CHAPTER 49

488 4 0
                                    

CHAPTER 49

THE PAST

Many years ago.

JASON'S POV

"Ma? pa? pasok na po ako". sabi ko kina mama at papa, habang hinahanap ng aking mga mata kung saan si bunso.

"Papasok kana kuya?". tanong niya sa akin,

Ayun, nakita na...
nginitian ko naman ito at sinagot.

"Oo bunso eh". dahil malambing talaga akong magsalita sa bunso namin, maiinis na naman siya sa tuno ng pananalita ko.

"Ayan na naman yang tuno ng pananalita mo, para mo na namang itinuturing na isa akong bata. Teen ager na kaya to, kung tutuosin nga ehhhh may dragon nato kompara sa sawa (ahas) mo". aniya, sabay tawa. Wala na din akong magawa kundi ang tumawa dahil sa sinabi niya.

"Ikaw talaga sige na nga, papasok na ako! firstday of school pa naman ngayon". sabi ko sa kanila saka nagmano na kina mama at Papa.

Habang brother's sign naman ang ginawa namin ni Grey.
I am grade 8 and si Grey ay grade 6.

Papasok na ako papunta sa aming school, habang naglalakad ako may narinig akong yapak na tumatakbo papunta sa akin. Kaya't nilingon ko ito.

"Oyyyy Kar!". bati ko sa kaniya habang hingal na hingal siyang sumasabay sa akin sa paglalakad.

"Okay kalang?". dagdag kong tanong, tumango tango naman ito na para bang isang aso na hingal na hingal.

"Sabay na tayo Jason". sabi niya sa akin habang ngumiti ngiti pa ito.

Sumabay na nga siya sa akin sa paglalakad eh.

"Sabay na nga tayong naglakad eh". sabi ko sa kaniya sabay tawa, tumawa din naman ito. Habang naglalakad kami papunta sa school, mayroong isang kotse na kasing kintab ng diyamante ang huminto sa harap ng gate ng school campus. Kaya't tinignan namin ito.

As usual marami na namang mga nakiki-isyuso kung kaninong kotse iyon.

"Tara na male-late na tayo". hila ni Karen saakin papasok sa school campus, habang hinay hinay niya akong napasunod hindi ko maiiwasang pagmasdan kung sino ang nasa loob ng kotse. Hindi ako nagkakamali sapagkat napakagandang binibini ang aking namasdan at nakita.

"Ang ganda shet!". sabi ko nalang, tinignan ko si Karen na nag-iba ang facial expression sa kaniyang mukha at tumingin din sa tinitingnan ko.

"Maganda nga kaso ang sama ng ugali". aniya

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko ito at binigyan ng *What do you mean look*.
Agad naman siyang nagsalita,

"Di ba saying iyan? kadalasan kasing maganda ngayon, masama ang ugali. Mas mabuti pa iyong hindi gaano kagandahan ehh ubod naman ng ganda. Hindi ba?". sabi niya sa akin habang patuloy padin akong hinihila papunta ng tuloyan sa school campus.

"Oo nga". sabi ko nalang sa kaniya, ibinaling ko na ang aking attensyon sa aming paligid at tama nga... Pareho kami ni Karen ng classroom.

"Classmate tayo?". tanong ko sa kaniya, habang nasa labas kami ng classroom. Nag-aantay na papasok, at kakatok sa pintoan.

"Yah! hindi ba obvious?". aniya, tumawa naman ako saka ginulo ang buhok niya.

"Oo na, oo na, obvious na. Ikaw naman eh". sabi ko sa kaniya, habang inaayos ko ang aking sarili, uniporme, at katawan para naman magmukhang fresh at magmukhang kalasap lasap.

Kakatok na sana ako ng pinto ng may unang kumatok at tumabi sa amin habang hindi lang naman kami tinitignan nito.

Shet!!!!! ang ganda!

Bigla namang nabuksan ang pinto saka as usual, bulong bulongan na naman ang mga tao sa loob.

'Owemgie ang ganda niya'

'crush ko na siya'

'Ang gwapo ng lalake oh'

'Oo nga ang gwapo'

'Ang hot niya'

'Maganda din ang babae oh'

Mga linyang naririnig ko kadalasan sa bibig ng mga classmates ko. Hindi ko pa naman kasi sila kilala eh, ipapakilala ko pa lang ang sarili ko sa kanila and ipapakilala din ng babaeng to ang sarili niya.

Swerte ko yata pag naging jowa ko to.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon