CHAPTER 47

669 5 0
                                    

CHAPTER 47

IZZY'S POV

Dali dali akong lumayo kay Jason at hinabol si Grey, hindi pwede to. Grey! hindi ko yun sinadya, hindi ko yun ninais. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, sobrang kaba ko na at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Tumatakbo ako papunta sa bahay nina Grey nakabukas ang pinto at handa akong humingi ng tawad sa kaniya.
Nang makapasok ako, ni isang Grey wala akong nakita. Tiningnan ko ang kuwarto niya subalit wala ni isa mang Grey ang nakita ko. Ang bawat sagisag ng aking kalungkotan na siyang luha ay patuloy na pumapatak sa ibabaw ng lupang aking tinatapakan. Kung maaaring ang oras ay pwedeng ibalik, at itama ang maling gawain ay kanina ko pa ginawa. Batid at ramdam ko sa aking sarili, na ang bawat bagay ay may hangganan. Batid at ramdam ko sa aking sarili, may mga bagay na may kawakasan. Kung ito na nga ba ang pangitain ng isang ala-ala. Tatanggapin ko ang kapalit huwag lang sana mawala ka. Kung hindi pagbibigyan ng langit at tadhana, Masaya akong makita ka na ngumiti piling ng iba.

Tumulo padin ang aking luha, at mas lalo akong papalakas na tumakbo papunta sa bahay nina Karen. Alam ko ang bahay nila dito because we are friends before, we are but this time she is not.
Mas lalong bumigat ang aking katawan, nang aking nasaksihan, Nakatalikod na isang lalakeng aking minahal kahalikan ang babaeng nuoy aking kaibigan. Sa bawat dapo ng kaniyang mga labi, ay siya ding kirot na aking nararamdaman. Sa bawat galaw ng kanilang mga labi, ay siya ding sakit na pumapaimbabaw.
Kung pwedeng gisingin ang sarili, kanina ko pa ito ginising.

Masakit man para sa akin ang nangyari, masakit man sa aking ang makitang may ibang labi ang nakadako sa kaniyang labi. Masakit man isipin, bagkus karapatdapat tanggapin.

TULA:

"WALA AKONG KARAPATAN"

Tago tagoan maliwanag ang buwan,
Ang buhay talaga ay sadyang ganiyan,
Yung tipong kahit ikaw na ay nasasaktan,
Wala ka pa ding pinanghahawakang karapatan,

Sa bawat panaginip koy ikaw ang laman palagi,
Sa bawat banggit nila ng ngalan moy namumuo ang aking ngiti,
Akoy nabighani saiyong kabutihan at kabaitan,
Tila bagang walang sino mang tao ang kaya kang lagpasan,

Sa tuwing ikay aking nakikitang tumatawa,
Para saan ang lungkot kung kasiyahan ang nadama,
Sa bawat simangot na namumuo sa iyong mga labi,
Ganun na din ang paglaho ng aking mga matatamis na ngiti,

Nung sinabi kong mahal kita ikay biglang nagulat,
Nasaktan ako sa trato mo't akoy gustong mamulat,
Sa katotohanan na kaibigan lang ang hangganan,
Masakit man isipin bagkus iyon ang katotohanan,

Siguro oras na, na hayaan na kitang lumayo mula saakin,
Hahayaang makita kang ngumingiti habang sa kanya nakatingin,
Masaya ako na ako ay nasasaktan,
Magseselos man bagkus akoy walang karapatan,

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon