528K 16.2K 14.1K
                                    

WHEN I was in high school, I had this friend of mine whom I always called 'Kenny'. Hanggang kolehiyo ay naging kaklase ko siya. Naging mag-best friend pa nga yata kami... mabait si Kenny, iyon nga lang ay di ito masyadong palakibo.


I'm a Christian, and I believe in God.


Ewan ko bakit naging magkaibigan kami... gayong hindi siya naniniwala na may Diyos. Kahit anong relihiyon, wala siya. Ayaw niya.


Mula nang mabasa ko ang diary na iniwan sa'kin ng tatay ko ay mas tumindi na ang paniniwala ko sa Diyos. Alam kong hindi ako masasaktan ni Ara... hangga't matatag ang pananalig ko.


Back to Kenny...


Isang araw ay nakita ko siyang nagdarasal na labis kong ipinagtaka...


Tinanong ko siya at pinilit na magkwento sa akin...


at nang magkwento na siya...


daig ko pa ang binagsakan ng bomba!


SI ARA...


Paanong— paanong nakilala niya si Ara?!


Posible bang dahil sa akin kaya...


kaya niya nakilala si Ara?!


O posible ba'ng...


dahil sa mahina ang paniniwala niya sa Diyos ay...


siya ang napagbalingan ni...


ARA?!


Nagpaparamdam daw ito sa kanya... Hindi ko alam kong si Ara nga 'yon!


Takot na takot si Kenny nang ikwento niya sa'kin ang tungkol sa babaeng nakikita niya tuwing gabi na nasa paanan ng kanyang kama.


May sinasabi raw ang babaeng iyon...


Ang sabi raw ay may bangkay sa Morong. At mas marami pang bangkay kung saan-saan...


Takot na takot si Kenny lalo pa ng sabihin sa kanya no'ng babaeng iyon na kailangan daw nito ng isang paa... kahit kaninong paa. Tila nagpapatulong sa kanya ang babaeng iyon. May binanggit daw itong mga pangalan... Janice at Ara... pero mas tumimo sa isip niya ang pangalang 'Ara'.


Ara raw ang pangalan ng babaeng nagpapakita sa kanya... pero hindi ito ang Ara na gusto nitong ipahanap sa kanya. May Ara raw na gusto nitong makita...


Magulo ang kwento ni Kenny... hindi ko masyadong maintindihan.


Pero isa lang ang nasigurado ko... iyong Ara na nakausap niya ay isang baliw na nilalang. Wala itong alam sa sinasabi nito... sa halip ay gusto lamang nitong makuha ang ninanais nito.


1980 – 1997


cardiac arrest syndrome according to the doctors –


—bangungot, pero hindi ako naniniwala.


Before he died, he told me about HER.


About Ara...


Nakakainis at nakakalungkot...


Siya na nga lang ang natitira sa akin... pero iniwan niya rin ako.


In Memory of Kenneth L. Sanchez


Hinding-hindi kita makakalimutan...


Sana kung nasaan ka man ay tahimik ka na, Kenny...


You will always be my best friend, Pare.


-JUSTINE PINEDA.


...


Iyong huli naming pinag-usapan... tungkol kay Ara.


It was September 28th that day, year of 1997. In Maybancal Morong Rizal found a body of a college student. Based on the investigation, the body was buried beneath the ground farm for almost a month. They found it was –


Janice.


Janice Ocampo.


Pero sa huli, hindi pala...


Napapagod na akong maguluhan.


Kaya nga hindi ko na rin hinanap si Attorney Roger Santos... kahit iyon ang huling habilin ng tatay ko.


Sa ngayon... paalis na ako papuntang Amerika. Kinukuha na kasi ako ng tiyahin ko para doon na mag-aral.


Kung babalik ako... depende na iyon.


At si Ara? Kung sino mang Ara iyon... kung gusto niya akong sundan hanggang Amerika, eh di sige! Sumunod siya. Hindi na ako natatakot sa kanya...


Hindi niya kayang takutin ang mga taong malakas at matatag ang paniniwala sa Diyos.


JAMILLEFUMAH

@JFstories



I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon