27: Ladies for Sale

4.8K 102 0
                                    

Hindi makapagfocus si Alex sa trabaho nya. Palagi kasi nyang naaalala ang napanuod nya kahapon na CCTV Footage wherein Luigi hugged Elizabeth and the woman doesn't look bothered while on his arms.

"Mukhang bad mood si Sir. Nakakatakot, magpe-present pa naman ako mamaya ng bagong model ng android phone. Baka bukas wala na akong trabaho pag di nya nagustuhan ang presentation ko," isa sa mga designer at developer employee ni Alex ang nagsabi noon. Siya si Drew, pinapanood nila ng kasama nya ang kanilang boss na sumakay ng elevator kasama si Mr. Juaqin.

"Cheer up lang, bro. Sir Alexander is a rational boss. Hindi sya magpa-fire ng employee dahil sa mababaw na dahilan. Pero for sure mapapagalitan ka nya. Good luck." Tinapik ng isa pang lalaki ang balikat ni Drew.

Pagsapit ng alas diyes ay pumanhik na si Drew sa conference room kung saan gaganapin ang kaniyang presentation kasama ang iba pang developer na may bagong idea at pakulo sa kanilang produkto.

Kagaya ng prediction nya ay hindi nga pumasa kay Alexander ang model na ginawa nya. When Drew said na he designed the android with a long lasting battery, nag counter part agad si Alex at kiniwestyon ito. Alex said, "I heard that for so many times. Of course we aimed to satisfy our clients with a lasting satisfaction but improving the battery? That is not enough. I want more. I want something new. I want to risk my money on something that has the potential, but risking my money on your model is stupidity because it doesn't sound new. I heard enough, Mr. Drew. Next presenter." Alexander turned down the model kahit naguumpisa palang si Drew na magsalita. The next presenter had a shaking knees nang humarap silang lahat kay Alex. And out of 6 presenter, tanging isa lang ang pumasa.

Mahirap talagang mapa-impressed ang binata, lalo pa ngayon na mukha syang seryoso at mainit ang ulo.

Pansing pansin ng lahat ng empleyado ni Alexander ang init ng kanyang ulo. Tatlo na ang lumabas ng kanyang opisina na nasigawan nya at naginginig sa takot.

Pagsapit ng alas dos ay tinawag nya si Arnold. Iniutos nyang sunduin na si Elizabeth mula sa kanilang bahay para makapaghanda na sya sa pupuntahan nilang auction party. He also informed Ferrie that he will be in charge in Elizabeth's make over just like the last time.

Habang sya, nagpaiwan sya sa kanyang opisina at pilit inabala ang sarili sa kanyang piled of paper works na kahapon pa sana nya tatrabahuhin.

When Mr. Juaqin drove the car into Alexander's garage, sumibol ang kakaibang excitement sa puso no Ellie. Excitement to see Alex again and maybe to have him against her mouth. Pero mabilis nawala ang kanyang pagkasabik nang sabihin ng matandang butler na nagpaiwan si Alexander sa kanyang opisina at mamayang gabi pa sila muling magkikita.

Its okay. Alas singko naman na. Ilang oras na lang ang kaniyang hihintayin para muling makita ang binata.

Elizabeth met Ferrie for the second time. The gay makeup artist is waiting in the living at mabilis siyang tumayo nang makita ang dalaga. Kekembot-kembot itong lumapit kay Ellie ay yumakap at bumeso muttering how grateful s/he is to work for Alexander again.

They immediately proceed in their work.  Binuksan ni Ferrie ang kanyang maleta at tumambad muli ang sandamakmak niyang gamit sa pagaayos.

Pinahidan ni Ferrie ng kung anu-anong beauty products ang mukha ni Elizabeth. Minsan ay damay ang kaniyang leeg. Tapos ay inilabas ng bakla ang kanyang pangahit ng kilay. Tinabas nya ang masukal na kilay ni Ellie into perfect on flick shape. And then Ferrie started outlining her brow, shade it with color brown mixed with black para matapang tignan. Brinush ng bakla ang kanyang kilay at ang sumunod ay ang kaniyang eyeshadow na combination ng kulay itim as the base tapos ang pinakang shadow ay glittery chocolate brown and light brown na kulay. Gamay na gamay ni Ferrie ang lahat ng kanyang ginagawa. Ang paghawak nya sa mga makeup, sa mga brush, ang pagpahid nya ng kung anu-ano sa kanyang mukha ay swak na swak din. Pulang pula din ang lipstick ni Ellie na pinatungan pa ng lipgloss to make it shinier.

Ang medyo brown nyang buhok na highlighted with golden strands ay kinulot at ginawang bouncy. Napaka fancy din nang pagkakagawa ng kanyang buhok. And then pinagpalit ni Ferrie si Ellie. Isang gown na kulay gray. May mahaba at malaking slit sa kanyang hita, sleeveless at hugis puso ang kanyang dibdiban na sumasalo sa malulusog nyang hinaharap. The gown fit perfectly and it hug every curve of her tightly. Napakaganda ng hugis ng katawan ni Ellie. Ang bawat proportion ay tamang tama at hindi nakakasawang titigan.

Dalawang oras din ang ginugol nila sa pagaayos hanggang sa matapos na sila. She wore a spiky high heels na hindi lang nya ikinatangkad, ikina ganda din ng kanyang tindigan.

Nagpaalam silang dalawa ni Ferrie at Elizabeth sa isa't isa. Ferrie will ride in a cab at si Ellie naman ay lulan ng sasakyan ni Alex na si Arnold ang nagmamaneubra.

Matapos ang ilang minuto nilang pananatili sa loob ng sasakyan at umaandar ay huminto ito sa tapat ng isang mataas na building na gawa sa bubog, metal at semento. Bumaba si Arnold at binuksan nya ang kabilang pintuan.

Pumasok mula sa nakabukas na pinto si Alexander. He's wearing black suit and a tie. The handkerchief on his breast pocket made him look like a professional CEO attending an assembly.

Her heart pump hard. She can hear the beat of it making a pattern that sounded like dug-dub dug-dub. Lumingon si Alex kay Ellie. There is something different on his eyes this time. Hindi mabasa ni Elizabeth iyon. Inilapit ni Alex ang kanyang mukha kay Ellie.

She thought he will kiss her, like what he always do. Ellie closed her eyes partially and open her mouth. Ready to welcome him. Ngunit lumagpas ang mga labi ni Alexander. Bagkus ay sa kanyang tainga ito tumapat. Bumulong si Alex dito. Aniya, "I'm fucking mad at you," tapos ay lumayo si Alex sa kanya at tumayo ng tuwid.

Mabilis ang paghampas ng tibok ng puso ni Ellie. Did she just hope to be kissed by Alexander? Elizabeth glanced at him. His shoulder are held square, his face was straightened. Tuwid ang tingin nito. At ang panga ni Alexander ay gumagalaw na para bang siya ay nang gigiligit sa galit.

Alexander didn't talk anymore. They had a silent ride. Minsanang nagnanakaw ng tingin si Ellie pero ang binata ay hindi man lang lumilingon. It's either his eyes was fixed on the front or to his window.

Hanggang sa nag slowdown ang kanilang sasakyan. Arnold went out first. Pinagbuksan nya muna si Alex tapos ay si Ellie. She wonder kung bakit hindi ang binata ang nagbukas ng pinto this time.

Tahimik na inoffer ni Alexander ang kanyang braso. She hooked her own arms on his and they made their way inside of what look like a private resort. Sa loob ng malaking pavilion gaganapin ang auction party na parang kasing laki ng basketball court. Madami na ang mga tao na naggagandahan sa kanilang mga suot na magagarbong gown at suits.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay may lumapit na lalaki sa kanilang dalawa.

"Miss Elizabeth Jewels?" Tanong sa kanya na ipinagtaka nya dahil kilala sya nito.

She look at him first but Alex's poker face stayed the same.

"P-po?" Tanging nasambit ni Ellie.

"This way ma'am, so we can start the auction." The young lad has a smile on his face.

Kumawala si Alexander sa page-ekis ng kanilang braso. Tumingala naman sa kanya ang dalaga.

"Go," he said without emotion.

"Please, ma'am."

Dahil sa hindi naman nya alam ang gagawin at sinabi ni Alex na go ay di sumama na nga si Elizabeth sa lalaki na lumapit sa kanila.

Pumunta sila sa madilim na lugar. Not in a room, no. Nasa likod sila ng makapal na makapal na pulang kurtina at nakakapagtaka na ang dami nyang kasamang kababaihan doon na hinanay pa ng maayos.

Mula sa kaniyang pagkakatayo, she heard a man says, "good evening, ladies and gents! Welcome to the 6th anniversary of our annual auction party. Wag na nating patagalin pa, let us all check out our sweet and beautiful items to be auctioned tonight! Sabayan nyo ako in three, two and one!" Matapos ang countdown na iyon ay biglang tumaas ang kurtina sa harapan nilang mga kababaihan.

W-what is this? Kami ba yung items na sinasabi nya? Kami ng mga babaeng to ang ibebenta? What the hell?!

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now