BENTE-SEIS ✞

565K 18.6K 28.7K
                                    


BENTE-SEIS

[ START ]

ROGER's POV


Janice...


Janice...


Janice...


Anak ko si Janice? Paano nangyari iyon?


Nag-isip ako.


Inalala ko.


Noong mga panahong kakakasal pa lang namin ni Nana – hindi nawala ang relasyon namin ni Maria kahit na isang taon na siyang kasal kay Eric.


Hanggang sa nalaman ko mismo kay Eric na baog siya kaya pala hindi pa rin sila nagkaka-anak.


Ngunit isang araw, nagdalang-tao si Maria. Halos kasabayan ni Nana. Ako lang ang nagulat dahil ako lang naman ang nakakaalam, bukod sa kanilang dalawa ng asawa niya, nang tungkol sa disability nito. I thought it was a miracle. Ni hindi sumagi sa isip ko na sa akin pala ang batang iyon.


Ako pa kasi ang walang sawang nagpapayo kay Eric na wag sumuko – na sumubok pa ulit.


Tapos napaisip ulit ako. Oo nga pala – may nangyayari sa amin ni Maria. Oh, God! Ano ba itong nagawa ko?!


Pagkapanganak ni Maria kay Janice, namatay si Eric sa isang aksidente.


Teka – aksidente nga ba? Posible nga kayang si Nana rin ang pumatay sa kanya? Naalala ko rin kasi noong gabing namatay si Eric, hindi ko mahagilap si Nana.


Napatingin ako kay Maria sa tabi ko – wala na siyang buhay. Narito pa rin ako at nagmamaneho ng sasakyan ko pauwi. Pagkatapos noon ay hinagkan ko ang muka niya. Naroon pa rin ang pouted lips niya – napakaganda niya talaga.


Itinuon ko ang sarili ko sa pagmamaneho. Sa wakas, nasilayan ko rin ang araw. Nagpasya ako. Ipaghihiganti ko ang mga taong nawala sa buhay ko. Kahit kapalit pa non ang sarili ko – papatay ako.


Habang nasa biyahe ako, saktong umulan nang malakas. Humito ako sa isang liblib na lugar. Hinubad ko ang suot kong damit at ganoon din ang damit ni Maria. Lumabas ako ng kotse at naligo ako sa ulan nang sa ganun ay mawala ang malansang dugo sa aking katawan.


Nang malinis ko na ang sarili ko, bumalik ako sa kotse at muling nagbihis ng hinubad kong damit. Samantalang inilagay ko naman ang katawan ni Maria sa backseat sa ilalim nito. Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang damit na hinubad ko kay Maria at saka ibinalot iyon sa bangkay niya. Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.


Huminto ako sa isang gasoline station at nagpagasolina gamit ang credit card ko. Bumaba ako at nagtungo sa convenience store nito. Bumili ako ng maraming kandila at posporo. Bumili rin ako ng maraming energy drink at kalamansi. Pagbalik ko sa kotse, ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho ko. Mahaba-haba rin kasi ang biyahe ko.

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon