Mainit na pagtatagpo!

446 24 3
                                    

Chapter Twelve

"Ikaw?"halos magkasabay na bulalas nilang dalawa..

"Ano'ng ginagawa mo rito?"muli nilang tanong nang sabay sa isa't-isa.

"Dito ako nagtratrabaho,'no!"sagot ni Sonia.

"At obvious na ako rin,"sabi ni Jazz.Sa lahat naman ng kompanyang puwede nitong pagtrabahuan bakit doon pa?

Nagsimula ang hidwaan nilang dalawa noong inakusahan siya ni Sonia na sugar daddy niya ang Papa David nila.Pero ang totoo,kahit kailan ay hindi papatol si Jazz sa isang katulad ni Mayor Sanchez dahil para sa kanya isang mabuting amahin ito.

Si Mayor David ang tumulong sa kanya para makapag-tapos sa Abogasya at palihim siyang nakikipagkita dito hanggang sa nalaman ito ni Sonia at lihim siyang sinubaybayan,pinamukha sa kanya na kabit siya ng kanyang sariling ama.Simula noon ay hindi na siya tinantanan pa ng dalaga at ginawa nito ang lahat para mapahiya siya sa harap ng ibang mga tao tuwing nakikita siya.Syempre ay hindi naman magpapatalo si Jazz.

"Hindi ako makapaniwalang ikaw ang bagong sekretarya ni Brix.Matanggal ka sana agad."

Bago sumagot may isang babaeng huminto sa tapat niya may dala itong paper bag na siguro ang laman nito ay pagkain.
"Ma'am,pagkain niyo po.Pinadala ni Ma'am Bea,"aning babae,saka iniabot ito paper bag sa kanya.Nginitian niya ang babae bago ito nag-excuse sa kanila.

"Pambihira!Kabago-bago mo pa lang pa VIP ka na agad.May pa deliver-deliver ka pa ng pagkaing nalalaman,"asik nito.

"Salamat sa welcome,ha.Hindi pa rin nagbabago ang tabas ng dila mo.Kaya ngmumukha kang matanda kaysa sa edad mo,eh,"sarkastikong sabi ni Jazz.

"Excuse me lang,ha!Mas maganda ako sa'yo,no!"inis na sabi ni Sonia.

"Ano'ng laban ng artificial beauty mo sa natural beauty ko?"pang-aasar ni Jazz.Makapal kasi itong mag-make up at kitang-kita iyon sa ayos ng mukha nito.Noon pa mang nasa kolehiyo sila ay hobby na yata nito ang pagme-make up."Hindi ka pa kumalahati sa ganda ko.Kaya 'wag mo akong pamukhaan na mas maganda ka."

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"inis na sigaw ni Sonia.

"Mas makapal yata ang sa'yo.Ilang layer ba kasi ng foundation ang ina-apply mo kada oras diyan?"pang-aasar ni Jazz.Pinalisikan siya ni Sonia ng mga mata pagkatapos.Natawa na lang siya sa naging reaksiyon nito.

"Walanghiya ka!"aniya na may pagbantang pagsugod.

"Naka-experience ka na ba nang dinugo ang ilong?Baka gusto mong maranasan kung paano ko paduguin 'yan?"palaban niyang sabi kay Sonia.
Napaatras ito ng makitang itinaas na niya ang kanyang kamao.Kakaparetoke lang ni Sonia ng kanyang ilong kaya hindi pa iyon puwedeng magalaw at masaktan.

Points for super Jazz!

"You're both fired!"

Kapwa nagulat sina Jazz at Sonia nang makitang nanood sa kanilang dalawa si Brix.As usual,blangko na naman ang ekspresyon ng mukha ng binata.Pero naalala ni Jazz ang panti-trip nito sa kanya kaya nabuhay na naman ang inis.Galitin niyo na ang babaeng stress 'wag lang ang babaeng gutom.

"S-Sir?F-fired?"alanganing tanong ni Jazz.Kitang-kita ang takot at kaba sa mga mata.

Hah!Sarap sa pakiramdam na nakikita siyang natatakot,"pilyang sabi ni Sonia sa sarili.

"Hindi mo puwedeng gawin 'yon,"aniya kay Brix.

"Says who?You?Kakaumpisa mo pa lang magtrabaho dito and yet your such a great trouble maker.You are just a secretary.Meaning,utusan.You work for me.At hindi ako susunod sa'yo.Pasalamat ka,pinalampas ko ang pagsagot-sagot mo sa 'kin kanina.Pero sumusobra ka na,"ani Brix na blangko ang ekspresyon pero parang pahampas ng latigo ang mga sinabi.

"Sir,Brix,hindi naman ako ang nauna,eh.Ang babaeng 'yan ang unang----"

"Enough!Nahuli ko kayong nagsisigawan inside the company promises.Pareho n'yong nilabag ang company work ethics.I don't want my employees stooping low calling each other names,"putol ni Monster Brix sa iba pang sasabihin ni Jazz.

"Termination agad?Hindi ba puwedeng warning muna o first offense?Hindi iyon sapat na dahilan para sesantihin mo kami pareho sa trabaho.Surely,hindi naman ganoon kababaw ang grounds for termination ng malaking kompanya tulad nito,'di ba?Isa pa,isang beses pa lang itong nangyari," matapang na sabi ni Jazz na deretsong nakatingin sa mga mata ni Brix.

Nakipaglabanan naman ng tingin si Brix at hindi ito inurungan ni Jazz.Nakita niya ang pagdaan ng inis sa mga mata nito,ganoon din ang pagtatagis ng mga bagang.Napangisi siya sa kanyang sarili.Nanalo na naman siya sa round na iyon.

"Get back to work, you two.The next time this happens,you'll both get fired.No questions asked,"pagbabanta sakanila ni Brix.

"Don't worry Jack,we will settle it outside,"sabi ni Sonia.Bumaling ito kay Jazz para umirap at mayamay pa ay naglakad na patungo sa elevator.

Napailing na lang si Jazz,saka muling binalingan si Brix at nginitian ito.
"Thank you,Sir,"sarkastikong sabi niya.

"Nakita mo na ba ang pinapahanap ko sa'yong invoice?"mayamaya ay tanong ni Brix.

Kinuha ni Jazz sa ibabaw ng desk niya ang invoice ng HP na nakuha niya kanina sa mesa ng binata.
"After ten thousand years,nahanap ko na rin siya,"nakangising sagot ni Jazz kay Brix.Tiningnan muna siya nito nang masama bago pumasok sa loob ng opisina at padabog na isinara ang pinto.

Three points for super Jazz!

Next...

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon