5: Left Behind

7.4K 148 0
                                        

After taking a long shower, Elizabeth changed into plain black shirt and brand new jeans, she uses flat shoe for her footwear. She blow dry her hair and then brushes it into submission. It's been one hour or two since Alexander left the mansion. Ellie checked the time, her wall clock says it's already 12 noon. Then her stomach growled.

Lumabas siya ng kanyang kwarto kuno. Bumaba siya mula sa ikatlong palapag tapos ay hinanap magisa ang kusina. Nang mahanap nya ang lugar ay binuksan nya ang refrigerator. The ref is full of green leaves, frozen meats, fruits, some desserts and cakes. On the upper part is bottles of wines and beers. Muntik nang mapatalon si Elizabeth ng may boses na biglang lumitaw mula sa pinto. Ani ng boses, "Do you need help, Ms. Jewels?"

Hinagap ni Ellie ang kanyang dibdib, talagang nagulat sya sa biglang pagdating ni Mr. Juaqin. Ngumiti si Ellie sa matanda sabay sabing, "I can handle, sir"

"No sir, Ms. Jewels. Call me Arnold or Mr. Juaqin,"

"Y-yeah, thanks Arnold."

"Anytime, Ms. Jewels," he smiles and then excused himself.

Ibang iba ang lugar na ito kumpara sa nauna na nyang pinanggalingan. Nakakagalaw sya ng maluwag kahit papaano, pero may iba padin syang pakiramdam. Nagluto si Ellie ng piniritong manok at kanin, kumain syang magisa, tapos non ay nilinis nya ang lahat ng ginamit nya sa kusina. Bumalik sya muli ng kanyang kwarto, nagmuni-muni, tumingin sa kawalan, naglakad-lakad tapos ay naglibot-libot. Gusto nyang manuod ng t.v, pero wala syang ideya kung papaano ito buhayin, wala itong wire na pagsasaksakan sa outlet, mukang high-tech.

Lumabas si Ellie mula sa kwartong kanyang inookupa, nilibot nya ang buong ikatlong palapag habang tinatawag ang ngalan ni Mr. Juaqin, pero matapos libutin ang buong ikalawa't ikatlong palapag ay parang walang ibang tao sa buong bahay. Nakakatakot ang tahimik na namamayani sa buong lugar. Hanggang sa madating nya ang unang palapag. Tiatawag nya ang ngalan ni Arnold ngunit ultimo'y nagiisa sya sa bahay.

Habang naghahanap ay sumagi sa isip nya ang kanyang ina... gustong gusto nang makita ni Ellie ang kanyang ina. Ilang araw na simula nang huli silang nagkita. Tatlong gabi't dalawang araw na ang lumipas nang huli nyang marinig ang malambing na tinig ng ina. Nilingon lingon ni Ellie ang buong kabahayan, sa mabilis nyang pagsisiyasat ay nasisigurado nyang walang ibang tao doon!

'Don't be afraid, Ellie! Just go and escape!' she thought to herself. Pinapaniwala ang sarili na 'di sya natatakot sa banta ng binata na mahahanap at mahahanap sya nito kahit san man sya magpunta. Lumingalinga ulit si Elizabeth, sa pagkakataong yon ay mabilis nyang tinahak ang labasan ng bahay. Hindi na sya nahirapan sa pagtakas dahil wala namang nagbabantay sa mansyon, wala ding katulong na maaaring pumigil sa kanya.

Nang madating ni Ellie ang gate ay nanlumo sya ng makitang nakasarado ang dambuhalang gate. Hindi ito naka padlock, mabubuksan lang ito sa pamamagitan ng accessible card. Card?

Bumalik sa isip ni Ellie ang imahe ng isang maliit na card na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Baka iyon ang makapagbubukas sa gate! Aniya. Mabilis na tinakbo ni Elizabeth ang loob ng bahay, sumakay sya sa lift para mabilis nyang madating ang kwarto. Nang makuha nya ito kasama ang natitirang tatlong daang piso na tira nya pa mula nung isang araw ay muli syang bumalik sa gate. Itinapat nya ang maliit na card sa high-tech nitong screen at halos tumalon sa galak ang kanyang puso ng mabuksan nya ito! Tumakbo papalayo si Ellie. Walang lingon lingon, kailangan nyang makalayo! Kahit walang patutunguhan ang kanyang mga paa ay pinilit padin nyang huwag huminto. Hanggang sa may dumaang taxi sa subdibisyon, pinara nya iyon at saka sumakay. Humahangos man ay nagawa nya pading sabihin ang kanyang destinasyon, "Quezon City po manong!"

"Sige po, ma'am" sagot ng driver na bagaman ay naguguluhan ay di na tinanggihan ang dalaga. Malayo-layo din ang Makati sa Quezon City, sana lamang ay umabot pa ang tatlong daang piso nya hanggang sa kanilang bahay.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now