CHAPTER 30

773 6 0
                                    

CHAPTER 30

(   BEACH    )

GREYSON'S POV

Habang naglalakad kami sa beach masaya akong tinignan sya na nakangiti at enjoy na enjoy ang buhangin sa dagat, Buhay syudad kasi sa kanila at saamin naman buhay Probinsya.
Samantalang ako naman ay nakaupo lang sa buhangin at masayang pinagmasdan sya na naglalaro sa buhangin ng dagat, Tinitignan ko ang mga tao sa paligid at may iilan tumitingin saakin, may iilan din ay hindi. Ganito na nga lang ba talaga ka pogi ako... Hahahahaha.

"Hoy!". sigaw ni Zy saakin, bigla naman akong nagising sa kakaisip at nginisihan syang tinignan, Kasalukuyan na syang nasa dagat at lumangoy langoy na.

"Ano yun?". Tanong ko sa kanya, sinenyasan nya naman ako kung gusto ko bang maligo ng dagat, pero inborn naman talaga akong hindi na adik sa dagat kasi pasimula paman mangingisda lang ako saka araw araw na akong nakababad sa dagat. Kaya tinanggihan ko nalang ito at tinignan syang nag eenjoy sa kakalangoy sa dagat.

"Hoy samahan mo ako dali, ang lamig ng dagat Grey at saka mag eenjoy ka dito". sabi nya saakin, sinenyasan ko nalang ito na siya nalang ang maligo. Alam ko na ang pakiramdam ng nagsasawa na sa dagat. Papano ba naman kasi wala sigurong dagat sa kanila, may dagat naman pero hindi beach, bawal ang maliligo kasi malalim at hindi nga beach.

"Sige enjoy mo nalang, sawa na ako dyan". ako

"May paarte arte kapang nalalaman, ang sabihin mo ayaw mong umitim tsk!". aniya

May point din naman sya, ayaw ko talagang umitim. Eh kasi sa Pilipinas kapag maputi ka attractive ka at pupurihin ka na maganda daw ang balat, pero sa ibang bansa ang kayumangging balat ay isa sa palatandaan ng kagandahan sa kanila.
Kaya nga hindi ko na malapit maiintindihan ang mundo dahil pilit nating minimithi ang mga bagay na maaaring impossible nating makuha.

Habang iniisip isip ang future, Habang inaalala ko ang aking mga ala-ala kasama pamilya ko dito sa beach na ito, babalik ang saya. Ang saya na dulot mula sa pamilya, na kahit may mga problema, hindi padin mawawala ang tiwala nyo sa isat isa, lalong lalo na yung pagmamahalan at yung hindi pagkakalimutan.. At nakaka proud lang isipin na may ina kang handa kang gabayan sa pagkamulat sa mga mata kung gaano kaganda ang pagmamahalan ng isang pamilya dito sa mundong ibabaw. Ang sarap lang alalahanin na may papa kang handang isakripisyo ang buhay para sa kanyang Asawa at Anak.

Dahil sa kakaisip ko

⊙_⊙

nanlaki ang aking mga mata nang may bumuhos ng tubig sa buo kong katawan, dapak!! Tinignan ko ito at hindi na nga ikakapagtaka, na si Zy nagloloko na naman. Humanda ka talaga saking bruha ka,
Ang mapait pa, hindi tubig na tabang ang kanyang ibinuhos bagkus tubig na maalat. Desyet naman!!!

"Dapak! ka Zy!!!!". malakas na sigaw ko saka hinabol sya papunta sa dagat, Agad naman syang lumangoy papalayo sa buhangin ng dagat at nasa dagat na sya ngayon lumalangoy papalayo saakin, Marunong din naman palang lumangoy to eh, muntikan pang mamatay dahil sa katangahang ginagawa nya sa Yati na Barko, Akalain mo yun... Lumulukso habang kami nangingisda, may net talagang huhuli sa mga paa mo duon.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon