38: Courting The Ex-Sub

5.6K 133 6
                                    

Isang mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Hindi makahagilap ng tamang salita si Ellie. Parang pinutulan sya ng dila.

"Elizabeth?" He called out.

Oh my god... He speak my name like its the most precious treasure in the whole world!

Natutunaw ang puso ni Ellie sa malumanay na boses ng lalaki. Palihim syang kinikilig.

And for the third time, Alex called her not by her name. This time, he addresses her as, "Ellie?"

Elizabeth is a teacher now. Syempre hindi na lang sya basta-basta na u-oo kahit na iyon ang sinisigaw ng kaniyang isip at puso. She weigh all the pros and cons of being with him. She needed more time to think about it. At hindi nya masasagot ang mabigat na tanong na iyon ura-urada nang hindi nagiisip.

She have experience how it was like to be Alex's woman. And she ended up hurting. If history really repeat itself, hindi ba't mas mabuti na kung ngayon pa lamang ay pigilan na nya na maulit iyon?

Pero hahayaan mo namang maging malungkot sa mga susunod pang mga bwan? Sa kabilang banda ay naisip iyon ni Ellie.

Upang maiwasan ang tanong ay tumingin siya sa kaniyang wrist watch. Then she said, "I-I'm sorry. I have a class," tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo.

"During lunch break?" Counter question ni Alex dahil nararamdaman nyang palusot lang ito ni Ellie to skip his question.

Elizabeth mentally slapped her face. Ano pang silbi nang pagtingin nya sa relo gayong ngayon nya lang narealized na lunch break na pala? Meron talagang panahon na bigla ka na lang matutuliro sa mga unexpected happenings.

Dahil sa sinabi ni Alex ay muling bumalik sa pagkakaupo si Ellie. Now, what more reason will she say just to leave?

"Why can't you answer me?" Muling tanong ni Alexander.

"Alex, its been so long. Do you really expect me to answer that this instant?" She finally found the courage to speak.

"Yes. You only have two possible answers to choose from. Is it yes? Or is it no."

Yes! Oo, mahal na mahal parin kitang lalaki ka! Ang kaso ako ba? Mahal mo ba ako? Bakit ikaw ang laging nakakauna nang nararamdaman sa ating dalawa? Papaano kung sabihin kong oo? Tapos yun pala hindi naman tayo pareho ng nararamdaman? Ako lang ba ulit yung aamin at matagal na panahon na magiisip tungkol sa kung ano yang nararamdaman mo?

Gusto isumbat at isigaw ni Ellie lahat ng iyon kay Alex. Kung hindi lang talaga sya naka uniporme ng guro ay baka nagawa na nya. Kaya imbes na sabihin lahat ng iyon, ang lumabas sa bibig nya ay, "I told you my true feelings for you before. But you choose to ignore me. You rejected it. Kaya bakit hindi mo subukan na ikaw naman ang magtapat ng nararamdaman? I'm tired of saying it first."

"I love you, Elizabeth." Mabilis na sagot ni Alex na hindi naman inaasahan ni Ellie. "For the short period we have shared together, I've learnt the meaning of love. And I only realized it when you were gone. Every minute, every second of my past 6 months, I'm regretting that you choose to leave because of me. This is why I wanted to know of you still love me, Ellie. Because I'm willing to change everything that is wrong about me. For you, Ellie, I will." His eyes are sincere, it never leave her simula sa una nyang salita hanggang sa huli.

Gusto na talagang umoo ni Ellie. Ngunit ang lumabas sa kaniyang bibig ay, "I need a little time to think. I'm sorry, I really need to go back to work now. Thanks for the coffee tho," mabilis na nilisan ni Ellie ang coffee shop at pumara ng jeep sa labas pabalik sa paaralang pinagta-trabahuhan.

Even when she finally put a distance between them, her heart is still pumping with a very fast pace.

Pagbalik nya sa school ay sinalubong agad sya ng mga co-teachers nya ng sandamakmak na tanong. She lied at some point dahil hindi naman siguro maganda pakinggan na ang isang teacher ay dati palang submissive, hindi ba?

Kinabukasan ay nagumpisa na naman ang araw nya ng normal. But she sleep differently last night. Para nyang namiss bigla si Alex kagabi. Not in a dirty way. Iba kasi ang epekto ng gabi sa mga taong active ang emotion. Masyadong madaming naiisip at narerealized compare to day. Bago magdismiss si Ma'am Jewels ng mga estudyante bandang alas onse imedya, may pumasok na limang van sa school ground. And much to everyone's surprise, parang nagpakain ang mayor ng bayan dahil sa mga naka packed na Jollibee take outs. Lahat ng estudyante ng school ay nabigyan, higit-kumulang limang daan ang mga estudyante doon. Pati mga guro ay mayroon.

At nang itanong ni Ellie kung kanino galing ang mga delivery, parang pinupukpok na naman ng tambol ang puso nya nang marinig ang ngalang "Alexander Thansley"

Every student enjoyed their lunch. Isa sa pinakamasayang tanghalian ang araw na iyon na naitala sa school. Habang kinantyawan naman ng kapwa nya guro si Ellie habang kumakain ang mga ito sa faculty room.

Kakatapos lang magtanghalian ng mga guro nang kumatok ang guard sa faculty.

"Ma'am Jewels, may delivery po para sa inyo." Bungad ng security guard.

"Ano daw po yon, kuya?" Takang tanong nya dahil wala syang matandaan na inorder sa kung saang online shopping. Kung may ipapadala naman si Marcel sa kanya ay mabilis naman nya itong malalaman.

"Sige po, pasok." Saad ng security sa deliveryman.

"Ma'am Jewels po? May delivery po para sa inyo, ma'am. Galing o kay Mr. Thansley,"

Mabilis na nagiwikan sa kilig ang mga kapwa nya guro na nagaabang sa buhay pag-ibig ni Ellie.

Isang bouquet ng bulaklak ang hawak nito. Lahat ay fresh flowers. Meron ding malaking hugis puso na Ferrero
Rocher Chocolates. Daig pa nga nyang tunay si Rupunzel sa haba ng kaniyang buhok. Pakiramdam nya tuloy ay bumalik sya sa pagiging teenager. Kinikilig sya ng wagas.

Pumirma sa receive si Ellie tapos ay kinuha na ang mga chokolate at bulaklak. Pinagsalo-saluhan nila ang chocolate pero hindi naman siguro pwedeng ipamahagi ang mga regalong bagay tulad ng bulaklak, hindi ba?

Maghapon na good mood si Ellie. Kakaiba pala manligaw ang isang katulad ni Alexander. Siguradong sa susunod nyang pagbisita ay bibigay na sya. Ngayon ay malamang nasa Maynila na ang binata dahil naroroon ang business nito. Kasi kung nasa Quezon parin sya, bakit ipapadeliver pa nya ang bulaklak kung pwede namang sya na mismo ang magaabot?

Alas singko ang dismissal ng mga bata pero 5:30 ang sa mga guro. And by the time that she is all prepared to leave, dala nya ang laptop at malaking bag nya kung saan nakalagay ang assignment ng mga bata na che-checkan nya sa bahay na inuupahan nya. Jeep na lang ang kulang pero madalang.

Nagaabang lang sya hanggang sa may humintong bonggang sasakyan sa harap nya. Bumaba ang bintana nito.

"Can I give you a ride home?" Tanong ni Alexander.

Na starstruck naman si Ellie dahil hindi nya inaasahan nanaroroon pa ang binata sa probinsyang iyon. More specifically, sa kaniyang harapan.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now