35: Life Without Him

5K 122 4
                                    

Ang mga sumunod na bwan ay naging maganda para kay Ellie. Nagiba ang tingin sa kaniya ng mga kapwa nya estudyante. Madami ang humanga sa tapang na pinakita nya but she couldn't enjoy all the praises and compliment because she didn't fight herself. Si Alexander ang nagumpisa ng laban na iyon. Laban na akala ni Ellie sisira sa buhay nya. Yun pala, isa itong laban na magpapabago ng buhay ng napakaraming katulad nya na naabuso.

Walang gabi na hindi nagsisisi si Elizaa. Inuna nya kasi ang takot noong sariwa pa ang issue. Inuna nya ang maliin ang ginawa ni Alex para sa kanya. Siya ang may kasalanan kung bakit mas lalong nawalan ng pagasa ang magulo nilang relasyon.

If I only trust him... Iyan ang laging sinusumbat ni Ellie sa kaniyang sarili.

Ang huli na nilang pagkikita ni Alex ay nang tumistigo ito sa korte. Nang mas pinagtibay nila ang kanilang mga atake. Elizabeth tried to chase him that day. Mabilis syang tumakbo papalabas ng korte para sana habulin si Alex. Magpapasalamat sya dito at yayayain sana na magusap sila privately but hindi na naabutan bi Ellie ang binata.

Sumakay na ito sa kaniyang sasakyan at umalis sa ground ng Supreme Court. Hinabol pa nya ang sasakyan habang isinisigaw ang pangalan ng binata ngunit hindi iyon napansin ni Alex o ni Arnold.

Ilang linggo din na headline ang kanilang kaso. Papaanong hindi ito magiging nationwide issue gayong involve ang CHEd at ang isa sa pinaka dekalibreng unibersidad sa Pilipinas?

Elizabeth becomes an inspiration. She, herself knew that she doesn't deserve it. Kagaya lang din sya ng ibang babae. Takot magsalita at takot sa sasabihin ng lipunan. Kaya ngayon ay lubha syang nagpapasalamat sa binata na ang tanging gusto lang ay ang maprotektahan sya. Ang lalaki na sinabihan nya ng kung anu-anong pangbibintang.

Sa wakas ay nagmartsa na si Elizabeth kasama si Mia at ang iba pa nyang kabatch. Suot nila ang itim na cup and gown habang hinihintay ang kanilang pangalan na mabanggit.

Alex is in the second floor of the auditorium kung saan naroroon ang lahat ng magulang o kasama ng mga graduates. His spot give him the view of the stage and the massive amount of student body.

Hanggang sa narinig nyang tawagin ang ngalang, “Elizabeth Jewels,”

Masigabong palakpakan ang natanggap ni Ellie. Nagsitayuan din ang lahat ng estudyante habang pinapalakpakan siya. Gaya nga ng una nang nasabi, she became an inspiration to all women and students — ganon din sa ibang kasarian.

Isa si Alex na pumalakpak para kay Ellie.

"Congratulations," bulong ni Alex. Pinapanood nya ang pagpanhik ni Ellie sa stage, ang pagkuha nya sa degree nya, ang pakikipag shake hands nya sa mga bisita at pioneer ng university. At ang huli, ang pagsalubong ni Luigi kay Ellie sa baba ng stage. Ellie invited him as a mere friend but Alex think differently. Sobrang laki ng ngiti ni Elizabeth nang tumalon sya para yakapin ang binata.

Tumalikod na si Alexander.

"Are we leaving, sir?" Tanong ni Arnold.

"Yes. Let's go back to the company." And so, the two men left the auditorium.

*          *           *

Kinagabihan, nagkaroon ng after party and buong section nina Ellie at Mia. Magdi-dinner sila sa four-star restaurant at nagambagan silang lahat para ma-afford ang mga mamahaling pagkain doon.

Dahil nagrent sila ng sariling booth, okay lang kahit mag-ingay sila ng walang humpay.

"Congratulations newly grad teachers!" Sigaw ng pinakamaingay na kaklase nila habang nakataas ang wine glass.

"Congratulations!!" Segunda ng lahat ng kaklase nila including Ellie and Mia.

Napakaingay ng booth nila. Buhay na buhay ang ambiance. Habang kumakain sila ay tuloy din ang kwentuhan nila. All of them go back to the past, yung ilang taon nilang pagsasama-sama. They reminisce the saddest  to the happiest moment of them together.

"Guys! Excuse me, ha? Saglit lang ako. Cr lang ako!" Paalam ni Ellie. Kailangan pa nyang sumigaw para marinig sya ng mga ito.

"Sige, sige! Balik ka agad!" Sigaw pabalik sa kanya.

Nang may makasalubong syang staff ay nagtanong sya kung saan ang daan papuntang cr. Tinuro naman ito sa kanya ng klaro.

Mabilis na nagkulong si Elizabeth sa kubeta at umihi. Sa dami ng ihi nya ay natagalan sya sa cubicle.

Hanggang sa may narinig syang pamilyar na boses.

"Yeah, yeah... Everything is settled, Rylee. Oo nga eh. Kinakabahan na nga ako sa wedding day. Basta wag kang mawawala sa wedding ko, bitch. Good. Okay, sige na. He's waiting for me. Bye!"

Pinakinggan ni Ellie ang boses at iisang babae lang ang kilala nyang may ganoong boses. Its Gianna!

Ikinawang nya ng maliit ang pinto at sumilip. She was right! Si Gianna nga ito! She's remaking her lipstick. Nakatingin sya sa sarili sa kaniyang replekayon sa salamin. After putting great amount of lipstick in her lips, she pumped it. Saka sya lumabas ng cr.

Palihim na sinundan ni Ellie ang babae. Hindi nya alam... gusto nya lang malaman kung kanino sya ikakasal. Hindi kasi ine-expect ni Elizabeth na magpapakasal ang isang tulad ni Gianna. She's a play girl. Isang babae na hindi matahan sa isa. Papalit palit din sya ng kalantaray kaya it's like miracle kung may katotohanang papakasal na ito soon.

Nasundan nya ito ng matagumpay. Alam nya kung saan pumasok na open booth si Anna. Parang metallic foil lang ang kurtina na nagse-set ng boundaries sa bawat booth. Mayroon ding orchestra na tumutugtog. Napaka romantic kung titignan.

Lumapit pa ng kaunti si Ellie. Koting konto na lang at maaaninag na nya ang mukha ni Anna at ang lalaki na kadate nito.

Dahil may pillar sa ground, nagtago siya sa likod non. Saka nya ipinokus ang kaniyang paningin.

And her world turn upside down nang makita nyang si Alexander ang lalaking kasama ni Gianna.

She watch how they talk comfortably with each other, chuckle and smile to each other's words.

Ikakasal na sila? So si Anna din pala talaga ang makakatuluyan niya? I'm so stupid! Napakatanga ko para isiping may pag-asa pa kami. Ano ba naman ang ko sa isang katulad ni Gianna na mayaman? Maganda manamit, at sosyalesa?

Celebration ng graduation nya ngayon pero para naman syang pinagsakluban ng langit at lupa.

With a broken heart and tears pouring down, tumakbo si Ellie pabalik sa booth nila. Kinuha nya ang kaniyang bag at nagtatakbo paalis saying na may emergency kuno sa kanilang bahay.

Nagtatakbo si Ellie. Umiiyak sya. Walang humpay ang luha nya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya.

Alexander is getting married, and she isn't his bride. Siguro wala talaga kay Alex ang lahat ng pinagsamahan nila, but for Ellie... It meant the whole world for her. Isa ito sa mga alaala na babaunin nya habang buhay.

Parang nakisama ang panahon kay Ellie, dahil habang naglalakad sya sa parke at umiiyak ay bumuhos din ang ulan mula sa maitim na kalangitan. Wala ni isang bituwin. Pakiramdam nya tuloy iniwan sya ng lahat ng bagay na nagpapasaya sa kanya.

Elizabeth cried. Basang basa sya sa ulan at nangalat na ang makeup nya. This day is her happiest and saddest day na maitatala nya sa kaniyang diary.

This is the day that will bring a bittersweet memories. That'll remind her how much she love Alexander and the sad reality that they cannot be together.

At sa oras na iyon, binitawan at sinukuan na nya ang pinanghahawakang pagmamahal sa binata. She will face tomorrow with out him. Without the only man she loved.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now