Strange Night

579 22 2
                                    

Chapter33

Nang matapos ang meeting ay nagyaya ang mga investors na mag-dinner.Ngunit magalang na tumanggi si Brix sa paanyaya.
"I want to spend the rest of the evening with this lovely lady,If you know what I mean,"paliwanag nito,sabay kabig uli sa kanya palapit dito.

Ang galing umarte ng mokong na 'to.Naku,Jazz!Mag-iingat kang babae ka.Baka mamaya niyan,umasa ka na totoo ang lahat ng 'to.Nahihibang ka na kung inaakala mong magkakatotoo nga ito,paalala niya sa sarili.Sa paningin ng mga ito ay ang sweet-sweet nila ni Brix at in love na in love talaga sa isa't-isa.

Nanigas ang kanyang katawan.Tila may tumulay na bolta-boltaheng kuryente sa kanyang katawan sa pagkakalapit nila.Hinigpitan nito lalo ang pagkakahawak sa kanyang balikat.Mabuti nalang at hindi iyon nahalata ng mga kausap nila.Ngumiti pa ang mga ito sa kanila.Tumango ang mga ito,saka nagpaalam.Hinatid nila ang mga ito ng tingin.

Matagal ng wala sa kanilang paningin ang mga kausap at nakapatong pa rin ang isang braso ni Brix sa balikat niya.Inaamin niyang kinikilig siya sa pagkakalapit nila.At kahit paulit-ulit na sawayin niya ang kanyang puso,hindi mawala-wala ang kilig na nararamdaman niya.Ang init na galing dito ay nagbibigay sa kanya ng nakakakiliting pakiramdam.Mula noon hanggang ngayon ay ganoon pa rin katindi ang epekto nito sa kanya.

Ngalingaling ihilig niya ang ulo sa balikat nito.Nanunuot sa kanyang ilong ang amoy nito.The musky smell of the perfume he was wearing blended with his natural scent.It was intoxicating.Ganoon na lang ang pagpipigil niya sa sarili na yakapin ito.Pinagalitan niya ang kanyang sarili.Kung hindi niya pipigilan ang nararamdaman niya ay siya rin ang magdurusa.Alam niyang pagbalik nila sa Maynila ay balik uli sa normal ang trato nito sa kanya.By normal,she meant babale-walain na naman siya nito at kakausapin lang kung mayroon itong kailangan sa kanya.

Sa kabilang banda,dapat siguro ay i-enjoy na lang niya ang sitwasyon nila ngayon.After all,hindi na uli mangyayari iyon.Maliban na lang kung kakailanganin uli nito ng temporary girlfriend.Tumikhim siya upang kunin ang atensiyon nito.Para na kasi silang tangang nakatayo lang sa porch ng restaurant.Nilingon siya nito,bakas ang pagtataka sa mukha.

"Ahm...babalik na ba tayo sa cottage,Boss?"tanong niya,hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa mga investors?I said,we will spend the night together,"anitong nakakunot na ang noo.Tila mayroon itong hindi nagustuhan sa sinabi niya.

Oo nga?Sabi ko nga,ngalingi niyang sabihin dito.Spend the night together daw,nyah!Parang true pero false.
"Narinig ko?Akala ko kasi sinabi mo lang 'yon para mas kapaniwa-niwala ang lahat.Hindi ko naman alam na may balak ka palang gawin 'yon.Pasensiya na sa katangahan ko,"aniyang hindi napigilang maging sarkastiko sa binata para maitago ang nararamdaman niyang kilig.Kung puwede nga lang siyang mag split at tumbling sa harap nito ay kanina pa niya ginawa sa sobrang saya.

Matagal bago ito sumagot."Well,I happen to mean it.Nagugutom pa ako.So, let's dine out."

"Yes,boss.You know,food is life,"nakangisi niyang biro kay Brix.As if naman may choice ako.

"Jeez!Hindi ba sinabi ko na sa iyong 'wag mo akong tatawaging "Sir or boss"?Ang kulit mo talaga,Maria,"wika nito habang ginagaya siya papasok uli sa restaurant.What caught her attention was the fact that he still did not remove his hand from her shoulder.She felt so warm all over.

Bakit ba ako naiilang?Eh,ano naman ang masama kung kami nalang dalawa ang naririto?Isa pa,hindi naman talaga kami lang ang naririto ah.'Ayan nga at ang dami-daming tao,o.Gaga talaga ako,saway niya sa sarili.Tila nakakaramdam siya ng kakaibang pressure sa prisensiya ng binata.Dapat nga sanay na sanay na siya dahil matagal na silang magkatrabaho ever since nag-apply siya sa kompanya nito pero bakit tila kakaiba ang nararamdaman niya.

Napailing siya.Nasisiraan na talaga siya.Pinasadahan siya nito ng tingin bago uli nito itinuon ang mga mata sa daan pabalik sa cottage nila.Pagdating sa kanilang tinutuluyan ay agad na tinungo nito ang banyo,marahil ay upang maligo.Siya naman ay dumeretso sa kuwarto.Tinungo niya ang sofa at humiga siya roon.Dala marahil ng pagod kaya agad na hinila siya ng antok.

Naalimpungatan siya nang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang mga binti.Pagdilat niya ay mukha agad ni Brix ang nasilayan niya.Ang mga binti pala nito ang nakadagan sa mga binti niya.Wala itong suot na pang-itaas,boxer short lang.Nang makita niya ang estado nito ay lumipad kaagad ang antok niya.Napapikit uli siya at bumulong ng maikling panalangin.

"Diyos ko,ilayo po Ninyo ako sa tukso."

Ayaw niyang dumilat dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa binata.Ngunit nagsumiksik naman sa kanyang diwa ang init na nanggagaling dito.Tila napakasarap sumiksik dito.Ngunit bigla itong tumihaya kaya bahagyang lumayo ito sa kanya.Agad na nakaramdam siya ng kahungkagan.Na parang wala na itong balak lumapit uli sa kanya kaya siya na ang kusang lumapit dito,dahan-dahan siyang umisod palapit kay Brix,at nang matiyak na hindi nagising ay iniyakap niya ang isang braso sa baywang nito.

Hindi ito natinag kaya nakahinga siya ng maluwag.Lalo pa niyang isiniksik ang katawan dito.Umunan pa siya sa matipunong dibdib nito.She remembered the times when they still together.They used to snuggle up together like that.Biglang namasa ang kanyang mga mata.What she and Brix had were good memories.At hanggang doon na lang iyon---
memories.Nakatulog uli siya sa ganoong posisyon.

Brix opened his eyes when he was certain Jazz was already in deep slumber.May sumungaw na ngiti sa kanyang mga labi habang nakamasid sa dalaga.It took all his self-control to stay still until he was sure she was already sleep.Ngunit napagtanto niya ang ang konsekwensiya ng ginawa dahil naramdaman niyang sumaludo na naman ang "general" niya.

He could not do anything to ease his need.All he wanted to do that very moment was to make love to the gorgeous woman lying beside him.Ang babaeng naging malaking bahagi ng kanyang pagkatao.Kunga ano siya ngayon,kung ano man ang narating niya sa buhay ay dahil sa babaeng ito.

Ayaw niyang gisingin si Jazz dahil tila mahimbing na ang tulog nito.Kung gigisingin niya ito,wala namang kasiguruhan na papayag itong makipagtalik sa kanya.Isa pa,hindi siya ang uri ng lalaking mamimili sa babae.God!He was so pathetic.Ano ba ang nangyayari sa kanya?He was turning into a sex maniac!

Muli niyang tinunghayan ang mahimbing na dalaga.She looked like an angel.Nagpakawala siya ng malalimcna hininga,kapag kuwan ay inayos niya ang pagkakahiga nito bago pinilit ang sarili na matulog uli.
It's going to be one hell of a long night,reklamo niya sa isip.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon