CHAPTER 6

1.1K 10 0
                                    

CHAPTER 6

GREYSON'S POV

naglakad na ako sa kanya akala ko hindi na sumunod pero dapak!! naman oh.
Bakit ba sunod ng sunod to saakin, tsk.

"Hoy? di ka pa ba uuwi?". tanong ko,

"Hindi eh". siya

"Ah ganun, okay mauna na ako may sarili akong bahay eh". pamamaalam ko sa kanya kaso bigla nyang

⊙_⊙

dapak!! ipinulupot ang dalawang kamay nya sa katawan ko,
"Anak ng__". di ko na matapos nang nagsalita ito,
"Hoy! OA mo naman, may itatanong lang talaga akong importanteng tanong sayo".
nilingon ko naman ito at tinaggal ang mga kamay nya sa katawan ko, tinignan ko ito ng seryuso.
"Ano ba kasi yun?". pagtatanong ko...
"May project kasi kami sa English, mag play kami ng Romeo and Juliet kaso nga wala pa kaming Romeo, pwedeng ikaw nalang pleaassseee!! patay ako kina mama at papa pag babagsak ako sa english ko". pagmamakausap nya sakin?
ano daw?! kukunin nya lang ako para mag acting dun, sabagay marunong naman talaga ako mag acting, acting nga yung luha luha ko kanina.

"Sorry, pero bawal ang mga outsiders na makikialam sa gawain ng mga studyante sa paaralan ninyo". sabi ko saka
tumalikod, bigla naman nyang hinawakan ang paa ko.
naku naman oh,
"Ano ba kasi gusto mo?". tanong ko,
"Yun nga kanina, plssssss". pagmamakaawa nya, kahit gusto ko, nangamba naman ako baka kasi bawal mga outsiders, at lalong lalo na gagawin ko to para sa grades nila. Naku po naman ohhh. Matagal tagal na din akong hindi nakapasok sa paaralan.
"Wag kang magaalala, papaaralin naman kita dun eh". aniya,
Hindi ko alam pero may kunting poot na namuo sa damdamin ko nang sinabi nya iyon, ewan ko para kasing nangiinsulto sya sa kakayahan ng mga magulang ko na paaralin ako.
"Salamat nalang pero ayuko". sambit ko,
"Please na Greyson, Sa grado ko lang, nagmamakaawa na talaga ako sayo". aniya pa.. wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang alok nya.

Tinanguan ko nalang ito saka, hindi maipinta ang nasa mukha nya, sobrang saya siguro, may paluha luha pang nalalaman naku po naman. Ang OA talaga ng mga babae.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
kasalukuyang naglakad naman ako patungo sa bahay namin, sumama si Zy, Nais nya lang dawng ipaalam sa mga magulang ko, parang sa tingin ko lubos na masisiyahan si mama at lola dito, lalong lalo na kay lolo at papa.
Naglakad kami hanggang sa makarating sa bahay namin, pero bago paman kami makaabot, sa eskinita binobola nila ako, akala siguro ng mga iyon jowa ko. Naglakad kami hanggang sa makaabot na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*Tok Tok Tok*
katok ko sa pinto namin, agad namang bumungad si mama.
"Ouh anak, bakit ngayon ka lang anak, nagaalala ako masyado". pagaalala nya, pero nanlaki ang kanyang mata ng niyakap nya ako tas nakita nya sa likod ko si Zy.
"Sino yan?". gulat na tanong nya saakin.
"Ma? si Zy ho pala". pakilala ko,
Ngumiti naman si Zy saka naglamano kay Mama.
"Jowa mo?". tanong ni mama.
Napangisi naman si Zy,
"Opo Jowa po ng anak nyo". ngising sabi ni Zy, dapak ano bang napasok sa isip nya.
"Ay____". hindi ko na natuloy nang kinurot nya ng palihim ang beywang ko..
"Opo ma jowa ko ma". pagsisinungaling ko kay Mama saka tinignan ng masama si Zy at ngumiti ng parang may itinatago kaming kalokohan.
"Hala, Oy Zy, maupo ka. halika dito sa bahay namin". sabi ni mama.
naman ohhhhhhhhhhh.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon