23: A Night At Home

5.2K 129 0
                                    

Kagaya nga ng sinabi ni Alexander, pinapunta niya si Manang Lolita sa hospital. Nagdala ang matanda ng mga damit ni Ellie. Ilang mga sabon, shampoo, may kumot din dahil ilang gabi nga silang doon mananatili dahil magbabantay sila ng mga magulang ni Elizabeth.

Pinakabilin bilinan pa ni Alexander na babantayan at aalagaan si Elizabeth. Na huwag silang pagpapalipas ng gutom at wag masyadong magpakapuyat at magalala. Kung wala lang trabaho si Alex at kumpanya na inaasikaso ay sasamahan niya ang babae sa hospital. Pero kagaya nga ng nauna nang sinabi, Alexander's top priority is the company before anything else in this world. Who knows? Malay mo ay mabago ito sa paglipas ng panahon.

Sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi ay dumadalaw dalaw din naman si Alex, which he didn't expect to do as a dominant himself. Palagi syang may dalang pagkain, minsan ay may dalang bulaklak at inilalagay ni manang sa flower vase na nakakaaliwalas tignan sa loob ng kwarto.

Nagising din naman si Marcel kinagabihan ng araw nang mawalan siya ng malay. Sinabi nya kay Elizabeth kung gaano sya natutuwa sa karelasyon ng anak na si Alexander. Magalang raw ito, may kabaitan at mukhang mapagkakatiwalaan sa maraming aspeto.

Ngayon ang ikatlong araw ni Ellie sa hospital. She haven't go back to Alex's house since they left. She will always be grateful to Alexander for all he did para lang mareunite siya sa mga magulang.

Elizabeth glance at the huge wall clock in the ground floor of the hospital, it tells her that it's just 10:56 A.M. Ipapacheck nya kasi ang bill nila sa hospital na sigurado syang ikakahimatay nya sa laki. It is a private hospital at himala na lang kung mababa sa isang milyon ang kanilang bill. Lalo pa't ganoon ka equipt at kalinis ang naturang hospital.

"Good morning, ma'am. What can I do for you?" Anang clerk na nasa information desk.

"Magpapacheck sana ako ng bill, ma'am." Sagot ni Ellie na kinukutingting na naman ang kuko't daliri.

"Surname of the patient ma'am? And the hospital room."

"Jewels po, room 106B."

"Jewels Lenard po ba ma'am?" Tanong ng clerk na nakaharap sa computer screen.

"Opo," Ellie take a sharp breath. Inihahanda na nya ang pandinig sa laki ng kanilang bill.

"You are fully paid ma'am. Advance din po ang bayad nyo ng isang bwan." The clerk smiled at Ellie.

Sya naman itong nagulantang. Bayad na? Fully paid?

"Talaga po? Sino po ang nagbayad? Hindi ko po alam na bayad na," hindi nya maitago ang pagkalito at pagkawindang sa kanyang boses.

"Ang pumirma po sa transaction ay si Mr. Alexander Thansley? Yan po ang nakalagay sa record." The clerk's eyes diverted from the screen to Ellie.

Alexander? Binarayan na nya ang bill?

"Ma'am magkano po ang binayad nya?" She asked.

"2.5 Million pesos, ma'am. Full service po yon."

Halos malaglag ang panga ni Ellie sa laki ng binayad ni Alexander. Ang pagkakaalala nya ay never syang humingi ng tulong kay Alexander about the bill pero heto't nalaman na lang nya na bayad na pala sila. At advance pa!

Hindi na talaga nya alam kung papaano pasasalamatan ang binata. Should she started using her body? No. Hihintayin ko na lang ang gusto nyang kapalit sa kabila ng lahat ng ginawa nya. Her sane mind barked back about her first suggestion regarding her body as a payment.

"S-salamat po, ma'am." Ellie said. The woman smiled and thank her back saka na lumayo si Ellie.

Pagkabalik nya sa kwarto ay lutang padin ang kanyang isipan. Kagabi ay pinuyat sya ng utak kakaisip kung saan kukuha ng pera pangbayad. Ngayon ay ang iniisip naman nya ay kung papaano makabawe. Pagkapasok nya sa kwarto ay bumungad ang ina na ngayon ay hindi na nakalupaypay pa sa hospital bed. Katunayan ay uuwi na sila ngayong gabi sa kanilang bahay habang si Manang Lolita naman ay pwede nang bumalik sa bahay ni Alexander. Hindi pa nga nakapagsasabi si Ellie na sasamahan nya muna ang ina sa kanilang bahay. Baka ipaabot na lang nya ang impormasyon kay manang.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now