36: We Met Again

5.3K 131 1
                                    

6 MONTHS LATER...


"A prefix is a group of letters placed before the root of a word. For example, the word “unhappy” consists of the prefix “un-” [which means “not”] combined with the root (or stem) word “happy”; the word “unhappy” means “not happy.” While the—" hindi pa tapos si Elizabeth magdiscuss ng biglang tumunog ang bell sa school. Indikasyon na tanghalian na ng mga bata. "Okay grade six, Einstein, hanggang dito na lang ang discussion natin for today. We will continue tomorrow. You can have your lunch now." Ani Ellie.

Nagtayuan ang mga batang nasa ika-anim na baitang at sabay-sabay na sinabing, "gooood byeee, maa'aam Jewels. Thank you!" Naroroon ang tono na kinasanayan na ng mga estudyanteng Pilipino. And then the kids ascended out of the classroom.

Dahil mataas ang grado ni Ellie nung sya ay grumaduate, mabilis syang natanggap sa trabaho. Naassign sya ng DepEd sa probinsya ng San Pedro Quezon. Halos apat o limang oras din na byahe iyon sa bus. Napakalayo nya tuloy sa ina. Isang bwan matapos ang graduation ni Ellie ay tuluyang bumigay ang kaniyang ama. Isang napakalaking dagok iyon para sa kanilang mag-ina.

Nang maassign sya sa malayo ay gusto nya sana na ito ay tanggihan. Pero iniisip nya na kung malayo sya sa Maynila, baka mas mabilis nyang makalimutan ang lahat ng sakit na naransan nya sa lungsod na iyon.

Ngayon ay mayroong 16 na teacher sa kanilang school. At lahat sila ay magkakasundo.

"Ma'am Ji, may dadating daw na supplies bukas ng computer. Sabi ido-donate daw sa school naten, na orient mo na ba sa estudyante mo na bawal magpakalat-kalat bukas?" Tanong ng teacher III sa kanya.

"Opo, ma'am Sen. Nasabihan ko na po," Ani Ellie.

Dahil sa mga bata at sa trabaho ay nawaglit sa kaniyang isipan si Alexander. Hindi nya masasabing naka move-on na sya pero hindi na nya ganoon naiisip ang binata.

Kagaya ng mga nagdaan nyang araw ay puro turo lang ang ginawa nya. She is hands on in teaching her students. Hindi spoonfeeding ang ginagawang method ni Elisabeth. Minsan ay pinagre-report nya ang mga bata para masanay na humarap sa tao. At night she created a lesson plan hanggang sa nakatulugan na nya iyon.

On the next morning, organized ang mga estudyante nila. Magaganda ang porma ng uniform, malinis ang mga buhok at ganoon na din ang ground ng kanilang school.

Nagklase muna ang mga guro at bandang 10:36 nang may dumating na walong mga van sa school at isang itim na sasakyan. Humanay ang lahat sa stage para i-welcome ang mga bisita. Utay-utay na din na hinakot ng mga lalaking naka itim ang malalaking kahon. Ang balita nya ay dumiretso ang mismong bisita sa principal's office. Yun lang kasi ang de air-conditioning na silid.

Nang makita ni Ellie ang brand na nakatatak sa mga kahon, nanlaki ang kaniyang mga mata. Ang nakita nyang logo ay ang ang logo ng kumpanya ni Alex.

Is he here? Pano pag nagkita sila?! Hindi sila pwedeng magkita!

Nagkunware na sumakit ang tiyan ni Ellie saka sya tumakbo sa CR. Para saan pa ang anim na bwan nyang pagmu-move on kung ganito din ang gagawin nya? Tatakbuhan si Alex. Iiwasan.

Nang makapagisip-isip ay bumalik si Ellie sa stage na parang walang gumugulo't bumabagabag sa kaniyang damdamin.

"Ma'am Ji! Ang gwapo nung lalaki, oh!" Bulong sa kaniya ng kapwa nya teacher. Nang masdan ni Ellie ang papalapit na lalaki ay dumagundong ang kaniyang puso. It was Alexander at nasa likod parin nya si Arnold!

Nanginginig ang tuhod ni Ellie.

"Ma'am Ji!! Nahanap ko na ang true love ko!" Malokong saad nang katabi nya na kaedad nya lang din.

"M-mamaya ha? Alis lang ako," palusot ni Elizabeth saka nagtago sa backstage. Her heart is pounding hard na hindi naman dapat. Kasal na sya, Ellie! Wake up! Hindi mo na sya pwedeng pagpantasyahan!

Sinampal sampal pa nya ang sarili para magising ng tuluyan at para paalisin ang kaba. Nanatili sya sa backstage. Lubha syang natatakot. Hindi talaga nya inaasahan ang pagkikita nila dito pa mismo sa school na pinagtuturuan niya.

All the students stands up and said, "welcomeee visitor!" Saka sila nagsiupuan sa fixed bench sa stage.

Makakasurvive naman si Ellie kahit nasa backstage lang sya e. Ang kaso ay pumayag sya na mag beat para sa National Anthem. Ano ba kasi ang malay nya na darating ang lalaking tumatak na sa puso't isip nya?

Hanggang sa nagumpisa na nga ang program. At nang tawagin sya ng MC nila para sa National Anthem ay lumabas sya mula sa backstage. Unang nakita ng mata nya ay si Alex na nakaupo sa tabi ng Principal at Teacher III. Pilit na inisteady ni Ellie ang nangangatog nyang kamay at tuhod.

"Pambansang awit ng Pilipinas, Bayang magiliw... Handa, awit," at saka na nga nagumpisa ang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas.

Alex was staring at her the whole time. Napakaganda ni Elizabeth tignan sa loob ng uniform ng teacher. Ang mapuputi nyang balat, ang maganda nyang buhok na ngayon ay hanggang leeg na lang, ang lahat tungkol sa kanya ay nanatiling maganda para kay Alex. Nagkakasala na naman ang kaniyang mga mata.

Ang pagawit ng Lupang Hinirang ay masundan ng dasal, opening remarks from the Principal, message mula sa dalawang teacher III hanggang sa si Alexander na ang magsalita.

Sinabi nya ang importansya ng teknolohiya, ang advantages nito ganon na din ang disadvantage. Kung magsalita sya ay para yang nasa harap ng kaniyang mga board of directors. Bukod sa English ay matapang din ang boses.

Habang nagsasalita si Alex ay hindi maiwasan nang dalawang katabing teacher ni Ellie na kiligin sa kagwapuhang taglay ni Alex. Pinagpapantasyahan nila ang binata na hindi ikinatutuwa ni Ellie.

Binulong na lang tuloy nya na, "he is a married man," masakit padin aminin ang bagay na iyon para sa kanya.

"Talaga? Pano mo nalaman? Sayang naman."

Doon na natahimik ang dalawa na bahagyang kinatuwa ni Ellie.

Nang matapos ang munti nilang programa ay pumila ang lahat ng guro para kamayan si Alexander.

Kung nagpapaunahan ang mga katrabaho nya ay mas pinili naman ni Ellie na mahuli. Tahimik nyang hinihiling na huwag nang umabot sa kanya ang shake hands ngunit hindi ito posible.

Hindi magawa ni Ellie na tumingin sa binata kaya naman sa lapag sya nakafocus.

Inilahad ni Elizabeth ang kaniyang kamay at sinabing, "good day, sir. M-my name is—"

Ngunit naputol ang sasabihin nya ng magsalita si Alex.

"We met again, Ms. Elizabeth Jewels. Or shall I say, ma'am Jewels?" Nasurpresa ang lahat ng katrabaho ni Ellie nang mapagtanto na kilala nila ang isa't isa.

"Y-yeah, it's nice meeting you too, Mr. Thansley. Please my hand," she reminded of her hand dahil parang walang balak na bitawan iyon ni Alex.

"Will you drink coffee with me?" Tanong ni Alex na nakatitig sa mga mata ni Ellie. They are lost in the milky way of their eyes and the rest of Elizabeth's colleagues have their jaw dropped on the ground.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now