Monster Brix task!

417 20 2
                                    

Chapter Eleven

"I just drop by to check if you've already found what I've been looking for,"sabi ni Brix.

"For your information,Sir,ako ang naghahanap at hindi ikaw,"sarkastikong sabi ni Jazz.

"Alam mo ikaw,I thinking of doing something with your sharp little tongue,"anang binata na itinutok ang tingin sa kanyang bibig.

Napasinghap si Jazz dahil sa ginawa nito.Hahalikan ba siya ni Brix para patahimikin?
Hindi!Ayoko!umiiling na sabi niya sa sarili.

"Ano'ng iniiling mo?Scared?"pang-aasar ni Brix.

"There is no way your lips are going to touch mine!Ano ka hilo?"sigaw ni Jazz.Napangiwi siya nang mapagtanto na sinigawan niya ang binata.Kahit na may misyon siya ay kailangan pa rin niyang maging sekretarya nito.Ibig sabihin ay kailangan pa rin niya itong galangin kahit papano.

"What?"kunot-noong tanong ni Brix."Why would my lips...Oh, you flatter yourself to much, Trouble.You're not my type.And just so,you're not even attractive,"deretsong sabi nito dahilan para uminit ang dugo ni Jazz.Lalo na't narinig niya ang itinawag nito sa kanya.

"Trouble,huh?What cute pet name.Na-touch ako,Sir,"Monster.Inismiran ni Jazz ang binata.

"Hindi ka puwedeng mag-lunch hangga't hindi mo nahahanap ang invoice na 'yon.You want this job so badly, right?Then, be efficient,"ani Brix bago tumalikod at umalis sa lugar na iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Jazz dahil sa sinabi nito.Nagugutom na siya!"Argh! Nakakainis talaga siya!Letseng monster na 'yon!Humanda ka sa akin mamaya,"naiinis na sigaw ni Jazz nang mawala si Brix sa paningin niya.

Huminga nang malalim si Jazz,saka muling hinarap ang isang tambak na mga box na kailangan niyang kalkalin para mahanap niya ang invoice na pinapahanap ni Monster Brix.Dahil nakakalat sa sahig ang mga kahon ay hinubad niya ang kanyang sapatos para makapaghanap ng maayos.

Isang oras na ang dumaan, pakiramdam ni Jazz ay wala na siyang enerhiya.Tapos na rin niyang himayin ang lahat ng kahon ngunit hindi pa rin niya nakikita ang invoice na pinapahanap sa kanya ni Brix.
Nanghihinang umupo siya sa isang kahon.Mayamay ay biglang tumunog ang cellphone niya.Nakita niya ng pangalan ni Bea sa caller ID kaya agad niya iyong sinagot.

"Bea?"

"Oh,my gosh!I'm so happy, ate Jazz!Kasaby ko mag-lunch si kuya Brix kanina.And guess what!?Halos maputol ang litid niya sa leeg habang nagkukuwento siya tungkol sa'yo.He said something about your encounter sa resort.At grabe,inis na inis siya sa'yo.Sarkastiko ka raw,bastos,walang respeto,bakit daw ikaw pa ang kinuha ko.I told him you were perfect for him.Kaya galit na galit din siya sa akin ngayon.So,a job well done,girl.Keep it up!"natutuwang bungad ni Bea.

So,natatandaan pala siya ni Jack?

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko.Nasa-satisfy ko rin naman ang sarili ko sa pang-iinis sa kanya,"sagot naman ni Jazz.Iyon nga lang,gutom na gutom na siya.

"Bakit parang nanghihina ka?Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Bea.

"Gutom na gutom na ako.Hindi pa ako kumakain ng lunch kasi may pinapahanap pa sa 'king invoice ng HP ang Monster Brix na 'yon!Nahalughog ko na ang buong stockroom ng Finance pero hindi ko pa rin nakikita ang invoice na dated pa last year," kuwento ni Jazz kay Bea.

"I'm sorry,ate Jazz.Hayaan mo,padadalhan na lang kita ng pagkain sa office n'yo.At,tingnan mo sa office ni Kuya ang pinapahanap niya.Baka nandoon lang 'yon at pinapahirapan ka lang niya para ikaw ang sumuko,"ani Bea.

Oo nga,'no?Bakit hindi ko naisip 'yon kanina?

"Thanks,Bea!Sige.Tamang-tama dahil ang sabi niya sa'kin ay may meeting daw siya sa labas after lunch.Mahahalughog ko ang buong opisina niya,"ani Jazz.

"Hindi ka niya kasama?"

"Hindi naman daw niya ako kailangan do'n.Sa resort concerns daw."

"Okay.Good luck,ate Jazz!By the way,I like the way you call him, Monster Brix,"natatawang sabi ni Bea sa kabilang linya bago pinutol ang tawag.

Bagay naman sa kanya 'yon,sa loob-loob ni Jazz.Pumanhik siya sa opisina ni Brix at hinanap sa desk nito ang 'nawawala' raw kunong invoice.Tama nga si Bea dahil nandoon lang pala iyon sa desk ni Brix.Muntik nang lamukusin ni Jazz ang papel nang maisip na pinag-trip-an lang siya ni Brix.Pero inisip na lang niya na gantihan ang binata mamaya.

Nang lumabas si Jazz dala ang invoice para bumalik sa kanyang desk ay nagulat siya nang makita ang isang taong kinaiinisan niya mula pa noong unang magtagpo sila.Si Sonia Sanchez---na hanggang ngayon ay dala-dala parin nito ang family surname ng papa niya.Ang kanyang female mortal enemy.

What a small world,talaga.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon