CHAPTER 56

486 5 0
                                    

CHAPTER 56

(THE PAST: THE COMFORT)

KAREN'S POV

Hindi madali para sa akin ang makitang, nahuhulog ang taong mahal mo sa bestfriend mo nuon. Oo na, hindi na ako kagaya nya na maganda, ako yung palaging sawi. Hindi ko kayang makita na sa mahalagang kaibigan ko pa sya nahulog. Pwede naman sanang sa iba, pero bakit sa kaniya pa.

"Oyyyyy Karen". bati ni Grey sakin. Nandito kasi ako sa beach tumingin tingin lang sa horizon, iniisip kung gaano ka swerte si Zy kay Jason. Mapa hanggang ngayon kasi, masakit parin sa akin na malamang, In a relationship na silang dalawa.

"Bat parang umiiyak ka?". tanong ni Grey sa akin, tiningnan ko naman ito at saka nginitian.

"Wala to, napuwing lang ako. Ikaw naman eh, para kang multong sumusulpot dito. Ano pala ginagawa mo dito?". sabi ko, napakamot naman sya sa ulo nya saka tinuro ang isang sand castle.

Napalaki naman ang aking mga mata.. Hindi ko aakalaing, sya ang gumawa nyan. Ang ganda kasi masyado.

"I-Ikaw gumawa nyan?". nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Tumango tango naman ito.

"Chaarrrr ang ganda ahhhhh". sabi ko sa kanya saka tiningnan ang buong mukha nito.

Kahit papano, ang gwapo talaga ni Greyson. Sa pagkakaalam ko, mas matanda si Greyson sakin sa Months lang, pero hindi sa Year.

"Salamat". pasasalamat nya sakin, sabay tingin sa aking mga mata.

"Alam mo, I can read your sad eyes". aniya, nailang naman ako sa tingin nya sa akin.

"Ahhhh ha? wala yun, masaya nga ako eh". sabi ko sa kanya. Sabay tinatagan ang sarili ko.

Napahiga naman sya sa buhanginan habang nasa likod ng ulo niya ang dalawang kamay nya.

"You know what? you dont have to hide your true emotions. Because someday, you will realize that what makes you feel sad is useless in your heart". sabi nya, sabay lingon sakin at ngumiti.

Hindi ko naman napigilan kaya't bumagsak ang aking mga luha.

"Halika nga dito, hug kita". aniya, saka yinakap ako. Napaka bait niya at napaka comforter. Dahil sa kaniyang kabutihan, nabuo ang aking damdamin sa kanya. At ito na yun.

*********MAY YEARS AGO**********

"Halika dito tayo, masaya dito". sabi ni Grey sakin. Habang hilang hila nya ako papunta sa rides.

Like? hala sya??? di ako sumasakay sa ganyan. May takot ako sa height.

"Oyyy di ako sasakay sa ganyan". sabi ko, pero hindi sya natinag kaya nahila nya pa din ako papunta sa ferris wheel.

kaya ano pa ba ang magagawa, maliban sa sumakay nalang. Kaya sumakay nalang ako kahit alam kong may takot ako sa HEEIIIGGGHHHTTTT!!!

"Shhh*ttttttt!!!!! ayuko na". napasigaw nalang ako dahil sa ikot nito, ang taas pa nito, ang bilis pang umikot. Yung totoo lang? May galit ba operator namin dito.

Kahit papanu, na comfort ako ni Grey. Si Grey, ay hindi lang ang taong kaibigan ko sa panahon na walang wala ako. Bagkus, ang taong muling nagpaparamdam sa puso ko, na mahalaga ako. Kahit ganito ako, may taong tatanggapin ako. Mahalaga ako, at maganda ako.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon