37: Explanations

5.3K 120 3
                                    

"Your drinks, ma'am and sir. Please enjoy your stay." Anang isang barista na nagtatrabaho kung saan sila pumunta para magkape.


"Thanks," bulong ni Elizabeth.


Anim at kalahating bwan na rin ang nakalipas simula nang huli silang nagkita. Marami na ang nagbago. Maayos na ang takbo nang buhay ni Ellie. Ayaw man nyang aminin, ngunit hindi nya maiiwasang isipin ang katotohanang umayos ang ikot ng pera sa kanilang pamilya nang tuluyan nang nawala ang ama. Mas naging matatag din sya. At ngayon ay isa nang ganap na propesyonal. Isang bagay na tumutulong at nagbibigay sa kanya ng confident para harapin si Alex ng taas ang noo.


Nakapako ang tingin ni Ellie sa kaniyang kape. Ang hugis ng krema sa ibabaw nito ay kalahating puso, dahil ang kalahati ay nasa kape ni Alex.


Ano ba naman iyon? Napakasimpleng bagay at pagkakamali lang yon pero naroon na naman ang puso nya na parang may marching band sa loob.


Paglipas ng ilang minuto, hindi nila inaasahang sabay nilang tatanungin ang isa't isa nang, "how are you?" Sabay din nilang sinabing, "you go first." Kaya naman mabilis na sinabi ni Alex na, "you're the lady, you can ask me first." May maliit ng ngiti sa labi ng binata.


"O-oh, okay. So, yeah, how are you?" Anang dalaga na naa-akwardan sa sitwasyon. Nakatingin din kasi ang mga babaeng employee ng café kay Alex.


"My life has been doing so well, my business, everything. Everything. I just can't name it all."


A small curve formed her lips saka nya hinalo ang kape dahilan para masira ang shape ng cream.


Papaanong hindi ka sasaya eh magkasama na kayo ni Gianna. Bitter na anas ng kaniyang isipan.


"How about you? I'm proud of you. You've reach this ground."


Bakit sya naging proud? At saka anong ibig nyang sabihin sa "You've reach this ground"? Bakit? Akala ba nya hindi ko mararating tong narating ko ngayon? Akala nya babagsak lang ako? Anong gusto nyang palabasin? Na posible pala matupad ang mga pangarap ko without his financial support?


Kahit na ganoon ang pagkakaintindi ni Ellie sa pahayag ni Alex ay nagawa padin nya na magpasalamat dito. She wasn't born and raised as a sarcastic brat.


Humigop muli ng kaniyang kape si Ellie tapos ay nakalap nya ang lahat ng natitira nyang lakas ng loob para itanong ang bagay na anim na bwan nang umiikot sa kaniyang kokote.

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now