39: Seen On Act

5.9K 133 6
                                        

Dahil ang akala ni Ellie ay nasa Maynila na ang lalaki, talagang ikinagulat nya ang bigla nitong paghinto sa kaniyang harapan. Halos isa o dalawang minuto nang nakatunganga ang guro habang nakatingin sa binata.


Dahil nainip sa paghihintay si Alex ay bumaba siya ng kaniyang sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang nililigawang guro.


"Please," He plea.


"N-no, thanks." Ngumiti si Ellie dito. Ngunit isa itong ngiti na naiilang. "Malapit lang naman ang bahay ko,"


"I did my research, Elizabeth. I know where you lived and it is far from being near. Please. Let me bring you home."


Nagpakawala si Elizabeth ng buntong hininga. Indikasyon na pumapayag na sya sa suhestiyon ni Alex. Kunyare ay napilitan sya ngunit sa ang kalooban nya ay nagpipiyesta dahil sa tuwa't galak na hatid ng kakaibang Alexander na nakikita nya ngayon.


"Okay," Ellie said. Mabilis sya na sumakay sa loob ng sasakyan at isinara ito ni Alexander na may ngiti sa labi.


Alex turn his engine on tapos ay tinahak nya ang daan patungo sa nirerentahang bahay ni Ellie.


"Why are you still here?" bungad na tanong ni Ellie sa unang minuto nilang pagsasama sa iisang sasakyan matapos ang mahabang bwan na huli nilang ginawa iyon.


Ang tanging sagot ni Alexander ay, "because of you."


"Me? Why? Hindi ba't may business ka sa Maynila?"


"For so many years I made myself believe that only business what makes me happy, that my top priority will always be making money, but this time, I wanted to do what my heart want." His heartfelt words made Ellie flush. Tumingin siya sa daan upang hindi makita ni Alex ang kaniyang biglaang pamumula.


May dumaan na namang katahimikan sa pagitan nila. Hanggang sa muling magsalita si Ma'am Jewels.


"Thank you nga pala. Tuwang tuwa ang mga bata sa pinadeliver mo na pagkain." May maaliwas na ngiti sa labi ni Ellie. Malapit talaga sya sa mga bata. Kaya nga nya pinili ang Education nang mag college sya.


"I'm happy that I made them happy. But I will be happier if you were,"


Sa labis na kilig at tuwa ay nasabi ni Ellie na, "I'm happy. Very happy to be exact. And about the flowers and chocolates, salamat ulit."


Matamis na sumilay ang ngiti sa labi ni Alexander. Mukhang nakukuha na nyang muli ang loob ng dalaga. At once he succeed, he will treasure her until his last breath.


Muli pa silang nagusap at nagpalitan ng mga salita. Napasadahan nila ng discussion ang tungkol sa mama ni Ellie at papa nya. Si Ivory, ang business ni Alexander, si Manang Lolita. At madami pang bagay hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng kaniyang nirerentahang bahay.


Single room lang ang bahay ng guro. Nasa labas ang CR na para sa lahat ng borders sa apartment. Nevertheless, sementado at maganda naman ang loob. Lalo pa't organized na tao si Ellie.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now