CHAPTER 58

560 10 0
                                    

CHAPTER 58

(THE PRESENT: ZY, KAREN, AND GREY)

IZZY'S POV

"G-Grey?". nauutal na sabi ko habang patuloy akong umiiyak na nasaksihan, ang mga naganap ngayon. Hinalikan ni Grey si Karen. Hindi ko na to kaya, hindi ko na to kaya.

"Ano na? di ba ganito yung panloloko na ginawa nyo ng kuya ko kanina, bakit parang apektado ka Zy? alam mo Zy. Ang sakit sakit lang na makita kang naglalandian kayo ng Kuya ko, Zy naman ehhhh. Alam mo namang mahal na mahal kita". sabi ni Grey sakin habang hindi na niya mapigilang maibuhos ang mga luha nya.

"Zy naman, mahal na mahal kita Zy. Pero bakit nagawa nyo yun? bakit Zy, Bakit!!!". aniya,

Grey. di mo kasi naintindihan, hindi mo naintindihan!

"You dont understand Grey, please let me explain". iyak na sabi ko sa kanya.

"Ano? hindi ko naintindihan, bakit? dapat bang intindihin na naghahalikan kayo ng Kuya ko? Ha?? ano bakit? dapat ba yung intindihin!!!!". malakas na singhal nya sa akin.

Habang patuloy syang umiiyak, ang mga mata ko din ay punong puno na ng luha.

"Grey!! listen to me".

Nanlaki ang aking mga mata nang magsalita si Jason sa likod ko. Tiningnan ko ito ng masama pero, walang ekspresyon ang mukha nito.

Maya maya pay bumuhos na ang malakas na ulan habang kaming lahat ay basang basa na.

"Hindi nyo na kailangang mag explain kay Grey". sabi ni Karen sa amin.

"Bakit Karen? takot kang malaman ang katotohanan?". tugon ni Jason kay Karen.

Wala namang emosyong tiningnan ni Karen si Jason.

"Siguro tama nga si Karen, you dont have to explain to me. Sapat na yung nakita ko sa inyo. Mga malalandi kayo". sabi ni Grey sa amin.

Habang patuloy ang kulog, kidlat, at ulan sa ibabaw namin. Patuloy akong nagdurusa, hindi lang dusa between kay Grey but mga pagdurusa na nagmula pa kay Karen na dati kong bestfriend. Na ngayoy kaaway ko na.

Pagdurusa na nagmula kay Jason na dati kong Boyfriend.

At pagdurusang napakasaklap na nangyari sa amin ni Grey. Ang tangi kong minamahal.

Habang patuloy ang aming pag uusap, habang patuloy ang aming iyakan. Habang patuloy ang pagpatak ng ulan. Habang patuloy ang lahat ng bagay. Lubos akong nasisiyahan dahil binigyan ako ng oras ng Panginoon na minsay masilayan at matikman ang magkakaroon ng kaibigan, at boyfriend sa mga taong lubos kong iniibig.

"Grey, alam mo.. Huwag kang dali daling magbigay ng masasakit na salita kay Izzy". sabi ni Jason kay Grey.

Napahawak naman sa ulo si Grey saka pinuntahan si Jason, at hinawakan ang kwelyo nito.

"Bakit? dahil mahal mo? Inagaw mo ang dapat para sa akin? Ha?? ano na!!! sumagot ka!!! Gagu ka pala ehhhhhh". malakas na sigaw ni Grey kay Jason, pero kahit kailan hindi nagpadala sa galit si Jason. Kaya maya mayay biglang nagbago ang templa ng situasyon nang sinabi ni Jason ang lahat.































"Bunso? Naalala mo pa ba. Yung sinasabi ko sayong babae na papakasalan ko? Sinabi mo pa sa akin na excited mo syang makilala. Excited mo syang magiging kaibigan. Naalala mo pa yung sinabi mo sa akin, kung nasaan na sya? Tapos nginitian lang kita. Dahil alam kong, hindi ko na sya magiging asawa pa. Si Izzy yun, si Zy yun! bago ka pa nya nakilala. Nakalista na ako sa puso nya noon. Kaya Please Grey, tama na. Huwag mo na pang saktan si Izzy". mataas na litaniya ni Jason kay Grey.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon