May sakit si Jazz

464 31 6
                                    

Chapter Twenty

Naging audience nalang nila sa eksenang iyon sina Bea at ang dating sekretaryo ni Brix.

"Sixty thousand a month,"ani Brix.

"Higher,"pang-aasar ni Jazz.

"Take it or leave it.Kailangan mo ng pera,'di ba?"muling sabi ni Brix.

"I'll leave it,"taas noong sagot ni Jazz.

"What would it take for you to come back here?"mayamaya ay tanong ni Brix.

"Para ibalik ang tseke kay Bea.Anything explanations you want to hear,why I'm here?"

"It just turns out that I need a good damn good, efficient,and smart secretary ASAP.You're qualified  for the job and you've had experience working with me.So,I want to take you back,"seryosong paliwanag ni Brix.

"Sa isang kondisyon,"ani Jazz.Ini-imagine pa lang niya si Brix na gagawin ang kanyang iniisip ay napapangiti na si Jazz.

"At ano naman 'yon?"

"Apologize.Mag-sorry ka sa'kin dahil sa ginawa mo dati.Kneel in front of me and beg me to come back.Take it or leave it,"sabi ni Jazz kay Brix na may ngiti sa mga labi.

Nagsalubong ang mga kilay ni Brix habang nakatingin sa kanya."Forget it,"naiinis na sagot nito.Ilang saglit pa ay walang habas na lumabas ito ng opisina ni Bea.

"Jazz, you're wicked,"komento ni Bea.

"Dapat lang.Kung gano'n ka-monster ang kaharap mo."

Oh,well.May plan failed but it's good to see his world rock again.

Napagdesisyonan nalang ni Jazz na ituloy ang naudlot niyang trabaho sa opisina ni Brix kahit medyo masama ang pakiramdam niya.Kailangan niya talagang makaipon nang pera para sa business dream niyang coffee shop.Isa pa,naawa siya sa sitwasyon ni Bea para ihanapan ng makakasundong secretary ang kuya Brix nito.

Hinilot ni Jazz ang sentido nang maramdaman ang bahagyang pagkirot niyon.Pagkatapos ay dinampot niya ang tasa ng kape habang nakatutok pa rin ang mga mata sa mga papeles na kanina pa niya pinagkakaabalahan.Istorbo pa ang kakaibang pakiramdam niya ngayon.Na parang kanina pa siya tinatawag ng sofa doon para makapagpahinga.

Pero hindi.Hindi siya puwedeng magpahinga.Usually,tinatapos muna niya ang mahalagang trabahong hawak bago magpahinga dahil hindi rin gagaan ang loob niya kung may naka-hang pa siyang trabaho na aalalahanin.Napatingin si Jazz sa tasa nang ma-realize na wala na pala iyong laman.Nasaid niya siguro iyon nang hindi niya nalalaman.Inilapag nalang niya iyong muli at inasikaso ang trabaho.

"Kuya Boks,favor naman po,o!Pa-refill naman ng kape ko galing diyan sa percolator."Nakatungo pa ring tukoy niya sa pang-night shift na guard sa gusali nila.

Naramdam niya ang paglapit nito para kunin ang tasa gayundin ang paglalapag muli niyon sa mesa.
"Thank you---"Hindi na naituloy ni Jazz ang sasabihin nang bumungad sa kanya ang pinakaguwapo na yatang mukhang nakita niya pag-angat ng tingin.
"Brix!"

"It's past ten PM already.What the hell are you doing here,Jazz?"tanong nito.

Parang biglang gumaan ang pakiramdam ni Jazz.
"Working, of course."
Kinusot niya ang bahagyang nanlalabong mata bago ito muling hinarap.
"Sorry,Sir.Hindi kita makukulit ngayon.Busy ako,eh.Saka na tayo magbangayan kapag natapos ko na 'tong mga papeles na pinapagawa mo sa'kin."

Natameme siya nang umangat ang kamay nito at lumapat sa noo niya.
"You have a fever,Jazz,"seryosong sabi nito."Pack your things and go home."

"Ha?Teka lang,hindi pa ako tapos sa ginawa ko."Hinawakan naman niya ang leeg upang kumpirmahin ang sinabi ni Brix."Wala naman akong lagnat,eh."

"You can't feel it because you're hot all over.Come on.I'll take you home."Hinawakan ni Brix ang braso niya.

"T-teka!Tatapusin ko na muna 'to.Malapit na eh--,"
Napatili na lang si Jazz nang umangat ang katawan mula sa swivel chair na kinauupuan at napakapit sa batok nito nang pangkuhin siya.Napatunganga na siya sa guwapong mukha ni Brix.

Hindi na siya nito inimik pa hanggang makarating sila sa elevator.Naiilang na rin siya sa kaseryosuhan ng binata.Hindi sa hindi siya sanay na seryoso itong palagi.Hindi lang siya sanay na buhat-buhat siya nito nang matagal.

"Ahm...I think I can walk.Kaya puwede ba?Ibaba mo na ako bago pa may makakita sa'tin."

Tiningnan lang siya ni Brix at parang hindi siya narinig na tumingin lang muli sa pinto ng elevator.Hindi na siya nakapagreklamo pa hanggang sa ibaba siya sa mismong sasakyan nito.
"Thanks,"nahihiyang sabi niya pagkasakay nila sa driver's seat.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Brix habang pinagmamasdan si Jazz sa tabi niya.Nakatulog na ito sa sasakyan dahil masama nga ang pakiramdam nito at hindi niya inimik sa buong biyahe pauwi sa condo nito.Looking at her like this,walang mag-aakalang masungit,maldita at tigresa nito kapag gising.She looked like a sleeping angel.

Inilapit niya ang kamay sa mamula-mulang pisngi ng dalaga.It was deeper red than usual maybe because of her fever.He sighed again.Minsan ang sarap nitong kutusan kapag umaandar ang katigasan ng ulo at ang pag-tataray.Although he really admired her for that.Dahil sobrang talino ni Jazz pagdating sa trabaho.

Kung pagmamasdan si Jazz nang mga oras na iyon ay hindi nino man iisipan na ito ang babaeng nagpapayanig sa pagkatao niya.She was yet warfreak but responsible  when it came to her work.Saka napansin ang namumulang mga pisngi at maging ang pamumungay ng mga mata nito.Wala sa loob na hinawakan niya ang noo nito.Tama siya ng hinala nilalagnat ang dalaga.

And there they were,si Jazz,mahimbing na natutulog sa front seat ng sasakyan niya habang naaliw naman siyang pagmasdan ito.Ngayon nga ay hawak na naman niya ang pisngi nito.Ramdam niya ang mtaas na temperature ng dalaga sa normal ngunit parang hindi niya kayang gisingin ito sa ganitong payapa ang pagkakapikit.

"Jazz...what it's take you too long to come back in my life?Where have you been all these years?I really miss you.Miss you so much,"bulong ni Brix sa mahimbing na natutulog na dalaga.

Next.....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon