By 7:07 in the evening, na dismiss ang klase nina Ellie. Arnis ang kanilang subject ngayon, nagkaroon ng discussion tapos ay demonstration ng kanilang teacher na halos tatlong taon lang tanda mula sa kanilang mga estudyante.
Dahil sa bata pa ang P.E Prof. nila, madami ang nahuhumaling dito na kadalagahan. Bukod kasi sa binata pa ito, maganda ang pangangatawan ay gwapong gwapo din ito. Mejo strict sa klase, pero all in all, he's full package.
Tumayo na si Ellie, mag-isa sya ngayon dahil iba ang klase ni Mia. Nakauwi na ito 6:00 P.M pa lang. Sinakbit na niya ang kaniyang bag, akma syang lalabas ng gym pero tinawag ang kaniyang apilyedo ng kanilang prof.
Napalingon si Ellie dito, sabay sabing, "ano po yon, sir De Guzman?"
Dahil gabi na at rush hour, mabilis naubos ang mga estudyante sa gym. Mahirap kasing makasakay pag ganitong oras.
"Please stay, may problema ka sa subject ko." Anito. Kinabahan agad si Ellie. Graduating student pa naman sya. Isang fail subject lang ay siguradong ma dedelay ang kaniyang pagma-martsa sa Abril.
"Ano po yon, sir?" tanong ni Ellie. Naka P.E uniform parin ito. Napakaganda ng lapat ng damit sa katawan nya.
"You do know na nagkaroon tayo ng semester sessions, right? I've announced it bago magkahiwalay-hiwalay noong nakaraang dalawang linggo."
Ellie mentally slapped her face. Oo nga pala! It totally slipped off her mind dahil sa mga kamalasan nyang naranasan. Malinaw padin sa pandinig nya kung papaanong inannouce iyon ng teacher.
"Eh, sir... nagkaroon po kasi ng emergency sa bahay nung nakaraang linggo kaya hindi po ako nakaattend." Pagdadahilan ng dalaga.
"So... how are you going to fill your blank grades? Titingala na lang ba ako? Pipikit habang sinusulat yung grades mo?" De Guzman stepped forward in a slow pace na ikinakaba ni Ellie. Kung anu-anong bagay ang tumatakbo sa utak nya. Nagkaroon noon ng issue ang prof. Kesyo manyak daw ito but there is no enough evidence para patalsikin sya sa University kaya naglaho na lang bigla yung issue na iyon.
"H-how about... m-make up t-test, sir?" kinakabahan na suhestyon ni Ellie.
"Hmmn... make up test?" The words slipped off his mouth with a touch of sexiness na mas lalong nagpalakas sa kaba ni Ellie. Inikutan ni De Guzman ang estudyante. He picked a group of Ellie's hair stand at pinaikot-ikot ito sa kanyang daliri. Elizabeth flinched from the moment he laid his fingers on her hair. Nandidiri sya at natatakot. "Tell you what, I have a better idea. Let's eat in my condominium, and then I'll let you pass my subject. Is that a better option?" Saad ng manyak.
"S-sir, kailangan ko na pong u-umuwe," hindi tumitingin si Ellie sa mata ng lalaki. Wala syang kakayanan na salubungin ang nakakasuka nitong paraan na pagtitig sa kanya.
Tumalikod si Ellie at akmang tatakbo papalayo ng mahila naman siya sa kaniyang braso.
"Saan ka pupunta? I'm the prof here so I told you to stay, you will stay!" Anito.
"Sir, ano ba?! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako kung hindi isusumbong kita sa admin!" Pagbabanta ni Ellie na tinawanan lang ni De Guzman.
"Isusumbong? Talaga? Alam mong malakas ang kapit ko sa admin, Ms. Jewels. How about I tell you na most of the girls there already share a same bed with me? Magsusumbong ka pa ba? Kayang kaya kong baliktarin yang sumbong mo, at kayang kaya kong hindi ka pagmartsahin sa graduation. Think practical, Elizabeth. Just one night, gagawin pa kitang magna cum laude. How about that?"
Inilapit pa ni De Guzman ng maigi ang kaniyang mukha't katawan kay Ellie. Nang makakuha ng tyempo ay sinipa ni Ellie ang lalaki sa kaniyang binti, itinuro sa kanila na bukod sa ari ng lalaki, mainam din na sipain ang binti kung saan ang matigas na buto ang mas magdadala ng sobrang sakit. Little did she know na she will use the same method to the man who taught them tow to depend one self.
YOU ARE READING
The Dominant and the Submissive
RomanceAfter the accident of Elizabeth Cruz Jewels' father, Mr. Jewels was bedridden in the hospital, comatose for ages. Marcel, Elizabeth's mother, she recieved a money from a shark loan Mr. James. The money was used for the maintenance of her husband. U...
