Jazz "New task"

716 23 0
                                    

Chapter Three

"Jazz Ocampo?"

Naitaas ni Jazz ang kanyang kilay sa babaeng nabungaran pagkabukas niya ng pinto ng kanyang apartment.Ayaw pa sana niya itong buksan dahil baka ang may-ari ng apartment na nirerentahan niya ang naroon at maniningil na naman.Naitanong ni Jazz sa kanyang sarili kong nagparetoke ba ang may-ari at bigla na lang itong naging maganda.Dahil ang babaeng nasa harap niya ngayon ay malayo sa malalumba-lumbang may-ari ng kanyang apartment.

Mukhang isang modelo ang babaeng nasa harap ni Jazz---isang mayamang modelo.Mula sa magandang mukha hanggang sa magandang hubog ng katawan nito na nakikita sa see-through blouse na suot nito na tinernuhan ng fitted black pants.Nang mapansing mas matangkad sa kanya ang babae,napasulyap si Jazz sa paanan nito at napatango sa kanyang sarili nang makitang naka-flats lang ito.

"Can I come in?"pukaw nang babae sa atensiyon ni Jazz.

"Hindi puwede.Sino ka ba?At ano'ng kailangan mo sa akin?"mataray na tanong ni Jazz na sinulyapan ang hawak nitong folder.

Kahit na sino pa ang babae ay hindi ito basta-basta na lang makakapasok sa loob ng apartment niya.May hula na si Jazz na pinaimbestigahan na siya nang babae kaya nalaman nito ang pangalan at address niya.Kaya
ang gusto niyang malaman ngayon ay kung ano ang gusto nito sa kanya at naging intresado ito para paimbistigahan at sadyain siya.

"I'm Bea Joanah Fernandez.I need you to do something for me,and you need me,too.I have money,"deretsong sabi ng babae.

Pera!naghuhumiyaw na sabi ng isip ni Jazz.Kailangan niya iyon ngayon.Hindi niya ikakailang pera ang buhay niya.Naniniwala kasi siyang sa pera umiikot ang mundo at kapag wala ka niyon,hindi ka rin nag e-exist sa mundo.Magmula ng umuwi siya sa Pilipinas ay unti-unti nang naubos ang perang naipon niya.Wala rin siyang balak humingi ng tulong sa kanyang Mama Zelina at Papa David.Para sa kanya ay kaya niyang mabuhay na hindi humihingi ng tulong mula sa kanila.

Mukha namang harmless ang babae kaya niluwangan ni Jazz ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ito.Hindi na siya nag-abala pang linisin ang loob ng studio-type apartment niya dahil malamang ay alam na nito ang buhay niya.

"So ano'ng pakay mo sa'kin?"agad na tanong ni Jazz rito nang makaupo ang baba sa isang stool na nasa tabi ng pintuan.Palaging naroon iyon dahil doon siya nagsasapatos at iyon ang kanyang inuupuan..

Iniabot sa kanya nang babae ang folder na hawak bago nagsalita.Binuklat ni Jazz ang folder.Una niyang nakita ang litrato ng isang guwapong lalaki na nag  ngangalang 'Jackson Brix Fernandez.'Nang makilala niya ang lalaki ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

Ito ang lalaking hinahanap niya.Ang lalaking iniwan na lang siya ng basta-basta.Ang lalaking nakaaway niya dalawang linggo ang nakakaraan kung saan siya nagbakasyon ng tatlong araw.Halos ubusin doon ni Jazz ang seperation pay niya mula sa huli niyang trabaho.At itong si Jackson Brix ang umubos ng pasensiya niya.Hindi niya makakalimutan ang naging engkwentro nila ng binata.

"This is the worst resort ever!"agad na sabi ni Jazz sa front office clerk ng resort pagkagaling niya ng pool area.Hindi niya alintana kung may kausap pang ibang costumer ang clerk.Naiinis siya dahil hindi siya makalusong sa pool.Hindi kasi gumagana ang shower malapit sa pool at kailangan muna niyang mag-shower bago lumusong doon.

"Ma'am,I'm sorry but may I know what is your concern is, please?"magalang at kalmadong tanong ng front office clerk.

"Sira ang shower niyo sa may pool.Hindi ako makapag-swimming!"mataas ang boses na sabi ni Jazz.

"I'm sorry for the inconvenience,Ma'am.I'll ask someone to check on that,"anang babae.

"Hindi lang 'yon!Kagabi rin ay may pumasok na estranghero sa room ko.How could you let someone sneaked into my room without
telling me?Sinira lang naman niya at  giniba ang pintuan.Para sabihin ko sainyo,hindi ko na iyon kargado.Siya ang pagbayarin niyo!Porke ba't may naiwan na silang gamit doon!Hinayaan niyo nalang na pasukin ako!"

Kagabi kasi ay naligo muna siya bago natulog dahil  lagkit na lagkit siya mula sa paliligo sa dagat nang mag-island hopping siya.Dahil basang-basa na ang isang towel na naroon at nahulog naman ang isa sa paliligo niya ay humingi si Jazz ng extra towel para pantuyo sa buhok niya.Wala naman kasing blower sa kuwarto.Pero natuyo na ang buhok niya at lumipas na ang isang oras ay wala pa rin ang tuwalyang hinihingi niya.

"I'm sorry about that,Ma"am.We'll just give you a complimentary lunch to make up for everything,"hinging paumanhin na naman sa kanya ng babae.Ayos na sana sa kanya ang complimentary lunch pero gusto niyang maaksiyonan agad ang sirang pintuan sa kanyang inuupahang kuwarto.

"Gusto kong maayos ang----"

"Excuse me,"singit ng lalaki sa pag-uusap nila ng front office clerk.Mayamaya ay hinawakan siya ng lalaki sa siko."Ask someone to fix her room door right now.Also,ask someone to put five pieces of towels in her room," utos ng lalaki sa clerk bago hinila si Jazz paalis doon.

Napakunot ang noo ni Jazz."Wait!Sino ka ba?"sita ni Jazz.Sinusubakan niyang hilain ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng lalaki pero mas hinigpitan lang nito ang kapit sa braso niya."Bitawan mo ako!Puwede ba?Nasasaktan ko!Hindi mo ba ako kilala,ha?Isa akong magaling na abogada!"pagbabanta ni Jazz pero deretso lang ang paglalakad ng lalaki habang hila-hila siya.

Pagkatapos ay natagpuan nalang ni Jazz ang kanyang sarili sa ilalim ng shower na inirereklamo niya sa front  office clerk.Doon lang siya binitawan ng lalaki.Itinapat nito ang kamay sa gitnang bahagi ng shower at bigla nalang naramdam ni Jazz ang pagbuhos ng tubig sa kanyang katawan.

Next.....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon