Brix love to Jazz never dies

436 29 4
                                    

Chapter Thirteen

Katulad ng iniutos ni Brix,pumunta si Jazz sa opisina nang binata pagkatapos niyang ayusin ang mga kinalat niyang papeless.Hindi maipaliwanag ang sobrang kaba sa dibdib niya.Sisentihin na kaya siya ng binata?Tatangalan na siya ng trabaho?

Kumatok na siya sa pinto ng opisina nito ay nanlambot na talaga ang mga tuhod niya.Hindi pa siya nakakain ng tanghalian,susubo pa lang sana siya ng isang kutsara ng sabihan siyang pumunta sa opisina nang binata at tila himala na nakalakad pa siya nang papasukin siya nito.

She closed the door behind her.Pero na natili lamang siya sa tabi ng pinto.Parang hindi na niya kayang ihakbang pa ang mga paa niya palapit dito.Brix was busy reading some documents.Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Tila tinubuan na siya ng ugat sa pagtayo roon ay nagsalita na siya.
"Ahm...S-Sir?"pukaw niya sa atensiyon nito."May ipag-uutos po ba kayo?'
Noon lang ito nag-angat ng tingin.Tila nagulat pa ito na makita siya roon.

"Oh, you're here."

"Yes,Sir.May ipag-uutos po ba kayo?"

"Oh,yes.I want you to gather all the employees for a brief meeting.Mamayang alas-singko nang hapon,bago uwian.Gusto ko lang ipaalala sa lahat na bawal ang makipag-away sa loob ng kompanya ko dahil nakakasira ito ng reputasyon,"wika nito,bakas ang sarkasmo sa tinig.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi.Hindi man hayagan ang pagkakasabi nito,alam niyang siya ang sinisisi nito sa nangyaring insidente.No matter how much she would like to,she could not blame him.Totoo ring meron din siyang kasalanan.

"Yes,Sir,"nakayukong sagot niya.Halos hindi na lumabas mula sa lalamunan niya ang kanyang sinabi.Kung magrarason pa siya ay baka tuluyan na talaga siyang masisante.Kailangan niya ng extra cash this time.

"And why are you standing beside the door?Kailangan ko pa bang iutos sa iyong umupo ka?Geez woman!Nasaan na ang initiative?"

Nagulat man sa marahas na pananalita nito ay agad na sinunod niya ito.Medyo hilo na nga ang pakiramdam niya ng nga sandaling iyon.Pero kinaya pa rin niyang lumapit sa upuang katapat ng mesa nito at doon umupo.Iniyuko niya ang ulo.Ilang saglit na nanaig ang katahimikan sa loob ng opisina.

Nang hindi siya makatiis ay nag-angat na siya ng tingin upang alamin kung ano ang ginagawa nito.Nakita niyang abala na uli ito sa mga dokumento sa harap nito.
Bakit ba niya ako pinaupo?Para panoorin siyang magbasa?sa isip-isip niya habang pinipilit labanan ang kanyang pagkainis.

"Sir,is there anything else you want me to do?"pukaw niya rito dahil tila kinalimutan na nitong naroon siya.

Muling nag-angat ito ng tingin.Sa panggigilalas niya ay tinanong pa siya nitong:"Why are you still here?"

Pakiramdam niya ay sumulok ang lahat ng dugo sa kanyang ulo.Kung maaring lang sumapak ng boss baka kanina pa ito nakatikim ng kamao niya.Gayunman,pilit na pinaalalahan niya ang kanyang sarili na boss niya ito kaya hindi niya ito puwedeng singhalan muli.Pinigil na lamang niya ang panggigigil dito.

"Pinaupo po kasi ako ninyo ako,Sir.That's why I thought you still have something to tell me,Sir."
Naninigas ang mga panga niya dulot ng pagpipigil sa galit.

"Ahh..Ganoon ba?Oh,yeah.Now I remember.I want you to place your table here in my office.I don't want to waste my time punching that blasted intercom just to have you fetch something."

Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay tila siya sinabugan ng bomba.
Nanginginig na nga ang lahat ng lamang-loob ko na pinapunta lang niya ako rito sandali,ano pa kaya kung dito na talaga ako magtratrabaho sa opisina niya?As in magiging very close kami sa isa't-isa?

"Is there any problem with that,Miss Jazz?"

"Wala po,Sir."Alangan namang sabihin kung meron,eh,di para narin akong nagpatiwakal?

"Then what the hell are you still doing here?I gave some duties ,have I not?Go and do them now.Christ!"

"Okay,I'm leaving coz I'm starving to death now,Monster!And I thank you.You don't have any concern at your employee at all! Selfish,"hindi na napigilang sabihin ni Jazz sa binata.Agad tumalilis siya palabas sa opisina nito.

Brix heaved a sigh the moment the door closed.Sino ang mag-aakalang ang babaeng inalayan niya ng pagmamahal noon at muntik nang sumira sa kanyang pagkatao ay magiging sekretarya na lamang niya ngayon?The tables had turned indeed.

Alam niyang nainis na ito kanina dahil sa pagsusungit niya.Pinipilit man nitong itago iyon ay nahalata pa rin niyanl.Nagkunwari siyang walang pakialam dito at itinuon ang atensiyon sa binabasa niya.Ngunit sa totoo lang,sa halos ilang minuto niyang pagtitig sa dokumentong hawak niya,tanging naintindihan lang niya roon ay ang unang pangungusap:
Good morning to you.

He could just not believe he saw Jazz again.His Jazz.Back then,his heart only beat for this woman.At sa tingin niya ay wala ng mamahalin pang iba ang puso niya kundi ito lang.

Next....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon