CHAPTER 45

584 6 0
                                    

CHAPTER 45

GREY'S POV

"Ahhhhhhhhhhhhh". Buong lakas kong ini stretch ang kamay ko, ang sakit. Parang may kumukuryente... Ilang segundo din akong napatitig at napatulala habang inaalala ang nangyari kagabi.
"Sht!! yun pala". Nasabi ko nalang nang nagsusuka ako nun saka ang sakit ng tiyan ko nun. Hindi ko na tuloy na enjoy ang gabi. Iniisip ko din bakit andito ako sa sofa nakatulog? habang inalala ko nasagip sa isip ko na tinulungan pala ako ni Zy saka dahil narin sa pagod diretso ang tulog ko sa sofa na to.
Natahimik nalang ako ng matauhan ako na walang tao sa bahay namin. Kaya ang ginawa ko ay inilibot ang aking paningin saaming bahay saka this is the day na babalik na kami sa lugar nina Zy kasi papasok na kami. Tiningnan ko ang kalangitan at napaka itim, na tila bang walang liwanag na maibubuga ang araw. Malakas ang hangin at may kunting ulan, kaya tumayo na ako at hinahanap sina Mama at Papa.
Dahil tila walang tao naman sa bahay, naglalakad ako ngayon papunta sa beach para tingnan ang mabuting tanawin ng dagat. Naglalakad ako ng wala man lang akong nakitang mga tao na naliligo, siguro dahil sa panahon. Pero may mga sigawan akong narinig na nakakuha ng aking atensyon.

"Ano ba!! Tama na, tapos na tayo di ba? tapos na tayo. Wala ng tayo. Wala na!!!".

⊙_⊙.........Ako

Biglang gumuho ang aking damdamin ng marinig ang boses na iyon. Biglang gumuho ang aking damdamin nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari sa mga boses na iyon. Sa likod ng aking nararamdaman, hindi maitatago ang katotohanan na matagal ng nakakubli saaking likoran. Hindi ako makapaniwala, hindi ako makapaniwala. Nanghina ang aking mga tuhod at nanghina ang aking katawan. Bumagsak ang aking mga luha at hindi matanggap ang anong nasaksihan.
Bakit niya iyon hinalikan? Bakit? Akala ko ako lang, Bakit!

"Zy, alam mo naman di ba kung gaano kita ka Mahal, alam mo naman yan di ba. Pilit naman kitang kinalimutan eh kaso bakit yung kapatid ko pa. Bakit siya pa? ginagambala mo ang isip at damdamin ko, Zy bumalik kana saakin, naalala mo pa yung mga tawanan natin. Yung kilig mo na nakakapagpaligaya saakin? Naalala mo pa yon? Zy naman eh". Mataas na litaniya ng lalake, Lalake na aking kapatid. Si Kuya Jason, bakit ganito? Bakit ganito? Anong nangyari? Kumirot ang aking puso at gumuho ang aking damdamin.
Bakit ganito? Bakit?!

"Hayop kayo!!!!!". Malakas na sigaw ko habang tumutulo ang aking mga luha, nababalutan ng poot at galit ang aking puso na tila walang tao ang makakapawi nito. Agad akong tumakbo papunta sa bahay at pumasok sa kwarto... Tangna!!! Napaka gagu ko, napaka gagu ko. Bakit napaka gagu ko!!!!

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon