CHAPTER 51

501 4 0
                                    

CHAPTER 51

JASON'S POV

"Bat mo ginawa yon?". i asked her, nasa canteen kami. Umiinom ng juice.

"You know what, pag hindi mo kasi sasabihing magjowa tayo, malamang ganun pa din ang kalalabasan na habang pinagdududahan nila tayo mas lalong paniniwalaan nila ang duda nila kaysa sa katotohanan. Kaya ginawa ko lang yun para tumahimik". Sabi niya sa akin.

Tumango tango naman ako habang sumisipsip ng juice.
At kumakain ng burger.

While looking sa ibang bench ng canteen, nakita ko yung babae na nagpapakilala as Izzy. Zy? nice name ahhhh.

Tumayo ako at naglakad papunta sa bench niya.

"Hey". sabi ko sa kaniya, hindi naman sya kumibo at patuloy syang sumisipsip ng juice niya.

"Hi? Im Jason". sabi ko, sabay bigay ng aking kamay sa kanya pero hindi nya tinaggap ang kamay ko.

"I know, obvious naman nung nagpapakilala ka sa klase natin". She said, while continue syang umiinom ng juice nang di man lang ako tinitingnan.

"Are you okay? You look like you aren't?". I ask her, ilang segundo lang tumingin sya sa akin at hindi man lang sya nagsalita. She looks my eyes, at hindi ako mapakali.

"Im more than okay". She said, sabay kuha ng bag nya at aaksyong tumayo.

"Wait? ba't parang ang sungit mo sakin?". Tanong ko sa kanya, habang napakamot sa ulo ko.

"Akala mo lang yun". siya, sabay tayo at naglalakad na papalayo sa akin.

Woah? bakit parang iba ang inaasal nya? hindi nya ba alam na napaka gwapo ng kinakausap nya?

Kaso nga lang may hitsura nga ako,  eh mahirap naman. Pero okay lang yun, kung mahal ako ng isang babae, tanggap ako kung ano at sino ako.

Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad papunta sa bench namin ni Karen. Tinitingnan nya ako habang papalapit ako sa kanya while sumisipsip sya ng juice nya.

"Busted ka yata?". aniya, sabay tapik sa balikat ko.

Busted, hindi naman ako nanliligaw.

"Hindi naman ako nanliligaw". I said, habang nginitian sya.
Tumango tango naman ito.

"I know, hindi naman ako tanga. Pero iba ang inaasal nya sayo ah? ouh sadyang ganyan lang talaga ang asal nya?". Sabi niya sakin, tiningnan ko naman ito ng seryuso habang nag-iisip kung sa akin lang ba sya ganun o ganyan lang talaga ang asal nya.

"Eywan ko ba". sabi ko sabay kuha ng bag ko at inayos ito sa tamang posisyon sa likod ko. Tumayo naman ako saka ibinigay ang kamay ko kay Karen.

"Tara na". ngiting sabi ko sa kanya. Agad naman nyang kinuha ang kamay ko, at naglakad na kami papauwi sa room namin.

Habang naglalakad kami hindi maiiwasang may mga nagtitilian. As usual, ganito na talaga ang day routine ko.

"Ang dami mo talagang fans". sabi nya sa akin.

Marami daw, luko talaga.

"Hindi naman yata". sabi ko sa kanya, habang tiningnan sya.

Lumingon naman sya sa direksyon ko at nagkatinginan kami.

"Eh anong tawag mo sa mga nagtitilian sayo? mga bashers mo?". aniya, sabay sapak sa balikat ko.

Hindi naman masakit, beside sa malaki talaga ang katawan ko eh hindi naman malakas ang pagkakasapak nya sa balikat ko.

"Oo nga no". sabi ko nalang habang patuloy kaming naglalakad papunta sa room namin.

"Luko ka talaga". sabi nya sakin habang umiling iling ang ulo nya.

Pagkaabot namin sa classroom agad naman kaming pumunta sa kanya kanya naming upoan. Habang hindi ko maiwala ang aking paningin sa mukha ni Zy. Sh*t! ang ganda talaga.

"Huwag kang masyadong pa obvious. Mukhang inuulam mo na ako sa isip mo". walang emosyong sambit ni Zy saakin habang hindi man lang ako tinitiningnan. Beside sa ganung sinabi nya, ang lakas pa ng boses nya at tila lahat nakarinig nun. Lahat namang kaklase ko nakatingin sa amin. Sh*t!!!! nakakahiya to.

"Hindi naman ako tumitingin sayo, assuming ka eh". sabi ko din sa may malakas na boses para marinig din ng lahat.

"Sus palusot kapa". siya

⊙_⊙...............Ako

Ba't parang ang dali nya lang sabihin yun? Nakakahiya kaya yun. Hindi lang ako, kundi pati sa sarili nya.

"Huwag mong iisiping nahihiya ako. Prangka lang talaga akong tao, kung alam mo yun". sabi niya pa.

Sh*ttttttt!!!!!!!!!!!!! di ko na to kaya.

(。ŏ_ŏ)

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon