34: Justice Has Prevailed

5K 122 0
                                    

Kagaya nga ng inaasahan ni Ellie, ganoon nga ang nangyari sa loob ng unang linggo na pagbalik nya sa school. Tuwing dumaraan sya ay nagbubulungan ang lahat, tinitignan sya ng lahat maging ang mga teacher. Para syang instant celebrity at hindi gusto nya ang atensyon na nakukuha nya.


Palagi lang syang nakayuko tuwing daraan sa hallway, Mia never left her side. Tuwing pinagchi-chismisan sya ay aawayin ni Mia ang mga lokaret na mga estudyante na sobrang gagaling sa chismis pero wala namang laman ang mga kokote. Nagsilabasan na rin ang iba pang naging biktima ni De Guzman. They are at least dozen at hindi iyon inaasahan ng pamunuan ng Unibersidad. Dahil sa case ay nakisali na ang Commission on Higher Education (CHEd). They conducted a further investigation about De Guzman at nagulantang ang lahat nang madiskubre na nagbebenta din pala ito ng ipinagbabawal na droga.


Na-issue ang school. At lahat iyon ay dahil sa pakikialam ni Alexander...


Speaking of Alex, hindi na nya muli pang nakita ang binata. She misses him so much, mas lalo tuloy syang nangungulila dito. Bakit kasi pinanganak sya na may nakapataas na pride? Pwede naman mag work ang relationship nila eh, kung hindi lang talaga ganoon ang mindset ni Alex.


"Girl, we both know na walang kasalanan si Alex dito," Pagtatanggol ni Mia sa dating nyang pekeng-nobyo.


"Kung hindi kasi nya dinala sa korte to, Mia, hindi mangyayari lahat ng to!" Ellie convince herself na kasalanan itong lahat ng binata.


"Elizabeth, I never expected you to be this unreasonable." Nadismayang turan ni Mia. "Sa tingin mo kung hindi nangyari lahat to, kailan pa? Kapag sirang-sira na ang school naten dahil sa animal na yon? Elizabeth we are restoring the damage that the damn asshole created. Tignan mo na lang lahat ng nagsilabasan na biktima nya! They leave their fear zone dahil may isang nag initiate ng battle against De Guzman, that motherfucker. Dahil kay Alex kaya mabibigyan ng hustisya lahat ng naging biktima nung putanginang manyak na yon. Especially you. Ginawa ni Alexander yon because of you."


Paulit-ulit nang narinig ni Elizabeth iyon mula sa bibig ni Mia. Ngunit hindi parin sya makapag-isip ng maayos. Gulong-gulo padin ang kaniyang utak. Isama pa ang damdamin nya na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom mula sa sugat na ginawa ng binata.


Malakas na malakas ang laban ni Ellie at nang iba pang biktima nito. According to Ellie's lawyer, which was hired by Alex, a student on the other hand is vulnerable and therefore protected by laws against abuses such as R.A 7610, or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act; and R.A 7877, or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995. Hindi pa man sila nagkakahrap sa korte ay panalo na agad sila. De Guzman was charged with so many complaints.


Today is Friday, half day ang schedule ngayon ni Ellie kaya umuwi na sya ng bahay. She didn't ate lunch, basta dumiretso sya sa kanyang kwarto at nagkulong doon. Maya-maya pa'y kumatok sa kanyang pinto ang kaniyang ina. Elizabeth opened the door for her. Marcel is holding a tray of food. Mayroon din itong hawak na papel.


"Hindi ako nagugutom, ma."


Kahit pa paulit-ulit nya itong sinabi ay nagawa padin ni Marcel na mapakain si Ellie. Then after that, Marcel spoke, "dumating na ang invitation sa unang hearing ng kaso mo, anak."

The Dominant and the SubmissiveWhere stories live. Discover now