Epekto ng Alak

419 29 3
                                    

Chapter Eighteen

Hinilot ni Jazz ang sentido nang maramdaman ang bahagyang pagkirot niyon.Naalala niya muli ang halikang naganap sakanila ni Brix.Samantalang nakalimutan na nga niya iyon kagabi.And going back about what happened last night is she fall asleep in Brix car until morning and shit lang talaga dahil nangawit ang buo niyang katawan mula sa kanyang posisyon at ni hindi man lang siya inabalang gisingin ng binata o di naman kaya ay dinala sa mumurahing hotel.And the most worst part is ang sinabi nitong nilawayan niya ang upuan ng kotse nito.

"Hindi ka man lang ba magte-thank you,"ani Brix.

"For what?"sarkastikong sabi ni Jazz."For letting me slept in your car?Hoy,excuse me lang,ha....."

"Tat-tarat-tat-tat....boom....boom...bang!"putol ni Brix sa sasabihin pa niya.Nakakunot-noong binasa ang ekspresyon ng dalaga.
"Ganyan ka ba talaga?Mahirap magpasalamat."

"Bakit?Did I ask you to help me?Ikaw tong 'yung nagmalasakit 'kuno,"aniya."At saka malay ko ba na habang himbing na himbing pala ako sa pagtulog diyan sa kotse mo,eh,pinagpi-piyestahan na pala ng mga mata mo ang katawan ko.In short,boso!"

"You know what..ang sarap talagang turuan ng leksiyon yang pagiging bungangera mo,eh,"ani Brix na nakangisi sa kanya habang nakatingin sa labi niya.

Biglang kinilabutan si Jazz sa narinig.Dali-dali siyang nag-out at binagtas ang daan pauwi sa kanyang condo.Hinatid siya ng binata doon.Kung paano nito nalaman kung saan siya nakatira ay dahil maimpluwensiya ito sa loob at labas kaya hindi na siya nagtataka pa.Habang naglalakad ay may mga yabag na nakasunod sa kanya.Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad.Ngunit pabilis rin ng pabilis ang lakad ng sumusunod sa kanya.Huminto siya at hinarap ito.

"What do you want?"buntong-hininga niyang tanong ng mahulaang si Brix nga ito.

"I just need a cup of coffee before I go,"anito na humikab pa.

"Just one cup of coffee and you leave,"ani Jazz.Ayaw na niyang makipagtalo pa sa binata.Feeling niya ay may hang-over siya ng mga sandaling iyon.Gusto rin niya ng mainit na kape.Pinagtimpla niya ng kape ang binata at ganun din ang sarili niya.At nang maubos na nang binata ang kape nito ay nagpaalam na ito sakanya.Hinayaaan na niya itong umalis.Lalo na't sumasakit na ang ulo niya.Dinaan na lang niya sa ligo.Mayamaya pa ay nagbihis na siya ng pang-alis.

"Nakakainis!Bakit hindi ko ba naman kasi makalimutan 'yon?Kasalana ko ba 'yon?Lasing kaya ako kagabi.Kung hindi niya ginawa 'yon...Argh!Why it's bothering me,eh,hindi naman dapat.Jackson Brix,get out of my mind!"naiinis na sabi ni Jazz sa sarili bago tinampal-tampal ang kanyang mukha.

Napatigil si Jazz sa paglalakad patungo sa kompanya ni Brix.Naging lutang na naman siya habang pilit na sumisiksik sa kanyang isip ang nangyari sa pagitan nila ni Brix sa elevator.Bumalik siya roon ngayon dahil kay Bea.Balak niyang isauli ang tseke na ibinayad nito sa kanya na hindi pa niya nae-encash.

Eksakto namang nagbayad na ang kaklase ni Jazz na may utang sa kanya kaya nabayaran na niya ang renta ng bahay at may sapat na allowance na rin siya sa paghahanap ng bagong trabaho.Hindi na dapat kunin ni Jazz ang pera ni Bea dahil hindi niya nagawa ang usapan nila.Isang araw lang ang naging trabaho niya kay Brix at wala siyang balak pang lumapit dito.Kung anuman ang plano pa ni Bea ay hindi na siya makikialam.

Ano'ng nangyari na siya ang susuko at hindi ikaw,tanong ng isang bahagi ng isip ng Jazz.

Mayamaya ay natigilan siya nang nakaramdam siya ng inis sa kanyang sarili kaysa kay Brix ngayon.Bakit nga ba siya nagpapaapekto sa ginawa ni Brix gayong halik lang naman iyon?Hindi naman ito ang first kiss nila?

Dahil siya ang best kisser na nakahalikan mo,anang pilyang bahagi ng isip.

Namura ni Jazz ang kanyang sarili.Walang ginawa kundi sawayin ang isip na huwag nang alalahanin pa ang nangyaring "kissing scene" nila ni Brix.Pero nagpupumilit talaga iyong sumiksik sa kanyang isip.Pero nanalo pa rin nag isip ni Jazz at hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari.Kung bakit ba naman kasi tinraidor siya ng kanyang katawan at tinugon ang halik ni Brix.

Napagtanto ni Jazz na hindi pala talaga madaling kalaban si Brix dahil ito lumalaban ng patas.That time,he used his skill--in kissing---and his charm to melt down her defenses.
He's dangerous to my heart,ani Jazz sa sarili.Reasons,reasons.
"Ah, shit! Nakakainis na talaga!Focus,Jazz,focus!"
He can't invade my heart.Hindi ko siya hahayaan,sabi pa niya sa kanyang sarili.

Huminga nang malalim si Jazz bago itinuloy ang paglalakad papasok ng building.Nai-text na niya si Bea kanina at sinabi niyang pupuntahan ito roon kaya siguro hindi na siya hinarang ng dalawang guwardiyang nakasaksi sa "frame-up" na ginawa ni Brix.Baka naabisuhan na ni Bea ang mga guwardiya.Kaya nagdere-deretso na siya sa opisina ni Bea.

See?Dapat ay nagagalit ako ngayon kay Brix dahil sa ginawa niya pero bakit....Argh!Erase!Hindi ko na nga pala siya dapat isipin,ani Jazz sa sarili.

"Ano'ng ginagawa ng isang magnanakaw dito?"bungad sa kanya ni Sonia nang makarating siya sa HR department.Pinagtinginan tuloy siya ng ibang taong naroon.Gagawin talaga ni Sonia ang lahat para mapahiya siya at masira sa ibang tao.

"Magnanakaw ulit,"sarkastikong sagot ni Jazz,saka niya nilampasan ang babae---pati na rin ang hilera ng mga aplikante roon at dumeretso sa opisina ni Bea na hindi niya pinapansin ang pagpigil sa kanya ni Sonia.

"Ang lakas naman ng loob mong bumalik dito.Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang matapang."

"Malakas talaga ang loob ko dahil malinis ang konsensiya ko!Baka nakakakalimutan mo kung sino sa 'ting dalawa ang magnanakaw dito?"pataray na sabi ni Jazz.Saka minulugatan ng malaki ang dalaga.

"I'm not a thif!Wala akong ninakaw sa'yo!"ani Sonia.

"Talaga? Wow,ha!"nang-uuyam niyang sabi."Sabihin mo sa kanila na isa kang impostor dito!Isa ka lang extra at sampid.Dahil ang pagkatao mo bulok!Ang estado mo sa akin 'yan.Pagkatao mo akin din 'yan.Pasalamat ka nga pinaubaya ko na sa'yo!You can bring that to hell!Hindi ko na kailangan 'yan,uy,"ani Jazz.Saka taas noong binagtas ang hall papunta sa opisina ni Bea at iniwang nakakanganga si Sonia.

Pero nakaramdam siya ng habag nang makita ang anyo nang dalaga.Matalim na mata ang sumalubong sa titig niya at tila hindi ito mag papatalo sa kanya.But still,she need extra careful.
Kung bakit pa kasi nadagdag ang impaktang 'yan sa problema ko!Kasabwat kaya siya ng mga magulang ko para guluhin ako.What the hell is wrong in this world?Kahit saan talaga may kontrabida,eh.Puwede bang mawala muna sila at love life ko naman ang ayusin ko."What?Ano ba 'tong naiisip ko,"ani Jazz.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon