Lola Lissa Home Coming

363 21 5
                                    

Chapter29

Pagkauwi ng mag-lola sa mansion ay nagpaalam muna si Lissa sa apo na magpapahinga saglit at mamayang hapunan nalang sila muling mag-uusap dahil mula pala sa airport ay dumeretso na ang ginang sa sementeryo.Kung sino man ang nagtelegrama sa kanyang Lola Lissa ay iyon ang hindi niya alam.Kung si Brix ba o si Sonia?

Tinungo naman ni Jazz ang kanyang silid upang mag-linis ng sarili at magpahinga na rin. Saktong pagkalabas niya ng banyo ay tumunog ang kanyang cellphone.Hindi nakarehistrado ang numero sa kabilang linya at tila overseas call.Agad niyang sinagot iyon para malaman kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hi,sis,"bati nang tumawag sa kanya.Si Sonia ang nasa kabilang linya.Nagkamabutihan na sila at umuwi na rin ito sa Japan nang matapos ang libing.

"I'm scared,"sagot niya.

"Saan?!"nagtatakang tanong nito."Minumulto ka ba nina Mommy at Daddy diyan sa mansion!?"reaksiyon ng kausap.

"Gaga!"ani Jazz."Hindi 'yun,no!At kahit multuhin man nila ako hindi ako matatakot sa kanila imbis matuwa pa ako."

"So,what makes you scared!?"

"Guess what?And who's here now!?"

"Si Brix,"mabilis na sagot sa kanya ni Sonia."Bakit ka naman takot sa kanya,eh,siya ang future husband mo,di'ba,"sabi pa nito.

"Gaga ka talaga!"ulit ni Jazz."It was Lola Lissa.Dumating galing Amerika and I think I'm in a big trouble,"kinakabahang sabi."Natatakot talaga ako sa muli naming paghaharap.I don't know what to say."

"Ow,girl..You're really in a big trouble.I can smell that.So,ihanda mo na ang sarili mo sa kanya.And make sure you will listen kundi patay kang bata ka."

"Isa ka pa,eh!"naasar niyang sagot.
Ngunit wala na siyang narinig na sagot mula kay Sonia dahil nagtut-tut na ito sa kabilang linya.Siguro ay naubusan na ito ng load at kung bakit  kasi long distance call ang ginamit kung puwede naman itong tumawag thru internet.Muli niyang hinintay ang tawag ni Sonia ngunit maghahapunan na'y di na siya muling tinawagan ng babae.

Isang katok ang umistorbo kay Jazz.Kinakabahang tinungo ng dalaga ang pintuan at binuksan iyon.Ipinapatawag daw siya ng kanyang Lola Lissa.Hinihintay daw siya nito sa may study room.Puno nang agam-agam na tinungo ni Jazz ang sinabing silid.Mukhang nakapagpahinga na ang kanyang Lola.Medyo umaliwas na ang mukha nito at kahit may-edad na ay litaw parin ang kagandahan.

"La,"bati niya sa ginang na kampanteng nakaupo habang may hawak na kape.Humigop muna ito bago siya sinagot.

"Halika,Apo.Umupo ka,"utos nito.

Pagkaupo ni Jazz ay may inabot ang lola niya sa kanya na nakapaloob sa sobre.Kahit hindi niya buksan yo'n ay alam na niya ang laman nito.
"Para sa'n to La?"ani Jazz sa ginang.

"Your first project to handle.Don't tell me ako ang magtra-trabaho niya'n gayong mas deserving ka sa posisyon na 'yan..I'm to old to carry on.Ikaw nalang ang inaasahan ng kompanya ngayong wala na ang mga magulang mo."

"Pero La.."alanganin niyang sagot.Kararating lang ng kanyang lola pero trabaho agad ang pinag-uusapan nila."Hindi ko po alam kung paano patakbuhin ang kompanya natin?I don't know how to start there,"aniya.

"Don't worry,Apo.Trust me.Akong bahala saiyo.Starting tommorow you will start the big project I gave you."

"Bukas!?"nakanganga niyang sagot."La naman?Agad-agad!Sa tingin mo ready na ako sa lagay na 'to!?"

"You should be ready.Wala akong kailangang marinig na rason pa mula saiyo.Kailangan nang kompanya ng isang head para mapatakbo iyon ng maayos.Kailangan ka ng mga empleyado doon.Sino ang magpapasahod sa kanila kung wala silang boss?If they find out na ganun, kawawa naman sila.Mawalan na nga sila ng trabaho,hindi pa sila mapapasahod,"pangungonsensiya ng Lola Lissa niya.

Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi sumunod sa pinag-uutos ng kanyang Lola Lissa.Isa pa siya lang naman talaga ang puwedeng pumalit sa puwesto ng kanyang mga magulang sa kanilang kompanya.Napabuga ng hangin si Jazz.Tiningnan ang hitsura ng kanyang Lola.Kampante pa rin ito at walang bahid na anumang galit.
Iniusod ni Jazz ang pagkaka-upo at niyakap ang braso ng ginang.

"La..."tawag niya

"Yes."sagot nito sabay haplos sa ulo niya.

"Can I have a request,"aniya.

"Sure?Gaya nang...."

"Puwede po bang dalawa?"aniya.

"Puwede naman.Basta kaya ko."

Tiningala muna ni Jazz ang kanyang Lola at muli'y bumuga ng hangin.
"Can you please stay with me here,La and be my guidance.Huwag ka nang bumalik sa Amerika,"napipiyok niyang sabi dahil naiiyak na naman siya.Paano na siya ulit kapag wala na ang kanyang Lola!?

"Actually,I decided to migrate here at hindi na muling babalik sa Amerika.I'm retired already,"sagot ng matanda.

Sa tuwa ay nakangisi niyang hinarap ang ginang.
"Thank you,La.I  promise to take care of you for the rest of your life.I do want to do thesame mistake again like what I did to Mama and Papa,"ani Jazz.

"It was an accident.So don't blame yourself.Move on kana para sa kinabukasan mo.Bata ka pa at marami ka pang magagawa.Kahit na magsisi ka at magmumukmok sa isang sulok hindi na sila babalik.It was already done.Face the fact na kaya mong harapin itong mag-isa.Prove them na kaya mo with my help."

"Thank you,La..I love you,"ani Jazz.Mabigat pa rin ang loob dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang.Sympre,sino naman ang makakamove-on pagkatapos ng mga ginawa niyang paglalayas at pagtatago sa mga ito.Nagtanim siya ng galit at hindi man lang nakapaglatawaran bago sila mawala.Kaya totoo pala ang kasabihan na pagnambato ka ng bato bato rin ang ibabato saiyo at baka mas malaki pa ang ibabato na puwedeng ikadurog.

Kaya naman napagisip-isip niyang sundin nalang amg utos ng kanyang Lola Lissa..Aayusin na niya ang buhay niya.Magpapakatino.Igugol nalang niya ang kanyang mga pagsisisi sa pagtratrabaho at pag-aaralan ang pagpapatakbo ng kanilang kompanya.Pupuntahan niya ang mga children welfare na ipinatayo ng kanyang ina na kung saan ay kumukop ito ng mga batang lansangan.Ang kuwento ng kanyang ina is from rag to richest....na tumataktak ngayon sa kanya.
Kaya naman hindi niya bibiguin ito.Ipagpapatuloy niya ang naiwanan ng kaniyang mga magulang bilang kabayaran sa mga nagawa niyang kasalanan.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon