CHAPTER 16

891 8 0
                                    

CHAPTER 16

GREYSON'S POV

Kumakain na kami at saka tuwang tuwa kaming nagsasaluhan, Kumakain ng may pighati, may kirot, may sakit, may saya, at iba pa. Hindi naman kasi madali ang mag-aral sa malayong lugar at hindi naman ako mayaman para iisang minuto lang akong ba byahe pabalik dito. Kung tutuosin nga, nangangamba ako baka di na ibabalik ng babaeng to, baka kasali to sa mga Modos. Naisip ko na wala ng tutulung kina Mama at Papa sa paghahanap buhay.
"Kain kapa anak". sabi ni Mama kay Zy at saka ngumiti lang ito at kumain.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nilagyan ko ng ulam at kanin si mama at papa,
"Kain po kayo ng mabuti nay, tay". lungkot na sabi ko kay mama at papa. Nabatid naman ito nila.
"Oy, para namang walang hanggan na talaga kaming mahihiwalay sayo ano kaba naman di bat ito ang gusto mo ang makapag aral dapat maging happy ka". mataas na litaniya ni mama,
"Kaya ko pong sirain ang pangarap pong iyon basta po kagustuhan ninyo". sabi ko saka,
*PPAAAAKKKKK*
Hindi ko alam pero ang sakit, Binatukan ako ni Mama.
"Yan maaabot mo pag sisirain mo pangarap mo, Hahahaha anak ano kaba naman! Dadalaw din naman sa inyo eh pag may oras". sabi ni mama, di ko alam pero masaya silang lahat, si papa, at si mama. Parang wala kang makikita sa kanilang mata na lungkot, sayang saya ito at excited pa about saaking sarili pag nakapag-aral na ako.
"Hoy ano kaba naman, dadalaw naman tayo dito sa inyo pag may time tayo na walang klase ano kaba naman". sabi ni Zy, saka ngumiti lang ako at tinapik tapik ang balikat nya.
Kumain lang kami ng kumain hanggang sa matapos, tapos na din kaming naligo ni Zy saka nakabihis na kami nung kumakain na kami.
Nasa labas na kami ng bahay namin, si Mama naman ngiting ngiti, Bakit hindi lang nalungkot si mama at papa.
"Ma, Pa, Si Kuya? pakisabi nalang po na aalis na ho ako". sabi ko sa kanila, Saka niyakap ko sina mama at papa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na ang luha ko.
*Paaakkkk*
(¬_¬)
Sama naman!
"Ano kaba naman magkikita pa tayo hoy, Sabi ni Zy ouh sha sha sha, Halika na mga anak ihahatid na namin kayo sa Daan". sabi ni mama pagkatapos nya akong batokan.
"Oy sasama ako". sabi ni papa saka naglakad na kami papunta sa hi-way hanggang sa nakaabot na nga kami.
"Mag aantay nalang tayo ng Van, saka pag nakasakay na kayo aalis na kami". ngiting sabi ni mama, pero ngayon ramdam at batid ko na ang lungkot na nararamdaman ni mama sa kanyang mga mata.
"Ma, Pa salamat". sabi ko, saka tinapik lang ni papa ang balikat ko.
Ilang minuto ding usapan ay may Van na.
"Ma ayuko nalang mag aral". sabi ko kay Mama, At papa tumulo na luha ko.
"Anak naman ehhhhh, ano kaba naman wag ka ngang magbiro ng ganyan". sabi ni mama, at napahipo nalang sya sa mata nya nang di na nya napigilan ang kanyang luha na bumagsak. Saka si Papa lungkot at saya na mukha lang ang ipinapakita.
"Ma!". sabi ko, saka niyakap ko sya at niyakap din nya ako.
"Ouh sha, sakay na kayo mga anak ang driver naiinip na yan". sabi ni mama, saka may parte ng paa ko na ayaw humakbang at may parte din naman na gustong humakbang, hindi ako sanay na mawalay kina mama at papa.
"Ma, pa, paalam". sabi ko sa kanila, at sinirado ang pinto ng Van at hinay hinay na umandar. Tinignan ko sa salamin sa likod sina Mama at Papa at si Mama ay napaluhod at umiiyak, Tumakbo si Mama pahabol sa Van at hindi nya ito naabutan dahil sa lakas ng takbo nito, ang huling linya na narinig ko habang syay tumatakbo ay ang linyang,
"Anak Mahal na mahal kita, Paalam mag ingat ka".

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon