CHAPTER 14

889 11 0
                                    

CHAPTER 14

GREYSON'S POV

⊙_⊙.........Siya

nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ko, tinignan ko ito saka sasampalin nya sana ako nang bigla kong nasalo at nahawakan ang kanyang mga kamay saka napaatras ito at napasandal sa pader, habang ang kanyang kamay ay nasa pader din at hawak hawak ko ito,
"Ano galit ka pa ba?". tanong ko nito, masama pa din ang kanyang tingin saakin, nanlaki na naman ang kanyang mga mata nang hinalikan ko na naman ito.
"Ugggghhhhh!!". pagpupumiglas nyang makawala sa akin.
Itinigil ko ang paghalik ko saka tinignan na naman sya,
"Ano galit kapa?". tanong ko,
"Oo!". malakas na sabi nya, gusto mo din no.. Hinalikan ko na naman ito at sinigurado kong lulunurin ko ito sa halik ko, tignan natin kung hindi kaba magsasawa.
"Oo na, oo na, hindi na". nabubulol at nauutal na sabi nya saakin, Wow ah! nakapagsalita kapa talaga habang ang labi mo nakatapat sa labi ko.
"Ano bang ginagawa mo ha?". singhal na tanong nya saakin.
Hindi ko nalang ito pinansin saka naglakad ako papunta sa kama..
Pumatong ako sa Kama saka humiga nalang habang nakatingin ako sa itaas.
"Ano wala kabang balak sagutin ako, napaka manyak mo! alam mo ba ano yung ginagawa mo saakin ha?!". sabi nya pa, Hayst! para ka namang bata..
"Pampalipas oras lang yun wag mong seryusohin, tayo lang din naman nakakita nun". nakapikit na salita ng bibig ko habang nakahiga ako sa kama. Bukas, Babyahe na kami papunta sa, di ko alam ano ang pangalan ng lugar sa bahay ni Zy, pansamantala lang din daw akong patirahin dun hanggang sa matapos na ang aking pag-aaral.
"Pampalipas? ano ang ganun? Dafak! naman Grey ehhhh!!". inis na sabi nya, ibinuka ko ang aking mga mata saka inilingon ang aking ulo sa kanya na nasa pader pa din hindi na yata nya balak iwanan ang pagkakasandal sa pader.N
Imbis na tugonan ang bukabukaka ng kanyang bibig, ibinaling ko nalang ang aking paningin sa itaas ng bahay namin.. saka inisip isip kung ano ang mangyayari bukas, Parang gusto kong sumama pero may iilang parte din ng puso ko na hindi nais sumama.
"Hoy Grey!!!". malakas na sambit ni Zy, nagulat naman ako dun. Shet ka'ng babae ka.
"Oo?". tanong ko sa kanya,
"Hindi mo na maibabalik ang first kiss na ginawa mo sakin hayop kang manyak ka!". aniya, wow ako pa ang hayop at manyak ah, samantalang lasap na lasap nya naman ang langit,
"Matulog ka nalang Zy". sabi ko nalang sa kanya saka itinaas ang aking T-shirt at dahan dahang ibinaba ang aking pantalon hanggang sa naka boxer lang ako saka walang saplot sa pang-itaas.
"Hindi pa tayo tapos sa nagawa mo, Pero pagbigyan kita! di ba? dyan ako sa kama na hinigaan mo tas dun ka". sabay turo nya sa ibaba ng kama ko, bahala ka na Zy, Antok na ako.
"Kung mag-iinarte ka dun ka talaga pupulutin sa ibaba ng kama'ng to, kung tulog lang naman ang nanaisin mo, Mahiga kana sa kama ko". sabi ko, Nainis naman ito.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon