22: Luigi or Alexander?

4.9K 116 0
                                    

Inilahad ni Ellie ang ilang totoong parte ng estorya ng buhay nya sa loob ng nagdaang mga araw. Ang pagturing sa kanya na parang isang walang silbi at hampas lupang utusan, ang mga babaeng naroroon at ipinagbibili ng mga James, ang mga lalaking palaging may hawak na dekalibreng armas at ang naging kaibigang si Stephanie.

Ang ilang bahagi na hindi nya sinabi ay ang muntik nang pagrape sa kanya ng isang lalaki. At lalo na ang pagbili ni Alexander sa kanyang bilang isang submissive kuno.

Matapos magkuwento ay si Marcel naman ang nagsalita. Sinabi nyang inatake ang kanyang ama at walang sapat na pasilidad ang pampublikong hospital na dating pinagpapahingahan ng ama. Palagian pang puno ang hospital dahil isa nga itong pampubliko. Luma na ang mga wards at ang mga kagamitan. Kaya naman nang bumisita ang mga Jewels mula sa Brazil ay inilipat nila ang kapatid sa isang private hospital. Oo nga't maganda ang serbisyo. Pero nakakadugal ang palaki ng palaki nilang bills.

Parang ngayon ay ulit sumagi sa isip ni Marcel na may kasamang lalaki ang anak kaya naman tumingin siya kay Alexander na nananahimik na nakikinig sa likod ni Ellie. He's standing and despite of how long he'd been standing ay matikas at matipuno padin ang kanyang tindig.

"Sino nga pala ang kasama mo, anak?" Tumingala si Marcel sa binata. The dark big circles in her eyes told him that she haven't sleep well for couple of nights.

Hindi alam ni Ellie ang isasagot. Natameme siya. Dahil alam ni Alex na hindi kayang sumagot ni Elizabeth without stammering ay siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili.

"Hi, Tita. I'm Alexander Thansley, I'm a businessman. Your daughter's boyfriend."

Nanlaki ang mata ni Marcel. Hindi nya alam na may katipan pala ang anak. She never mentioned him even once. Ni hindi nga halatang may boyfriend ito eh. Hindi sya lumalabas ng bahay bukod tuwing papasok at lalabas para sa paggawa ng group activities. Hindi din nya narinig na may kausap ito sa telepono sa malumanay na paraan.

Marcel look at her daughter and then up to Alexander, tapos ay sa anak muli.

"I'm sorry ma, hindi ko sinabi. Balak ko namang sabihin ang tungkol sa amin. Pero nangyari naman ang lahat ng to. Si A-Alexander ang tumulong sa akin para makalayo sa mga James, mama. At sya din ang nagdala sa akin dito, sa tabi nyo." Awtomatiko na lumabas sa kanyang bibig ang mga iyon. Isa nga talagang man of words si Alexander. Hindi nya inaasahan na matatagpuan agad ang mga magulang sa loob lang ng maiksing panahon. Iba nga talaga ang nagagawa ng pera at kapangyarihan.

"Ganon ba?" Tumingala muli si Marcel. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Alex. "Sana alagaan mo ang anak ko, nak. She's a very selfless person. Nagpapasalamat din ako dahil nandiyan ka para iligtas sya mula sa mga James. Kung gising lamang si Lenard ay siguradong magugustuhan ka din nya para kay Ellie."

Nakikinig lang si Ellie sa mga payo ng ina.

Alexander squeezes Marcel's hand then affirmed, "I will always protect her, tita. I promise you."

He promised? Napatunayan ko ngayon na tumutupad sya sa pangako. Pero ang pangako kaya nyang binitawan ngayon ay totoo at may laman? Will he really protect me?

Tumingala si Ellie at nakita nyang magkayakap na sila ni Marcel at Alex. Si Alex pa lang ang unang lalaki na ipinakilala niya kaya ganon na lang ang pagtanggap ni Marcel.

They look just like hugging, pero marahil sa pinagsama-samang pagod, puyat, gutom at emotional at mental breakdown ay nawalan ng malay si Marcel sa bisig ni Alexander.

"Tita? Tita?! Are you okay? Wake up!" Buhat na siya ngayon ni Alexander. Lumapit si Ellie sa ina at nagumpisang umiyak. Tinatawag nya ang ina. "Call a doctor, Elizabeth! You need to stop crying and run to call for help!" Ang boses at tono ni Alex ay pinanghuhugutan niya ng lakas.

Sa tabi ni Lenard ay may bagong hospital bed. Si Marcel ang nakahiga doon ngayon na ayon sa resulta ng doktor ay she faint due to over fatigue and breakdown. Ilang araw lang daw na pahinga at pagkain ng maayos at mga bitamina ay maaayos din ang ina.

Patuloy lang sa pagiyak si Ellie. She's sitting on the long green couch na nasa loob ng kwarto. Kakapasok lamang naman ni Alex noon dahil nagdesisyon syang ishoulder ang bayarin ng mga Jewels sa hospital. Nagpauna na din sya ng first month treatment for Lenard's maintenance.

Masasabi mong galante si Alexander. But giving millions of pesos is not just galante. Kung may mas extreme na word sa galante ay yuon na si Alexander. Hindi kikitain ni Ellie ang dalawang milyon for one month full package services sa hospital kahit pa bunuin nya ng buong taon sa pagtatrabaho.

Hindi napansin ni Ellie na pumasok na pala si Alex. She only realized that there are four people in the room when Alex sat next to her at niyakap sya nito ng marahan at mainit. He rub his warm palm against her back at hindi na naiwasan ni Ellie na maglabas ng sama ng loob kay Alexander.

Tahimik lang si Alex. He listen to each of her sobs and cry that is enough to tell him the story behind those tears.

Trenta minutos din ata syang nagiiiyak doon. Hanggang sa kumawala siya sa bisig ni Alex. He slide his hand on his pocket at  inilabas itong may hawak na panyo.

"You has to be strong, Elizabeth. Your parents need you." He reminded.

Ellie nod her head. Tinanggap niya ang panyo at magpunas ng luha. Kamakailan ay nagsalita siya. "Thank you so much for finding my parents for me. Maraming maraming salamat, Alex. You made the impossible for me, be possible." Namumula ang mata at ilong nyang pagsaad.

"I'm happy that you finally reunited with your parents. This is, indeed, not a very pleasing situation for a reunion but you'll get through it, Elizabeth." He encourage her. Kung makapagsalita sya ay para syang nagbibigay ng gasgas na advice but still, he feel so happy that he's in her side to comfort her at times like this.

Hindi naman malambot ang puso ni Alex. Pero Elizabeth has the ability to melt his heart.

"Mabait ka namang tao, Alexander. So why do you have to pretend to be cruel?" Ellie asks.

"I'm a dominant, Elizabeth. And I'm not pretending to be cruel or cold. That is the real me. The exact opposite of who I am at this very moment. But for you, I can forget the power that I'm excercising. This version of me is very limited edition." Alexander joked his last words to make the ambiance of their conversation less intense.

"I want to say here for a while, I hope you will let me." Ellie look at her parents. Gusto muna nyang magpaka-anak ngayong araw.

"Of course, you can stay. I'll send manang here so he keep you company."

Nalilito na talaga si Elizabeth. She liked Luigi, pero tuwing ginagawan siya ng mabuti ni Alexander ay parang gusto nya din ito. Kapag nakikita naman nya si Luigi ay damang dama nya ang attraction nya sa lalaki, pero pagwala na sa harap nya ay mabilis namang pumapasok sa isip nya si Alexander.

Kanino na ba dapat ako mahulog? Should it be Luigi? Or Alexander?

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now