CHAPTER 33

661 7 0
                                    

CHAPTER 33

(Die)

GREYSON'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa dilim habang minamasdan ang nasa paligid ko pero wala akong maisip na lugar kung ano itong inaapakan ko, napakadilim at saka wala man lang ni isang liwanag.
Naglakad lang ako nang hindi alam kung saan ako pupunta...
Napalingon lingon ako sa gilid, sa likod, at sa unahan nagbabakasakaling may makitang bahay.

Pero wala talaga!

"K-Kuya tulungan nyo po ako si ate po". nagmamakaawa na bata na lumapit saakin, agad naman akong sumunod sa kanya upang tignan kung napano ang ate niya.
Tumatakbo syang luhaan at saka naaninag ko ang isang ospital, at pumasok siya duon...
Agad kong sinundan ito at saka pumasok na sa pintoan ng Ospital, kagaya ng inaasahan ko wala man lang ni isang pumapansin saakin. Para akong patay at kaluluwa nalang na hindi man lang mapansin ng nasa paligid ko.

Hinanap ko ang bata at sa tuwing binuksan ko ang mga pinto ng every room ay may mga pasyente duong naghihirap!
May mga doktor na nagccpr sa iilang pasyente, may nasilipan din akong nag-aagaw buhay talaga.
Masyadong lito na ang aking isip sa kung ano itong inaapakan ko,

"K-Kuya tulungan nyo po ako!!". sigaw na naman ng bata, hinay hinay akong naglakad papunta sa room na nagmula ang boses ng bata, pag bukas ko ay nanlaki ang aking mga mata sa aking nasaksihan, H-hindi ko alam papano ko ipapaliwanag, Si-siiiii

Hindi maaari to!!!! Agad akong napahawak saaking ulo, saaking nasaksihan!
Agad na tumayo ang bata sa upoan nya at naglakad papunta saakin saka sinampal nya ako ng napaka lakas...

*PPPPAAAAAAAKKKKKK*

Gulat na Iminulat ko ang aking mga mata!!! at tumambad saakin ang mukha ni Zy, sinampal nya nga ako desyet!
"Masyado bang malakas? binabangungot ka par, bangon na dyan hindi mo na yata alam na Madaling araw na". sabi nya saakin, bago paman ako bumangon ay iminulay mulay ko pa ang aking isip kung ano yong panaginip ko subalit agad kong nakalimutan, desyet! ganto.. pala pag nanaginip. Ang bigat ng aking katawan, tila bang hindi ko kakayanin dahil sa hirap ng katawan ko.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon