CHAPTER 37

619 6 0
                                    

CHAPTER 37

GREYSON'S POV

Nandito na ako sa loob ng bahay namin, tinutulungan sina Mama at Papa na ilagay ang mga ulam sa lamesa na nakapwesto sa gilid ng Daan namin. Samantalang masayang busy naman si Zy sa pagtulong nina Mama at Papa. Mabuti na nga lang talaga at hindi ako nakita ni Zy na niyakap ako ni Karen. Kung di, paktay ako!
Pero hindi padin nawawala sa isip ko ang ala ala na napagsaluhan namin ni Karen na minsan ko na ding tinuring na siyang Una at Huli, Siya ang kaibigan na nagtatanggol saakin sa kung ano mang pangbubully na dadanasin ko sa School namin.

Nakapagusap naman kami ni Karen ng maayos at maliwanag na ang lahat. Wala na akong poot na itinanim saaking puso. Pawang kasiyahan nalang kasi ang masasamang ala-ala ay hindi paulit ulit na Balikan lalong lalo na kung natuto kana dito. Wala ng silbi ang masamang ala ala na nagawa ng isang tao saiyo, o nagawa mo sa isang tao lalong lalo na kung alam mo na papano ito e-manene obra na hindi na mauulit ito sa buhay mo.

"Siguro masayang masaya mamaya no?". Sabi ni Zy sakin na nakangiti, ngumiti naman ako at tinanguan siya.
"Im sure masaya talaga". sabi ko nalang habang ginagawa ang sarili kong gawain.

"Ouh sha sige mga anak ilalagay na natin to sa lamesa natin". sabi ni Mama saka sinenyasan kaming dalhin na namin ang aming handa at ilagay na ito sa lamesa namin.
Tumango naman ako at ganun na din si Zy, samantalang si Papa naman ay tinitikman ang sabaw ng Baka na niluto niya na hindi pa naluto.

"Mauna nalang po ako". sabi ni Zy, saka tinignan ako. Ngumiti naman ako at sinenyasan siyang mag ingat siya. Nang makalabas siya ay agad naman akong lumapit kay Papa at napangiting inakbayan siya.
"Mukhang naging Busy ka dyan pa ah?". biro ko sa kaniya napatawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Papano na yan, kayo na nga ba talaga ni Zy. Mukhang babalik na si Karen ah?". Biro ni Papa saakin pero napaisip ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam ano tong nararamdaman ko, bakit naging ganito.
Hindi ko alam ano ang panimula ng tunay na Pagibig, Bakit iba ang nararamdaman ko kay Karen at Zy. Hindi ko napagtanto ano ang tunay na pagibig. Itoy napasa-ilalim ng mga hiwaga.

 

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon