Just be a moment

422 19 1
                                    

Chapter32

Jazz was right.Their trip was not bad as she first thought it would be.It was much worse.In the whole duration of the flight,tinulugan lang siya ng walanghiyang si Brix habang siya ay halos hindi malaman ang gagawin sa kakaibang pakiramdam dulot ng pagkakalapit nila.Pagdating nila sa resort ay nalaman niyang sa isang cottage lang pala sila matutulog.Ang malala,isa lang ang kuwarto sa cottage.

Sa iisang kuwarto lang sila matutulog!To make matter worse,iisa lang din ang kama.No way!
"We can't sleep in the same room,Brix,"pigil niya rito nang tangkang papasok na ito sa kuwarto.Sa wakas ay diretso niyang nasabi ang pangalan nito.

"Why not?"sagot nito na para bang normal lang talaga sa isang kuwarto sila matutulog.Ni hindi siya nito nilingon.

"Because it's not proper,"sagot niya.

He turned around and looked at her as if she was nut.

"Ano ang gusto mong gawin ko?Mag-rent ng isa pang cottage?Masyado nang abala 'yon,Maria.And let me just remind you na ang lahat nang expenses sa trip na ito ay sagot nang kompanya.Ngayon,kung kukuha paako ng isang cottage,mas lalaki ang bill natin dahil pitong cottage na ang binayaran natin.Hindi pa kasama ro'n ang gagastusin natin sa pagkain at kung ano-ano pa.Besides,we are supposed to be in a relationship.So please,baby, don't be try to be difficult."

She saw the logic in his argument.Pero nagulat siya nang tawagin siya nitong "baby."Madalas din siya nitong tawagin nang ganoon noong sila pa.Tumahimik na lang siya.

"Can I go to sleep now?May meeting pa tayo bukas with the investors.I suggest you go to sleep,too.Para kahit paano ay hindi ka magmamukhang harrased mamaya,"anito bago tuluyang pumasok sa kuwarto.

Ngalingaling batuhin niya ito nang tsinelas sa ulo.Nag-atubili siyang sumunod dito.Ngunit pagkalipas nang ilang sandali ay nagdesisyon siyang pumasok na rin sa kuwarto.Para na kasi siyang tanga na nakatayo at nakatitig sa nakapinid na pinto.Naabutan niyang prenteng nakahilata sa kama si Brix.

Muli siyang nalito.Saan siya matutulog?Alangan namang siya pa ang tumabi rito?Inilibot niya ang paningin sa buong kuwarto at nakita ang maliit na sofa sa tabi ng bintana.Humakbang siya patungo roon.

"Saan ka matutulog?Don't tell me,sa sofa?"tanong ni Brix na akala niya ay natutulog na.

Nagpanting ang mga tainga niya.Ano ba kasing pakulo meron ang lalaking 'to?"Sa sofa nga,bakit?"paangil na sagot niya.Hindi na niya napigilan ang sarili na ipakita ang inis na nadarama niya."May problema ba"?

"Puwede ba,Maria?Don't try to be difficult.Hindi bagay sa'yo.Hindi ka ganyan.Dito kana sa kama matulog."Animo kung sinong prinsipe ito kung mag-utos.Kating-kati na talaga siyang hambalusin ito nang bag niya.

"And you?"

"What me?"

"Where you going to sleep?"parang tangang tanong niya kahit alam na niya kung ano ang magiging sagot nito.

"Saan pa?Eh,di dito sa kama.Alangan naman mamaluktot ako riyan sa sofa!Kita mo namang malaki akong tao,diyan mo ako patutulugin?"
pasupladong sagot nito.

Nagngingit na talaga siya.Kung kaya lang niya ay kanina pa talaga niya ito inihagis palabas ng bintana.Letseng lalaking 'to.At kailan ka pa natutong sumagot ng pabalang,ha?ngalingaling itanong niya rito.Namimilosopo ka,eh!

"Kaya nga ako nalang ang matutulog dito,eh.Kasi,alam kong hindi ka magkakasya sa pobreng sofa na ito,"wika niya na tila ba siyang nagpapaliwanag sa isang makulit na paslit.Sinundan pa niya iyon ng nang-aasar na ngiti.Maano ba kung mapikon ito.Basta ang alam niya ay naghuhuramentado na ang bawat himaymay ng katawan niya dahil sa inaasal ng lalaking ito.

Bahalabka nga riyan.Tutal malaki ka na,"anito.

Sa labis na pagkainis niyabay tinalikuran pa siya ng hudyo!Inilipad na yata ng hangin ang pagka-gentleman ng lalaking 'to,reklamk niya sa isip.Umayos na siyabng higa sa maliit na sofa, kapagkuwan ay nilingon niya ito.Mukhang mahimbing na talaga ang tulog nito.Nagsimula na rin siyang magpatangay sa antok bagamab kumukulo pa rin ang dugo niya.

Kinabukasan,agad na naghanda si Jazz para sa pakikipag-usap ni Brix sa mga investors.Ilang sandalibpa ay naglakad na sila papunta sa restaurant kung saan nila ime-meet ang mga ito.Tuwang-tuwa siya sa mga tanawing nakita niya.The place never really failed to impress her.It was not her first time in Palawan.Still,she fell in love with the place all over again.

The restaurant astounded her.Tila isang napakagarang bahay-kubo.May maliit na porch pa iyon na may mga dayuhan at maliliit na mesa at upuan na maaring gamitin ng mga costumers.The gentle breeze was blowing.The ambience was romantic.Even the lightings suggested romance.

Napaigtad siya nang maramdaman ang malamig na hanging sumamyo sa braso niya.Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang bigla siyang hapitin ni Brix palapit dito.Paglingon niya ay titig na titig ito sa kanya.Then he smile at her sweetly.Kahit naguguluhan ay nginitian na lang niya ito.Alam niyang napaka-sweet nilang tingnan.Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nito iyon ginagawa.

"Bakit!May dumi ba ako sa mukha?"tanong niya rito.

"Wala.You look beautiful,"anito,sabay pisil sa baba niya."Halika ka na."

Hinawakan nito ang kamay niya at iginaya siya patungo sa mesa nila.Naroon na pala ang mga taong kakausapin nila.Nakatingin ang nga ito sa kanila ni Brix.Nadismaya siya.Para pala sa benefit ng nga investors kaya ito biglang naging sweet sa kanya.Ang akala pa namab niya...

Gaga ka talaga,Jazz,piping saway niya sa sarili.Ano naman ang akala mo?Totoo ang ka-sweet-an na ipinakita niya saiyo?Asa ka pa.

Back to work na ang drama niya pagkaupo nila ni Brix sa mesa.Maging ito ay ay ganoon din bagaman hawak pa rin nito ang isang kamay niya.Ipinakilala siya nito kay Mrs.White at sa iba pang kasama nito bilang girlfriend.

"So the rumors that you are a playboy are not true?"tanong ni Mrs.White kay Brix.

Natawa ang binata.
"Like what you've said they're only rumors.How can I look at other women If I have this lovely lady for a girlfriend?In fact,I don't plan to let her go.She's the one I intend to marry."

Pagkasabi niyon ay hinawakan pa nito nang mahigpit ang kanyang kamay at tinitigan siya.Nais magdiwang ang puso niya pati kaluluwa.Naramdaman niyang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.Sinikap niyang huwag mapaiyak nang tuluyan dahil mahirap ipaliwanag kay Brix ang rason kung sakali.Parang totoo kasi ang sinabi nito at parang hindi umaarte lang.Kung hindi siguro sila pilit na pinaghiwalay noon ay baka mag-asawa na sila ngayon at may mga anak narin.

Next.....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon