Sonia's felt guilt

466 27 3
                                    

Chapter Twenty-Six

Lumabas ng opisina si Jazz dahil hindi niya matagalan ang ngising ipinaparanas sa kanya ni Brix.What kind of monster is inside of him?The hell!Jerk.Dahil sa layo ng tinatakbo ng isipan ng dalaga ay hindi niya napansin ang bulto ni Sonia.Sadyang tila siya ang inaabangan nito.

"So you're back from work?"salubong ni Sonia kay Jazz nang makalapit na ito sa kinatatayuan ng dalaga.

"Is there any problem that I'm back?"sarkastikong tanong ni Jazz.Saka kumuha ng malinis na tasa sa may tray para paglagyan ng kape.

"The problem is you?"turo ni Sonia sakanya."Masyado ka kasing pa-bida,alam mo ba 'yon?"

"Bakit?Ano bang kinaka-problema mo sa'kin?Hoy!Sonia,wala akong problema sa'yo kaya tigil-tigilan mo ako dahil hindi talaga kita uurungan,"mataas na boses na sabi ni Jazz kay Sonia."Atsaka,hindi ako pabida-bida dito!Matalino lang talaga ako."

"Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nagkaletche-letche ang buhay ko!"ani Sonia na may pagngingitngit sa kanya.

"Hoy,teka lang babae?Dapat linya ko 'yan.Nagkaletche-letche ang buhay ko magmula ng magpalit tayo ng estado.Maganda pa naman n'ong umpisa eh,but when they out found out na ako ang biological daughter ng kinalakihan mong mga magulang my life started to ruined and you are one of the reason too!"hindi napigilang sumbat ni Jazz sa rito.

"Why would you say that?You must be thankful Jazz dahil nakilala mo ang mga tunay mong magulang.And one more thing.Rich kid kana.Lahat ng kompanya ng mga Magno ay pinama sa'yo,like the Magno Tower.So,you must be thankful with me dahil kung hindi sa'kin wala ka sa kinalalagyan mo ngayon,"nakangising sabi ni Sonia kay Jazz.

"Tulad nang arrangement wedding niyo dapat ni Nicoh na hindi naman dapat mapunta sa'kin?'Yon ba ang gusto mong maging thankful ako saiyo?Ang makasal sa anak ng busines partner ni Papa David na dapat ikaw ang ikakasal sa kanya!?But you see,my life need to turned out to be a good girl-daughter.Pero sympre,hindi ko matatanggap ang ganoon na kalakaran sa negosyo.So,I run away and hide,"mahabang paliwanag ni Jazz.

"Oh,I didn't know that your life turned out to be sucked!Samantalang ikaw ang tunay na prinsesa sa ating dalawa.A living royal princess actually.Pero tingnan mo nga naman.. tsk...ang malas mo parin pala.Hindi lang pamilya kundi pati sa lovelife."mapang-insultong sabi nito.

"So,what are you doing here anyway?Huhulaan ko?"ani Jazz."Nandito ka para paghigantian ako,hindi,'ba?Para ano?Siraan ang buhay mo.Kung ako saiyo babalik na lang ako sa Japan para mag-enjoy.
Wala kang mapapala sa'kin,Sonia, pareho lang tayong biktima dito."

"Shut up!"malakas na sigaw ni Sonia."Alam kong wala akong mapapala sa'yo pero isa ka rin sa mga dahilan kung bakit nasira ang buhay ko!Gusto ko ring sirain ang buhay mo,Jazz.Gusto kong maranasan mo ang mga sakit na naranasan ko katulad ng mawalan.Ang itakwil,itaboy,at kalimutan...ang mag-isa!"

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon,Sonia.Matagal na akong mag-isa.I leave them as you wish.I can live my life without them.At ang mga kayamanan na ipinamana nila sa'kin hindi ko 'yon kailangan.If you want,I can return it back to you.Pero isa lang ang hindi mo puwedeng angkinin sa akin Sonia...ang pagkatao ko!"

"How about Nicoh?"tanong ni Sonia.

"Marry him If you want,"nakangising sabi ni Jazz.

Ikakasal na sila dapat ni Nicoh sa Amerika pero labag naman sa kalooban niya ang pakasalan ang lalaki.Mabait at guwapo naman ito.Pero hindi ito ang lalaking gusto niyang makasama pang habang-buhay.Iba ang sinisigaw ng kanyang puso't isipan.Kaya nagdesisyon siyang umalis sa poder ng kaniyang mga magulang at namuhay mag-isa.Malaya at nagagawa ang lahat nang naisin.

Bakit naman siya pakakasal sa lalaking hindi naman niya mahal?Bakit naman siya magpapakasal nang dahil sa kasunduan lang?Jazz never accepted it kaya siya umalis at nagpakalayo-layo.'Yong tipong nagtago siya sa pinakasulok- sulukan nang Pilipinas para walang sinuman ang makakasunod sa kinaroroonan niya.

Pero tignan mo nga naman talaga ang tadhana.Pinagtagpo pero pinaghiwalay..Pinagtagpo muli pero may pag-asa pa kaya?Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang lalaking matagal nang tinitibok ng kanyang puso.Ang lalaking nagpatibok muli sa kanyang puso si,Jackson Brix....his first and last romance.

Speaking of the devil ay malakas na tawag ni Brix sa pangalan niya ang umalingawngaw sa hallway ng opisina.Mabalis pa sa alas quatro siyang nagtungo sa opisina ng binata.Mukha kasing natataranta ang boses nito at kinakabahan.Pagkakita niya sa binata ay hingal at pawisan ito kahit na malamig naman sa loob ng opisin dahil sa aircon.

"Yes,Sir.M-may problema ba?"nalilitong tanong ni Jazz kay Brix.

"Jazz..I just received a call from the hospital.Your parents got a car accident.Critical ang condition nila.50/50,"walang pakundangang sabi ni Brix sa kanya.

Tila nag-echo sa tainga ni Jazz ang huling salitang binitawan ni Brix.Critical condition?50/50?No! Napangiwi nalang siya.Tumigil bigla ang pag-ikot ng mundo para kay Jazz.Mainit na likido ang biglang bumagsak sa kanyang mga mata.
Imposible!Imposible!anang isang bahagi ng kanyang isipan.

"Sabihin mong nagbibiro ka lang.Sabihin mo,!"nagsusumamong sabi ni Jazz sa binata.Ngunit iling lang ang naging sagot nito at doon tuluyan na siyang napahagugol.Dinamayan siya ni Brix,niyakap at tinapik ang kanyang likod upang pakalmahin ngunit suntok lang ang kanyang iginanti sa binata.

"Bakit?"tanong ni Jazz."Is this the
price I need to pay?Tell me!?Masama ba akong anak para parusahan ng Diyos ng ganito?Masama ba..ako!?"pagsisisi ni Jazz sa sarili."Kasalanan ko ang lahat nang 'to!Ako ang may kasalanan,"patuloy niyang paninisi sa sarili.

"Sssshh...tahan na.Nandito lang ako."Brix sweet voice make her calm."Wala kang kasalanan Jazz.Aksidente ang nangyari.Ayusin mo sarili.Pupunta tayo sa hospital ngayon din,"anito.

"Sasama ako,"ani Sonia.Sumunod pala ito sa kanya."H-hindi ako mangugulo.I just want to see them."

Isang ngiti at tango ang iginawad niya kay Sonia bilang
pagsang-ayon.Nagmamadali nilang nilisan ang opisina para puntahan ang mga magulang ni Jazz.Puno ng pangamba at pag-asang mabuhay pa ang mga ito mula sa trahedyang kanilang kinasadlakan.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon