CHAPTER 34

677 8 0
                                    

CHAPTER 34

GREYSON'S POV

"Ang tagal mo naman jan!!". malakas na sigaw ni Zy, nasa Cr ako ngayon nanghihilamos. Hindi ko alam if anong ginagawa ng babaeng to, manghihilamos din siguro.
Pagkabukas ko ng pinto sa Cr ay bumungad saakin ang mukha nyang hindi maiipenta.
"Manghihilamos ka din?". tanong ko nito bagkus nakasimangot lang ito ng nakasimangot.
"Bakit ang Cr ba para lang sa hilamos, tumabi kana nga dyan gagamit ako dyan". Sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papalabas sa Cr.
Haysh! mga babae talaga.
Wala naman akong magawa kundi sundin sya at naglalakad lakad nalang sa labas ng aming bahay.
Habang wala pa si Zy ay naglakad ako papunta sa Daan namin at kitang kita ang mga usok na lumalabas sa bahay ng aming mga kapitbahay, siguradong naghahanda ang mga ito para sa Fiesta. Sabi kasi ni Mama Boodle fight ngayon at saka hindi naman bago saakin to dahil dito ako nakatira.

Habang naglalakad ay saka ko namang nakita ang mga ka tropa ko nuon, yung mga childhood friends ko. Dapak!

"Oyy Grey!!". Bati ng isang boses at pamilyar saakin yung boses na yun, si Graham yun ah.
Agad ko namang nilingon sya at hindi ako makapaniwala sa aking nakita.
Shet!! Yung maitim at tadtad ng Mga Tigyawat nuon, Ang laki ng ipinagbago ngayon.
"Oy Graham!". Bati ko sa kanya, nanlaki din ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa kanyang nakita ngayon.
Papano ba naman, nakakita yata ng artista.
"Ang laki ng ipinagbago mo ahhhh, tignan mo nga yang balat mo ang kinis at puti na ah! talagang nagmana ka saakin". Sabi nya na sabay pagbibiro, natawa naman ako saka sinakyan sya sa kanyang kalokohan.

"Suuussss! anong nagmana, ikaw ang nagmana saakin! Mala artista na tong kausap mo ngayon". Biro ko din, at sabay kaming napatawa. Ilang minuto pa ang nakalilipas ay dumami na ang aking mga kaibigan nuon na malaki na talaga ang ipinagbago. Yung iba may bitbit ng Girlfriend, while ako? Shet!! Kailan pa.
Nagsimula na kaming magkwentuhan patungkol sa childhood memories namin saka napatawa sa mga kahihiyang ginagawa namin nuon. Kagaya nung nadulas si Gadrolf sa Putik saka timing na may tae ng kalabaw kaya dun sya sinalo.
Hanggang nagbulong bulongan na ang mga kaibigan ko, At saka nakatutok lang sa isang direction.

"Chiks pre, shet! highstandard".

"Pre.. sarap nyan pre fresh na fresh".

"Nakakatulala ganda nya brad".

"Saan? Yang maganda?! baka taken na yan".

"Oy pre naglalakad papunta dito".

"Papunta nga dito".

"Nandito na sya".

"Shet di ko aakalaing sa grupo natin sya lalapit".

"Fckkk!! Grey sayo papunta".

Sa mga bulong bulongan nila alam ko kung sino sya.

At may biglang humawak sa balikat ko habang nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko sya nilingon pero hinawakan nya pisngi ko at ipanilingon sa kanyang mukha na nakangiti ng sarkastiko. DESYET!!!!

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon