CHAPTER 32

728 9 0
                                    

CHAPTER 32
(Preparations)

GREYSON'S POV

Bukas linggo fiesta dito saamin, nakalimutan kong sabihin kay Zy. Pero uuwi na din kami sa afternoon. Habang busy sina Mama at Papa sa kakaluto saaming pagkain para sa budol budol fiesta, na ilalagay sa gilid ng daan, Busy din si Zy sa pagtulong sa kanila. Naalala ko pa nung naghugas si Zy sa pinggan namin at pinigilan ko kasi nga, mayaman pero masyado ko palang minamaliit ang karapatan nya bilang isang Tao din, Hindi naman lahat ng mga mayayaman ay hindi marunong gumawa ng gawaing bahay, may mga mahihirap nga hindi marunong. Habang ako naman ay nagbabantay sa niluto kong kanin, Baka kasi masunog.
Habang pasulyap sulyap kong pinagmasdan si Zy, dun ko palang napagtanto na ang cute nya palang tignan na gumagawa ng mga gawaing bahay. Ang kanyang mga ngiti ay tiyak na nakakatunaw, Hindi ko aakalaing sa simpleng katangahan nya sa beach yun ang maguudyok saamin na magiging magkilala kami at saka hindi ko kayang tanggapin na biglang binago nya ang ikot ng buhay ko. Una ayuko pa, Pangalawa parang nadala na, pangatlo eywan ko ba kung ano na.

***

Maya maya pa,
"Grey pakikuha please yung yan, Yan at saka yan". ngiting sabi nya at tinuroturo ang mga bagay na nais nyang ipakuha mula saakin. Tinignan ko sya at saka ibinigay ang mga gamit na nais nyang makuha.

"Hindi ko alam na ganito ka pala kagaling magluto Gurl ahhhhh". Sabi ko sa kanya habang hinawakan ang beywang nya at inilugaw-lugaw ang recipe na niluto nya. Pasulyap sulyap naman sina Mama At Papa na nakangiti saamin.

"Mukhang may mga bagay yata kaming maaaring malaman Zy, at Grey?". Sabi ni Mama saamin saka tinignan kami ng parang nang-aasar ito..

"Ha? Ay wala po tita, tito".

"Wala po Ma, pero malapit na". sabi ko saka tinignan naman ako ni Zy, at tumawa ito saka sinuntok ang chest ko.

Habang busy kami sa gawaing bahay, at busy sa handaan sa Fiesta bukas... Nauna naman akong pumasok sa kwarto upang magpahinga, ang bigat kasi ng pakiramdam ko nagmula pa nang maligo ako ng dagat, Handa naman ang mga karne ng baka, at Isda duon sa kusina at si Zy naman andun lang sa salas, Pupunta lang daw sya dito pag magpapahinga na sya.
Pinikit ko na ang aking mga mata at saka Natulog.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon