."
Kinuha ko naman.
"Kapain mo 'yung bulsa."
Kinapa ko ang pocket nito sa loob. May nakuha ako dung botilya. "Ano ito?"
"Cyanide. One of the fast killing and lethal poison."
Napatapik ako sa noo ko. "What do you mean? Magpapakamatay tayo?"
Humugot muna nang malalim na paghinga si Ka Pineng. "Sa tingin ko Roger, ginawang base ng killer ang dating bahay nila Clarisse," tumingin ito sa akin. "Meron akong nabubuong plano kung paano natin siya matatalo." Pagkatapos ay ipinaliwanag niya sa akin ang plano.
Bigla akong napipilan nang matapos niyang ipaliwanag sa akin ang plano niya. Natutop ko ang aking sariling bibig. "Jesus! Seryoso ka ba diyan?"
Tumango siya. Kita ko sa kanyang mga mata na desidido siya.
Napayuko ako. Totoo kaya ang lahat ng sinabi niya? Hindi pa rin ako makapagsalita. Sana nga magtagumpay ang plano naming ito. Ayokong tutulan iyon pero ayaw ko ring sang-ayunan. Buhay kasi ang nakataya doon. Bumaling na lang ako sa ibang bagay. Kinapa ko ulit itong coat niya. May nakapa ako rong garapon.
BINABASA MO ANG
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata