CHAPTER 21

774 13 0
                                    

CHAPTER 21

GREYSON'S POV

Kahit kailan billyonarya talaga tong babaeng to, napaka yaman talaga. Tinignan ko ang bahay nila na mala mansyon at walang wala lang talaga ang bahay ng ibang mayayaman na nakilala ko, Pati mayor na inaakala kong napakayamang tao na nakilala ko wala lang sa bahay nina Zy...
*PPPPPAAAKKKKK*

Rinig kong tunog saaking braso ng sinapak nya iyon,

"Ano ka ba malapit mo na akong patayin".  sabi nya habang itinitwist ang kanyang leeg, mukhang nabali yata...

"Nabali?". tanong kong inosente habang itinuro ang leeg nya, tinignan nya naman ako ng masama, saka

"Nakakainis ka!!!!". malakas na sigaw nya saka hinabol ako, tumakbo naman ako papunta sa loob ng bahay nila, para na din akong anak ng mga magulang nila, Nararamdaman ko ang pagaaruga ng kanyang mga magulang.
Mabait sila at maawain,
Tita at tito lang tawag ko sa kanila...

"Tita si Zy oh!". sabi ko kay tita habang kumakain ng snacks sa lamesa,

"Oy bakit napauwi kayo di ba may pasok pa kayo sa oras nato?".
tanong niya habang tinitignan akong tumatakbo sa bahay nila na hinahabol ni Zy,

"Si Zy po kasi eh...". sabi ko nalang saka tinignan naman ni tita si Zy,

"Ano Zy? bakit kayo napauwi?". tanong ni tita,

"Kasi...". pag aalinlangan na pagsagot ni Zy sa mama nya, tumingin naman saakin si Zy para syang nahihiya sa mama nya, ngumisi ako at bigla namang sumama ang mukha nya, alam nya na siguro ano ang gagawin ko,

"Kasi po Tita, nireregla sya direct to the point ang dugo nya kaya tumambad sa pwetan". sabi ko kay tita saka napatawa naman si tita, at hinabol na naman ako ni Zy,
"Kahit kailan talaga di ka mapagkakatiwalaan!!". inis na sigaw ni Zy saakin habang patuloy nya pa din akong hinahabol,
"Checkmate! Panalo ako sa pustahan natin anak, sabi ko sayo rereglahin ka ngayon eh..  maniwala ka nga kasi sa sinasabi ko". sabi ni tita kay Zy habang ngiting ngiti ito, kaya pala ayaw nyang sabihin sa mama nya ang dahilan kasi may pustahan sila..

"Tita ano pustahan nyo?". pagtatanong ko, napangisi naman ito saka inayos ang buhok at humigop muna ng juice,

"Truth or dare kasi ehhhh, hahaha Dare pinili nya kaya lang in one condition if sakto ang hula ko na rereglahin sya ngayon, Sasabihin nya kung sino ang mahal nya". sabi ni tita, hindi ko alam pero parang may isang bagay na gumagambala saaking kaloob looban, natatakot ako na malaman kung sino, at kinakabahan ako.. Hindi ko alam anong nangyayari, bakit ka nagkakaganito Grey!

"Kailan daw nya dapat sasabihin tita?". walang emosyong tanong ko sa kanya napangiti naman ito saka tinignan si Zy habang nakasimangot na tinitignan kami,

"This coming Dinner". sabi nya saka hindi ko alam bakit mas lalong kumabog ang dibdib ko at kinakabahan ako,
Ito na kaya ang senyales ng aking nararamdaman? Bakit tila nagbago ang ihip ng ating pagtatratuhan, hanggang kailan ko itatago ang aking kinikimkim na katotohanan, Hanggang kailan mo malaman na iniibig kita sa lahat ng kababaehan, naway makita mo naman ang halaga ng aking pakikipagkulitan, naway akoy iyong mahalin at huwag saktan, akoy isang lalake lamang na nabighani sa taglay ng iyong kagandahan. Akoy isang mahirap lamang na hindi mo magugustohan.

When Miss Billionaire accidentally Inlove to Mr. FishermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon