Jazz "Explore"

3.2K 50 0
                                    

ChapterOne

Sa maliwanag na pangalan ng music bar tumutok ang mata ni Jazz.Nakatayo siya sa tapat ng Muzzika,isang kilalang music bar sa Corazon na itinuro ng Lola Lissa niya.Ayon sa landlord ng guesthouse kung saan siya tumutuloy,kung gusto niyang mag-relax,doon siya pumunta.May bandang tumutugtog at may acoustic singer daw na dinadayo roon ng ganoong araw.

Wala sa plano ang pagpunta ni Jazz sa Muzzika.Ilang oras na siyang nasa labas at walang maisip puntahan sa hindi pamilyar na lugar na iyon.Hindi niya halos matandaan ang mga inirekomendang pangalan ng Lola Lissa niya na dinarayo raw ng mga turistang nagiging guest nito sa bahay.

Magulo pa rin ang kanyang isip.Hindi rin niya alam kung ano ang talagang gusto sa Corazon---ingay ba o katahimikan?Ang sigurado lang ni Jazz,gusto niyang magpakalayo-layo.Gusto niyang takasan ang sakit.Huming siya ng malalim.Tumingala sa maaliwalas na kalangitan.

Tahimik ang lugar maliban sa tunog ng mga sasakyan sa kalsada.Sa guesthouse na tinatuluyan ay sinisigurado ng Lola Lissa niya na wala ang mga tunog na iyon sa hatinggabi.Ang guesthouse na napili niya ang paboritong tuluyan ng mga turistang katahimikan ang hanap sa pagpunta ng Corazon,ayon sa lanlord.

"I'm not a prison!Spare me of that nonsense safety you're talking,Mama Zelina.Hindi pa ba sapat ang isang taon na ikulong niyo ako sa bahay na 'to?Kailangan ko ring hanapin ang kapalaran ko,"galit na katwiran ni Jazz sa kanyang ina nang magpasiya siyang kausapin ito ng gabing iyon.

"Kung iyon ang gusto mong mangyari.Sige,umalis ka!Bumalik ka sa Pilipinas.But whatever it takes be prepared,"ani Zelina sa kanyang anak.

"Puwede ba?Paulit-ulit nalang kayo.I will take responsibilities.And now,I need to move on for my life.Ganito ka rin noong dalaga ka di'ba?Sinuway mo si Great-grandpapa Arturo!"

"Ibang usapan ang akin at saiyo.Hindi pareho ang tatahakin nating landas,"Zelina said with pain.

"What do you mean?It's not the same?Tinggnan mo nga 'tong ginagawa mo ngayon sa akin?Hindi ba itinutulad mo ako sa nangyari saiyo,sa sarili mo.Tapos ano?Takot kang umuwi ako ng Pilipinas dahil baka patayin ako nang mga taong galit saiyo,itatapon sa bundok,magkaka-amnesia,mabubuhay at maghihiganti!That's all bullshit story of yours!"Jazz shouted to her Zelina.

Hindi napansin ng dalaga na napalakas na pala ang tono ng boses niya kaya naman natauhan lang siya nang maramdaman sa pisngi niya ang pagsampal ng kanyang ina sa kanyang pisngi.Napahaplos siya doon.It was the first time na may sumampal sa kanya at ang kanyang ina pa.

"I-I'm sorry hindi ko sinasadya,"ani Zelina sa anak at saka agad na hinawakan ang balikat nito ngunit tinabig lang ni Jazz.

"Now,it's over!Sumusobra ka na!Kayo,sa akin!Makasarili kayo!Sinira niyo ang pangarap ko at ang pag-ibig ko.Itinago niya ako sa mundo na puno ng inyong pagkakamali!Aalis na ako at hindi niyo ako mapipigilan.Don't try na ipasundan mo ako at ipahanap kundi magkakalimutan na tayo!"

Sa galit ay hindi napansin ni Jazz na lubos pala niyang sinaktan ang kanyan ina.Halos dinurog niya ang puso nito at winasak ng mga masasakit niyang sumbat.Pero anong magagawa niya kung iyon lang ang pagkakataon para makatakas siya ngayon sa kanyang madilim na mundo.

Nanatili siyang nakatitig sa maliwanag na pangalan nang music bar.Iyon ang huli nilang pagtatalo ng kanyang ina bago naisipang bumalik ng Pilipinas.Malabo na na magkasundo pa sila.Nilingon niya ang kalsada ngunit hindi muna siya tumawid ng kalsada.

Bigla siyang napa-isip sa sarili kung tama ba ang ginagawang iyon--na mag-isang gumala sa lugar na hindi siya pamilyar.Mula sa States,nag-alsa balutan siya papuntang Corazon--lugar na sa ibang pagkakataon ay hindi niya napipiliing puntahan.Bigla ay hindi na siya si Attorney Jazz Ocampo--isang matalino at kilalang abogado na tagapagtanggol ng mga na aapi.Na kahit minsan ay hindi nag-out of town nang mag-isa.

Pangarap niya noon na maging abogada?Tama.Dahil maprinsipyo siya at gusto niyang siya ang tutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.At nang makilala niya si Jack noon nineteen siya,naging pangarap na rin niya ang maging bride siya ng lalaki.

Si Jackson Brix....

Mas ramdam ni Jazz ang parang batong nakadagan sa kanyang dibdib at hindi naalis.Paulit-ulit na siguro niyang naitanong sa sarili kung bakit sa kanya nangyari ang masakit na karanasang iyon.

Si Jackson Briz,ang lalaking nagturo sa kanya kung paano umibig.Ngunit ito rin ang nagturo sa kanya kung paano niya ito kakalimutan.Ang inaakala niyang lalaking laging nasa tabi niya tuwing kailangan niya ito pero ito rin pala ang magtuturo sa kanya kung paano ang mapag-isa.

Sa isang taon....ay umasa siyang babalikan siya ng binata.Umasa siyang pupuntahan siya nito sa States.Yayaing umuwi sa Pilipinas.Magpapakasal at bubuo  ng masayang pamilya,magkakaroon ng anak.But it was only part of her imagination.

Wala siyang mahanap na paliwanag mula kay Jack.Wala na rin siyang narinig mula sa lalaki pagkatapos nilang maghiwalay ng landas.Hindi na niya ma-contact ito at nilayuan na rin siya.Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang mga magulang niya sa pagkawala ni Jack sa buhay niya.She was absolutely sure with it!Siya mismo ang tutuklas.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon